Nakatulala lang ako na parang iniwan na ng katinuan. Di ko alam ang gagawin at paano ako babalik sa aking mga magulang? Ang tiya kong nagpaaral sa akin sa magandang eskwelahan ay binilinan akong magtrabaho agad para mabayaran sila sa pagpapaaral at pagpapatira sa akin.
Namatay ng maaga ang magulang ko dahil sa sakit. Nag-iisa akong anak at kinupkop ng pinsan ni mama. May monthly akong padala sa kanila mula nang matapos akong makapag-aral at makapagtrabaho. Nang makapag asawa ay di alam ni Liam na nagpapadala ako sa aking Tiya mula sa perang binibigay niya.
Alam kong di nila ako muling kukupkupin.
Ilang beses kong pinag-isipan kung pupuntahan si Liam sa hotel na pinagttrabahuhan niya. Nais ko syang makausap at baka nalilito lang sya. Kakausapin ko sya para sabihing pinatatawad ko sya sa kanyang nagawa. Sasabihin ko ring bumalik na sya sa akin. Baka naeexcite lang siya dahil bagong kakilala ang babaeng kausap niya. Alam kong mahal nya pa rin ako.
Nasa harapan na ako ng hotel. Wari’y may pumipigil sa akin na tuluyang pumasok sa loob nito. Aatras baa ko o papasok talaga. Hanggang sa tuluyan na akong pumasok at hinanap ang aking asawa sa receptionist.
Si Liam?
Ahh si Sir po ba? Wait po at tatawagan ko. Upo muna kayo maam Lia.
Sabi sa akin ng receptionist na si gaile. Ilang beses na kaming nagkita sa event ng hotel.
Hanggang sa nakarecieve ako ng mensahe mula sa lalaki.
Umuwi ka na. hwag kang mageskaldalo dito.
Hindi ako mag eeskandalo. Gusto lang kitang kausapin.
Hwag ngayon. Busy ako.
Saglit lang naman. Please.
Mamaya na. sa bahay na lang tayo mag-usap.
Wala na akong nagawa pa kundi umuwi na lang. Ayoko ng gulo at nais ko lang sana syang kausapin.
Nainip na ako kakahintay pero hating gabi na at di naman dumating ang lalaki. Text at tawag na ang ginawa ko pero ayaw nitong sumagot. Mukhang ayaw nya na talaga sa akin.
Isang linggo akong di tumigil kakatext sa aking asawa. Ang pagtawag ko naman sa telepono ay ayaw nang mag connect. Hanggang sa narealize kong itigil na ang paghabol sa kanya.
Mabilis na lumipas ang buwan at pilit akong pinaalis sa malaking bahay.
“Sorry po talaga maam. Nabili na po ng iba ang bahay na ito,” saad ng isang lalaking dumating sa bahay.
“Ang alam ko kasi na may parte ako sa pinagbentahan dito. Congugal property ito,” mahinahong pakikipag-usap ko.
“Di ko alam maam. Kayo na lang po ang mag-usap ng mister Ninyo.”
Wala akong magawa kundi hakutin ang aking mga damit at ilang personal na gamit. Nakaipon naman ako pero hindi sasapat para sa isang taon. Kailangan kong maghanap ng trabaho para sustentuhan ang sarili.
Hindi ko na rin mahagilap kung nasaan si Liam. Ang sabi sa hotel na pinagtatrabahuhan niya ay pinadala ito sa abroad para magtraining. Kakaunti lang ang nakakaalam ng sitwasyon namin at ayoko naman ng gulo. Hinayaan ko na lang ang lalaki at sa karmang darating sa kanya.
Nangupahan ako sa isang maliit na apartment na kaya lang ng budget ko. Mula sa marangyang tirahan at buhay ay heto ako ngayon na mukhang kawawa at mahirap.
Araw-araw akong lutang kakaisip. Tumutunog na pala ang phone ko nang di ko namamalayan.
Bakit ako tinatawagan nito?
Hindi ko sinagot. Muli itong tumawag kaya sinagot ko na. Baka emergency kasi at number ko ang naidial niya.
“Dana. Bakit?” pagtataka ko na tawagan niya ako dahil matagal na kaming hindi nagkakausap. Wala akong narinig na response. Napindot lang yata.
“Hello?” muling saad ko at nakarinig na ako ng mahinang pag-iyak.
“Pwede ka ba ngayon? Kailangan ko kasi ng makakausap,” halata na sa boses niya ang pag-iyak.
Ako pa talaga ang tinawagan nitong babaeng ito ganitong may pinagdadaanan ako sa buhay.
“Huminahon ka nga. Bakit? Anong nangyari? Wala akong ipapautang sayo. Sinasabi ko na agad ha,” biro ko sa babae.
“Gaga, hindi ako mangungutang. Kailangan ko lang ng makakausap. Yung asawa ko kasi nahuli ko.”
“Hay, seryoso ka ba dyan? Makikipag-usap ka sa taong iniwan na rin ng asawa?”
“Bakit? Niloko ka din?”
“Oo. Mukhang mahabang usapan ito ha. Your place or my place?”
Napatawa sya. “Magkita tayo sa labas. Mag lunch tayo,” naramdaman kong kahit papaano ay sumaya ang tinig nito sa telepono at ako naman ay nakaramdam din ng kaunting pag-asa. Marahil ay narealize namin na di kami nag-iisa sa pagsubok na kinahaharap namin ngayon.
Totoo pa lang kapag nasa isa kang sitwasyon na di moa lam ang gagawin, may-ipapadala sayo ang Diyos na makakatuwang mo.
Naligo agad ako. Na excite akong lumabas na di ko na nagagawa mula ng makapag-asawa. Sabi nya ay magdadala daw siya ng sasakyan. Siguro ay magro-roadtrip kami gaya ng ginagawa namin noong college days. Sobrang close kami noon pero nagkaroon na ng ibang priorities sa buhay kaya di na nagkitang muli.
Binuksan ko ang aking cabinet na may mga lumang damit. Skinny pants, fitted sexy shirts, mini skirt, strappy sandals and pumps. Naka-black shorts ako, pink blouse at flat sandals ang suot ko. Nagplantsa ako ng buhok at may kaunting kulot sa dulo. Naglagay ng kaunting make up, kinuha ang sling bag ko saka nilock ang pinto ng bahay.
Sa isang restaurant daw kami magkita. Kinawayan ako nito at agad akong lumapit sa kanya.
“Kamusta. Ang tagal nating hindi nagkita. Maganda ka pa rin,” saad nito sa akin.
“Ikaw din maganda pa rin,” bati ko rin sa kanya.
“Pero anong nagyari sa atin?” takang tanong ko hindi lang sa kanya kundi sa aking sarili din.
“Inaalagaan lang natin at ginawang mundo ang mga walang kwentang asawa natin,” sagot niya sa tanong ko.
“Mga asawa nating hindi makuntento kung anong meron sila.”
“Mga manloloko na dapat sipain,” galit na sabi niya sabay ng pagbagsak ng kanyang kamao sa mesa.
Habang nag-uusap ay nag-order na kami ng aming pagkain. Habang hinihintay ay nagkuwento na sya. Nalaman nya lang daw kagabi na may babae ang asawa niya at hihiwalayan na sya. Parang kami lang din ng asawa ko. Nauna lang ako ng isang araw na malaman ang totoo.
“Soulmates yata tayo. Pareho tayo ng kapalaran,” natatawang saad namin sa isat isa.
“Sya ang buhay ko kaya paano na ako ngayon. Inalagaan ko sya at binigay sa kanya ang lahat pero naghanap pa rin sya ng iba,” biglang naluha si Dana habang sinasabi ang mga salitang iyon.
Nakikinig lang ako at tumulo rin ang aking luha. Pareho kami ng kapalaran pero sya ay may kaya sa buhay at may pera pero ako, walang kahit ano. Paano na nga ba ako? At mas kawawa ang sitwasyon ko.
“Akala yata nila ay mga katulong lang tayo na pwedeng palitan ng mas bata at mas magaling,” saad ko.
“Anong dahilan nya kung bakit ka iniwan?” tanong nito sa akin
“He fell out of love daw at hindi na sya interesado sa akin. Ang sama di ba?”
“Ano? Napaka-walang hiya naman ng asawa mo.”
“Eh ang asawa mo ano naman ang dahilan?”
“Natatapakan yata ang pride niya na mas malaki akong kumita kesa sa kanya. Sa bahay lang ako pero mas malaki pa ang kita ng mga investments ko sa sweldo niya. Hindi ko sya maintindihan kung ano pang ayaw nya.”
Ang hirap talagang intindihin ng mga lalaki. Sala sa init sala sa lamig.
Ilang oras kaming nagkwentuhan at nagkayayaan nang umalis sa restaurant na iyon.
Sya ang nagbayad ng kinain namin. Pagkatapos ay nagpunta kami sa isang nail salon. Sabi nya treat nya daw kasi dinamayan ko sya. Red ang pinalagay naming kulay sa aming mga kuko. Power and fierceness daw or wala lang maganda at sexy lang talaga ang red.
Niyaya din niya akong magpamassage. Tumanggi ako kasi nahihiya na ako sa pagti-treat niya.
“We’re cheated. We should pamper ourselves. Sa sobrang stress natin, kailangan natin ito ngayon. Ako nang bahala at hwag kang mag-alala sa bayad. Sagot ko lahat.”
“Nakakahiya na kasi.”
“Ok lang ano ka ba.” pamimilit pa nito sa akin.
“Baka lang kasi antukin na agad tayo.” pagdadahilan ko pa.
“Oo nga, nakakaantok ang masahe. Magshopping na lang tayo ng outfit natin para sa pagpunta natin sa bar mamaya.”
“Bar?”
“Oo magbar tayo. Halika na, mamili tayo ng damit.” Anyaya pa nito.
“Mukhang malaki nga ang kinikita mo. Sasamahan kitang bumili.”
“Pumili ka rin ng sa’yo. Akong bahala.”
Tumanggi ako pero talagang mapilit siya na ibili ako ng damit. Nagtingin naman ako sa boutique at nakakita ng dress.
“Tingnan mo ‘to. Bagay ito sayo.”
“Ano ba yan? Damit pa ba yan? Ayoko nyan sobrang sexy. Baka magising na lang tayo na may katabing lalaki sa kama.” Saad ko sa babae na makulit.
“Bakit hindi, kesa naman sa lansangan tayo abutin ng kalasingan at doon tayo makatulog.”
“Naloloka ka na talaga Dana. Pero ano bang plano mo? Pababalikin mo ba sya o magmomove on na?”
“I’m planning a sweet revenge hanggang sa lumuhod siya sa harapan ko para tanggapin siyang muli.”
“Paano mo naman gagawin yun?” usisa ko sa planong naiisip niya.
“Ipaglalaban ko ang pag-ibig ko. Gagawin ko ang lahat para balikan niya ako pagkatapos sya naman ang hihiwalayan ko. Parang bampira na hihigupin ko ang lahat ng kanyang dugo at iiwan syang walang buhay.”
“Madali yun para sayo. May pera ka pero ako kahit pa may pera ako, hindi na yata talaga babalik sa akin ang asawa ko. Siguradong-sigurado syang makipaghiwalay sa akin pero gagawin ko pa rin ang lahat para bumalik sya.”
“Tama na nga yang kwentong pag-ibig. Magsukat na lang tayo at magpakasaya mamayang gabi.”
Naghahagikgikan kami sa loob ng fitting room dahil pinipilit ni Dana na magkasya sa kanya ang small size na damit. Sexy naman sya pero malaki ang balakang.
“Medium ka na siguro. Tanggapin mo na lang. Sexy ka pa rin naman kahit medium size na.”
“Oo na nga medium na nga siguro,” lumabas sya at nagpakuha ng size niya.
“Wow!” saad nito pagbalik sa fitting room.
“Bakit?” tanong ko sa reaksyon niya.
“Ang ganda at ang sexy,” tight blue square neck dress ang suot ko. Kita ang cleavage at hubog na hubog sa katawan ko.
“Babalikan nya na ba ako?” tanong ko kay Dana. I’m so hopeless.
“Absolutely, sexy lady,” nagtawanan kaming muli. Tinulungan ko naman sya sa napili nyang damit. Thin strappy shoulder, low neckline, backless, fitted mini dress with slit. In short kapirasong tela na itatakip sa kanyang katawan.
“Sino pang aayaw sa magandang dalaga na ito?” napakasexy nya sa damit na iyon.
“Sino pa, kundi ang walanghiya kong asawa. Ayaw nya na daw sa akin kaya manigas sya.”
“Maninigas talaga yun kapag nakita ka.”
“Isusubo ko naman agad.”
“Ang bad girl mo. Ang laswa.”
Binayaran na ni Dana ang binili naming dress at nakahikab na ako. Wala pa akong masyadong tulog dahil sa stress at anxiety na binigay ng magaling kong asawa.
“Puyat ka din?” napahikab din sya.
“Oo.”
“Matulog muna tayo sa bahay ng parents ko. Maaga pa naman para magbar. Tutal mamaya pa ang open ng bar. Ayokong umuwi sa bahay ng asawa ko.”
“Ayoko ring umuwi sa amin,” bitter na sagot ko. Kung may iba lang akong mapupuntahan ay gusto ko na ring umalis sa apartment na yun.
Natulog muna kami sa dating kwarto nya noong dalaga pa sya. Alas singko pa lang ng hapon kaya makakatulog pa kami ng matagal. Alas otso ng magising ako pero ramdam ko pa ang antok kaya natulog akong muli.
Narinig ko na lang ang tawag sa akin ni Dana na ginigising ako.
“Gising na Lia,” antok pa rin ang boses nito.
“Tutuloy pa ba tayo? Inaantok pa ako.” Parang nawalan na ako ng ganang lumabas pa.
“Oo tara na. Sayang ang gabi. We need to go.”
Nag-ayos na kami at nagbihis ng mga bago naming dress. Pinahiram niya ako ng kanyang high heel sandals. Pareho kaming naka high heels na nakakahaba ng legs at nakakasexy. Nagmake up at nag-ayos ng buhok. Sakay kami ng kotse niya at ready na papunta sa bar.
“Umiinom ka?” tanong niya.
“Dati pa. Nung college pa tayo. Ikaw?”
“Hindi na rin mula ng mag-asawa ako.”
“Good luck sa atin. Baka isang bote lang mahilo na tayo.”