Lorraine Angel Smith POV...
Di ako makatulog. Sinong di makakatulog na ang magiging Boss mo ay ang pinakamayaman sa boung mundo at sa kasamaang palad P.A ka pa niya.
Nagbihis ako. Binigay ni Mr. Butler ang damit na ito kagabi kaya ngayon isusuot ko na.
Naglakad ako papunta sa sala. Hinahanap ko si Mr. Butler. May nakita akong MIB.
"Uhmm... nasaan po si Mr. Butler?" Tanong ko sa isa sa kanila.
"Nasa opisina po ni Mr. Sandford." Sabi niya. Tumango nalang ako.
"Salamat po." Sabi ko at pumunta agad sa opisina ni Mr. Sandford baka nandito na si Boss?!
Kumatok ako at may nagsalita sa loob.
"Come in." Sabi nung nasa loob.
Binuksan ko naman. At nagulat ako ng makita si Mr. Butler na nakaupo sa upuan ni Mr. Sandford.
"Mr. Butler! Anong ginagawa niyo jan? Baka dumating si Mr. Sandford." Panik kong sabi mukhang wala pa si Mr. Sandford dito eh.
"Hahaha ikaw talaga. Di yun magagalit dahil... Ako si Lorenzo Darren Sandford." Sabi niya sabay tingin saakin. Napataas ang isang kilay ko.
"Wag mo nga akong biruin jan." Sabi ko.
"Di ako marunong magjoke. Rain." Sabi niya. Eh? T-totoo?!
"I-ikaw ba talaga si Mr. Sandford?" Naguguluhan kong sabi.
Nako naman marami akong nasabing nakakainsulto sa kanya.
Matanda
Kulubot sa mukha
At kahit ano pa.
Napayuko ako dI ko kayang tumingin sa kanya.
"Rain, are you okey?" Sabi niya.
Gusto ko ng umiyak mukhang maaalis nanaman ako neto! Napaluhod ako nang kinagulat niya.
"P-pasensya na po sa pinakita kong asal!" Sabi ko naiiyak nako agad siyang lumapit saakin at pinatayo ako.
"Okey lang yun... diba sabi ko kahapon dapat walang magbago sa ugali mo." Sabi niya. Di ko kaya...
"Di ko alam na ika..." ako.
"Diba ikaw si Lorraine Angel Smith ang nag iisang babae na ganyan ang ugali." Sabi niya napatango ako. At pinunasan ang luha ko.
"Good. That's why I like that attitude of yours because your brave. At alam mo nagpaimbestiga ako sayo at nalaman kong marami ka ng napasukan na trabaho pero nasisante ka ng dahil sa magulang mo pero di ka parin sumuko. Gusto ko ang ganyang aura." Sabi niya. Napangiti ako pinalalakas niya ang loob ko.
"Nakakahiya naman. Umiyak ako sa isang taong mayaman." Sabi ko.
"Hahaha, simula ngayon don't treat me like Boss... treat me like a Friend." Sabi niya.
Tumango ako at ngumiti.
"Anong gusto mong itawag ko sayo?" Sabi ko.
"Kahit ano basta ikaw ang pumili." Sabi niya.
"Enzo." Sabi ko. Lorenzo kasi eh kaya enzo nalang.
"Okey. Your are now my Personal Assistant." Sabi niya.
"Okey!" Masayang sabi ko.
*****
Nandito ako sa company niya ang laki ha! Tiningnan ako ng mga babae. Parang makapatay na sa katitig saakin. pumasok kami sa Elevator at kaming dalawa lang ang nandun.
"Hay, Enzo bakit ganun makatitig sila saakin? Ganun ba ang mga tao dito?" Sabi ko sa kanya. Napangiti siya.
"Selos lang sila." Sabi niya. Eh? Bakit naman sila magseselos?
"Bakit naman sila magseselos?" Sabi ko.
"Gwapo kasi kasama mo." Sabi niya. Mahangin talaga tung lalaking ito.
"Oo na. Gwapo ka na." Sabi ko.
"Maganda din naman ang P.A ko kaya kwits na tayo." Sabi niya. Namula naman ako.
"Ewan ko sayo." Sabi ko.
Maging ganito kami if kaming dalawa lang if may mga tao serious mode tayo.
*Ting*
Lumabas na kami. At pumasok sa opisina niya.
"Here." Sabi niya sabay bigay ng isang papel.
Ano naman ito? Binuksan ko naman.... wait...
Contract ito nung inutangan ni mama!
"Enzo! Di mo naman..." ako.
"No need. It's my gift to you. Wag kang mag alala coins lang saakin ang 100 million." Sabi niya. Napaiyak ako at napatakbo ako sa kanya at niyakap siya.
"Thank you! Thank you talaga!" Sabi ko at niyakap din niya ako pabalik.
"Basta ikaw." Sabi niya.
"Wag kang mag alala balang araw mababalik ko sayo ang mga mabuting ginawa mo saakin." Sabi ko. Umiling sana siya ng nagsalita ulit ako.
"Wag mong sabihin na okey lang yun... basta balang araw." Sabi ko at bumalik sa upuan ko may mesa kasi ako dito.
******
Mabuti tinuruan ako ni Enzo kung ano ang gagawin ko. Madali lang naman akong matuto.
"Kailangan kong pumunta sa meeting. Dito ka na lang okey." Sabi niya. Tumango nalang ako at lumabas na siya. Bigla namang pumasok ang secretary niya.
May nilagay siyang folder sa mesa ko.
"Trabahuin mo yan. Dapat matapos na yan bukas." Sabi niya. At lumabas na. Eh? Ano yun?
Ang taray ni Ate.
Agad kong binuksan yun. Binasa ko at nilagayan ng sagot lahat. Agad ko namang natapos. Ng may naisip akong kinaiinis niya. Agad akong lumabas ng opisina at nilagay sa mesa ng secretary nandun si ate nagaayos sa mukha niya.
Ayos naman ang mukha niya pero nilalagyan pa niya ng make up yan tuloy nadamihan.
"Oh ano yan." Sabi niya.
"Tapos na." Sabi ko. Napatayo siya.
"Tapos na agad?! Humanda ka saakin if mamali ito!" Sabi niya sabay upo ulit.
Grabe naman siya. Ako na nga ang gumawa sa project niya siya pa galit.
"Ate secretary, wala man lang bang Thank You jan?" Sabi ko sa kanya. Napahinto siya sa ginagawa niya.
"What?!" Siya sabay tayo.
"Kabago bago mo dito tapos ako pa ang magte thank you sayo?! Ano ka sinuswerte?" Sabi niya. Thank you lang masama na sa loob niya?
"Hindi... Thank you lang hinihingi ko ate secretary." Sabi ko.
"Ikaw!!.." di na niya natuloy ng may nagsalita sa gilid agad naman niya inayos ang buhok niya.
"Anong ginagawa mo dito sa labas, Rain." Sabi ni Enzo. Napatingin ako sa kanya.
"Nagkwekwentuhan..." di na natapos ni ate secretary ang sinabi niya dahil nagsalita si Enzo.
"Lets go, Rain." Sabi niya. At tumango ako at naglakad kami napatingin ako kay ate secretary na masamang tumingin saakin.
"Ah, by the way. Andy ibigay mo saakin ngayon ang mga envelope now." Sabi nI Enzo. Napangiti ako ng secreto at nagpapanik naman si Ate Secretary at pumasok na kami sa loob ng Office.
Umupo ako sa upuan ko.
"I know na may ginawa siya sayo." Sabi ni Enzo.
"Uhmm... ano wag mo nang isipin..." ako.
*Toktoktok*
"Mamaya na tayo mag usap." Malamig na sabi niya. Nakakatakot talaga siya pag malamig siyang makipag usap sa isang tao. Ibang iba sa pakikitungo niya saakin.
Alam ko na malamig siyang makikitungo sa iba dahil sinabi niya saakin. Masama siyang magalit.
"Come in." Sabi niya. Agad namang pumasok si Ate Secretary at binigay yung mga ginawa ko. Kaya pala siya naman dapat ang gumawa nun.
Tiningnan naman ni Enzo ang nakalagay sa papel at muntik nakong mapatawa dahil blanko lahat ang nandun.
"Explain..." sabi ni Enzo mukhang nagulat naman si ate sa sinabi ni Enzo.
Agad noyang tiningnan yung mga papel.
"Paanong!" Siya.
Mabuti nasagutan ko ito lahat at tinago ko lang naman ang mga totoong binigay niya saakin.
Napatingin siya saakin. Nagsasabing nasaan.
Ngumuso naman ako na yun yung binigay ko sa kanya kanina.
"I need it! NOW!" sigaw niya.
Binuksan ko nalang ang Laptop ko at naglaro ng Left 4 Dead. Hehehe nakakatawa itsura ni Ate.
"Hanapin mo Yun!" Sigaw ni Enzo agad namang lumabas si Ate.
"Enzo, easy!" Pagkakalma ko sa kanya.
"Di ako magiging easy kung di ko yun makuha ang mga papel na yun." Sabi niya. Kinuha ko yung folder at lumapit sa kanya.
"Oh. Tapos na yan." Sabi ko. Nagulat naman siya kung bakit nasa akin ang Folder nayan.
Tiningnan niya.
"Paano..." siya.
"You know basa basa para malaman kung paano yan gagawin. Diba bilang P.A. tutulungan ko ang aking Boss." Sabi ko.
Tinitingnan niya lahat.
"Perfect idea. Rain. Matalino ka pala." Sabi niya. Oh? Di naman.
"At ang tanong ko... bakit nasa iyo ang folder na ito?" Sabi niya.
"Ano kasi..." anong gagawin ko?
"Ah. I know." Sabi niya at tumayo at hinawakan ang kamay ko papuntang elevator.
Saan naman kami pupunta?
"Oi, saan tayo pupunta?" Sabi ko.
"Kakain. Its lunch time." Sabi niya. Oo nga.
*****
LMCD