Pagsisimula Ng Nararamdaman ni Lina

1179 Words
...pagkarinig nga ni Lina sa sinabi ni Franco ay agad umayos ito Ng Tayo at medyo lumayo sa kanyang amo. "good evening po sir" nahihiya yang sambit. Halos hindi pa rin makapaniwala si Lina na ang napakagwapo at matipunong lalaki na nakatayo sa kanyang harapan ngayon ay kanyang magiging amo ang buong akala Kasi nito ay asa edad 50 na ang kanyang amo Kasi matanda na ang amo Ng kanyang Ina kayat hindi Niya Inaasahan na bata pa pala ito. "ipagtimpla mo ako Ng kape" utos ni Franco ngunit tila hindi ito narinig Ng dalaga Kaya inulit ni Franco ng pasigaw. "IPAGTIMPLA MO AKO NG KAPEEEE!" ang pasigaw na utos ni Franco. "ay pasensya na po sir" ang nahihiyang sambit ni Franco. Bago pa ito pumunta sa kusina ay narinig nyang sabi ni Franco "parang may pagkabingi ka ata iha.." Kaya nagsabi agad si Lina ng pasensya na po sir " naninibago lang po' at agad itong dumeretso sa kusina upang magtimpla Ng kape. Pagkatapos ngang magtimpla ay ihahatid na Niya iyon sa kwarto ni Franco. Kumatok ito ng mahina at agad naman na pinagbuksan ni Franco ng pinto. Bumungad kay Lina ang napakakisig na katawan ni Franco at pasimpleng nasulyapan ni Lina ang kanyang mga perpektong abs. Naka boxer short lamang Kasi ito Kaya kitang kita ang kanyang mga abs at ang pumukaw pansin Kay Lina ay ang nakaumbok sa boxer short nito. Sa Tala Ng buhay nito ay ngaun lang siya nakakita ng ganun kaperpektong katawan ng lalaki sa personal, para itong isang modelo bonus pa ang magandang kutis at gwapong mukha nito. Nagulat na lang siya ng marinig ang sinabi ni Franco "balak mo bang hawakan na Lang ang kape ko o ibibigay mo?" sarkastikong sabi nito at nakakunot ng nuo. "ay eto na po sir ang inyong kape, Sana magustuhan niyo po" ang sambit naman ni Lina na tila ba nahihiya kasi pakiramdam niya ay nahuli siya nitong nakatingin sa kanyang mga abs. Kaya agad itong nagpaalam na bumaba na " Sige po sir pababa na po ako at ihahanda ang inyong dinner" wika nito. Walang imik lang na kinuha ni Franco Ang kape at isinarado ang pinto ng kanyang kwarto. "Ano ka ba naman Lina nakakahiya sa mga ginagawa mo. Unang araw mo sa trabaho kung ano ano ang mga tinitignan mo. Alalahanin mo boss mo siya kahit pogi pa ay wala kang karapatan na pag pantasyahan siya" wika ni Lina sa kanyang sarili habang naghahanda ito ng hapunan Ng kanyang amo. Nag ka boyfriend din naman siya nuon kaso hindi nagtagal ay naghiwalay din sila dahil hindi niya ito mabigyan ng oras dahil busy siya sa kanyang trabaho Kaya simula nuon ay hindi na ito sinubukan pang makipagrelasyon kahit na maraming nanliligaw sa kanya. Natapos na nga ni Lina na ihanda ang hapunan Ng kanyang amo kaya umakyat ito at kinatok ang pinto " sir handa na po ang inyong hapunan" wika nito. Naramdaman naman ni Lina na palabas na ito Ng kanyang silid Kaya nauna na itong bumaba hinintay na Lang Niya ito kusina. Nasa hapag kainan na si Franco at tinitigan ang inihandang pagkain ni Lina. "Linaa.. maupo ka dito at saluhan mo ako" wika ni Franco. Ikinagulat iyon ni Lina ang sabi Kasi ni Dhalia ay ayaw nitong may kasabay kumain kaya madalas sa bahay talaga ito kumakain kasi ayaw niyang kumain sa labas maliban na lng kung may special events or meetings. Agad namang sumagot si Lina" sir, busog pa po ako. Salamat na lang po" "masama ang tumatanggi sa grasya" Saad naman ni Franco. Nahiya naman si Lina kaya walang imik na sinaluhan na lang niya si Franco. Titig na titig naman si Lina sa gwapong mukha ni Franco. "ang perfect naman ng mata nito" Saad ni Lina sa kanyang utak. Itinuloy lang Niya ang pagtitig mula sa mata patungo sa matangos nitong ilong haggang sa mga labi nito patungo sa leeg nito. "Baka matunaw na ako nyan" sambit ni Franco. "sir? ano po iyon?" ang nabubulol na sagot ni Lina. Natawa na Lang si Franco. "ang sabi ko sabayan mo akong kumain hindi ko sinabing titigan mo ako habang kumakain." ang natatawang sagot nito. " Pasensya na po sir ang gwapo niyo po kasi" pabulong na sagot ni Lina. Natawa na lamang si Franco sa sinabi ni Lina at napagtanto ni Lina na mas pumupogi pala ito pag nakangiti. Pagkatapos ngang kumain ay bumalik na si Franco sa kanyang kwarto at nagligpit naman si Lina at pagkatapos ay pumasok na din siya sa kanyang silid. Agad naman niyang kinuha ang kanyang puting daster na pantulog. Manipis lang iyon kasi duon siya komportable pag siya ay natutulog. Nagtanggal na din ito ng kanyang bra. Tutal ay nasa loob lang naman siya ng kanyang kwarto kaya tinaggal na niya ito para makapagpahinga na siya at maaga pa siyang magigising bukas dahil ipaghahanda niya pa ang kanyang boss ng makakain. Habang sinusuklay niya ang kanyang buhok ay bigla siyang nakaramdam ng pagkauhaw kaya iinom muna siya bago matulog. Lumabas siya sa kanyang silid. Hindi na siya nagsuot ng kanyang panloob na damit kasi alam niyang nasa loob na ang kanyang boss at iinom lang naman ito. Binuksan na niya ang pinto at agad na nagtungo sa kusina dahil madilim ay tumungo muna ito sa switch ng ilaw para I on ito. Pinindot Ang switch ng ilaw at laking gulat niya ng bumungad sa kanya ang kanyang sir Franco. Naka boxer lang ulit ito at umiinom ng tubig. Muli na naman niyang nakita ang masculado nitong katawan. Dahil sa pagkagulat ay nakalimutan niyang naka daster lang pala siya ng manipis at halos kita na ang kanyang b***s lalo na ang kanyang u*****g na bumabakat. Kita din ang magandang hubog ng kanyang katawan. " magandang gabi sir, iinom lang po ako ng tubig" ang paalam ni Lina. " go ahead" tugon no Franco. Nakaramdam si Lina na tinititigan siya ni Franco habang siya ay umiinom at duon niya napagtanto ang kanyang suot. Binilisan niya ang kanyang pag inom at nung tapos na ay nag paalam na ito na papasok sa kwarto pero bigla na lang nalaglag ni Lina ang baso na kanyang hawak hawak.Natataranta na si Lina at hindi namalayan na dinampot ang parte ng basag na baso at agad napasigaw ng "araayyyy". Agad namang hinahawakan ni Franco ang kamay ni Lina at sabay sabing " tumabi ka jan ako na maglilinis maupo na Lang muna sa sala at gagamutin natin ang sugat mo. Tumango na lang si Lina at nahihiyang naupo sa sala. Sumunod naman agad si Franco pagkatapos malinis ang nabasag na baso. Kinuha nito ang emergency kit. " sa susunod mag iingat ka wag kang basta dadampot lang" Naantig ang puso ni Lina sa sinabi nito at napagtanto niyang sobrang lapit nila sa isa't Isa. Sabay na nag angat sila Ng kanilang ulo at duon ay nagkatitigan sila. At duon ay naamoy ni Lina ang mabangong hininga ni Franco at si Franco naman ay nakatitig lamang kay Lina na tila ba ano mang oras ay may gagawin itong kakaiba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD