Chapter 1
Lorraine Angel Smith POV...
Sa labas ng Restaurant na tinatrabahuan ko.
"Lumayas ka na sa harapan ko!" Sabi ng manager ko dito sa Restaurant.
"Bakit niyo po ako pinapaalis?!" Panik kong sabi. Ayokong mawalan ng trabaho!
"Dahil mawawala na tong restaurant dito." Sabi niya. Nanlaki ang mata ko.
Saan ako magtatrabaho neto?!
"Kung ganun po... nasaan po ang salary ko?" Sabi ko. Biglang tumaas ang isang kilay niya.
"Anong salary? Nabigay ko na sa parents mo. Sabi kasi nila na sila na ang magbibigay sayo." Sabi ni Manager nanlaki ang mata ko.
"What?! Sa parents ko po!" Di ko mapigilang sigaw. Sa dinami dami ng pagbibigyan sa parents ko pa?
Ako lang kasi ang nagbubuhay sa sarili ko kasi ang parents ko parateng nasa casino. Sugal lang parati ang nasa mga isipan nun.
Napaluhod ako sa sahig. Baka maabutan ko sila sa bahay. Agad akong umalis dun at dumiretso sa bahay.
"Mama! Papa!" Sigaw ko pero wala sila dito.
May nakita akong sulat.
'Dear Anak,
Pasensya na kasi kinuha namin ang salary mo. Kailangan ko kasing manalo sa casino eh.... pero masyadong minalas ang mama mo ngayon kaya eto talo. Sana mapatawad mo ko anak. Di muna kami makakauwi ng papa mo jan kasi may humahabol saamin diyan at yun yung inutangan naming mafia na naghahalaga ng 100,000,000. Pasensya na anak ha. Pwede bang ikaw nalang magbayad nun? Alam ko namang kaya mo yung bayaran eh. Sana magkikita pa tayo anak.
Nagmamahal mama.'
Aaaarrrrgggghhh!!!
Ano bang ginawa niyo mama! Ang laki ng 100,000,000!
Seriously?!
*Toktoktok* nagulat ako kasi may kumatok bigla nalang may sumipa sa pinto at may pumasok na mga lalaki.
"Nasaan ang parents mo? Kailangan nilang magbayad ng utang nilang 100,000,000!" Sabi nung parang addict na lalaki. Ang puso ko grabe ang bilis ng t***k may dala kasi silang mga armas.
"Wala sila mama dito. Nilayasan nila ako." Sabi ko.
"Ano?! Alam mo kung saan sila pumunta?!" Sigaw nito sabay dabog ng kamay sa mesa na kinagulat ko. Agad akong umiling at pinakita ko sa kanila ang sulat nila.
"Hiding huh.... Teka may naisip ako di nalang kaya ikaw nalang ang kabayaran ng mga parents mo. Okey ba yun?" Sabi nung lalaki. Nanlaki ang mata ko. No way!
"Maawa po kayo. Gagawa ako ng paraan para mabayaran kayo." Sabi ko.
"Tsk tsk tsk... tatakasan niyo nanaman ako. Ngayon ka na namin kailangan." Sabi nung isang lalaki. Nanlaki ang mata ko.
Kailangan makaisip ng paraan!
Tinulak ko ang isang lalaki at tumakbo at tumalon sa binatana namin. Nakalimutan ko nasa second floor pala bahay namin pero nakayanan ko naman at tumakbo nako ng mabilis.
Biglang may narinig akong mga putukan na mas lalo kong kinapanik.
Bahala na si superman!
Maggagabi na at kailangan kong makahanap ng matutulugan at sumasabay pa itong malamig na hangin na kinanginig ko dahil sa lamig.
Tumatakbo padin ako hanggang sa maramdaman ko ang patak ng tubig na nanggagaling sa langit. At ayun basa ako ng ulan kaya pala ang lamig ng hangin. Palakad lakad padin ako hanggang makaabot ako sa kalsada feeling ko babagsak ako dahil sa sumasakit na ang ulo ko hanggang sa... natumba ako
*Peeep peep!*
*****
Lorenzo Darren Sandford POV...
"Asikasuhin niyo yan! Kung ayaw niyo mawalan ng trabaho!" Galit kong sabi sa mga employees ko. Wala akong paki sa pakiramdam nila kung magalit man sila basta ako gusto ko perpektong trabaho ang ibibigay nila saakin.
"O-okey po. Maayos po ito bukas." Sabi nila at umalis na. Napasandal ako sa upuan ko at minasahe ang ulo ko dahil sa stress at naisip na umuwi nalang muna.
"Ihanda ang sasakyan ko uuwi na ko." Sabi ko sa secretary ko sa telepono. At tumayo nako at bumaba papuntang ground floor at sumakay na sa sasakyan ko at dumiretso ng takbo ng mapansin ko ang kalangitan. Mukhang magkapareho kami ng langit ngayon hindi naman ako umiiyak kundi madilim ang kalangitan kagaya ko madilim ang awra ko ngayon.
Nagda drive padin ako ng may nakita akong babaeng nakaputi para siyang anghel na naglalakad... papatawid siya sa daan ng bigla siyang natumba.
*peep peep*
Busina ko baka gising pero hindi ito tumayo. Agad akong lumabas ng sasakyan. Ang bilis ng t***k ng puso ko ng makita ko ang napakaamo niyang mukha. Ngayon ko lang naramdaman ito.
Agad ko siyang pinasok sa kotse ko at dinala sa mansion ko. Mukha lang naman siyang nilagnat dahil sa mainit siya. Inutusan ko si manang na palitan siya ng damit.
Nang matapos siyang magbihis tiningnan ko ang maamo niyang mukha mukhang nahihirapan siya mukhang nilalamig siya sa ginaw ng kwarto ko agad kong Inoff ang aircon at nilagyan siya ng kumot.
Di kaya nagkagusto na ang isang Demonyo sa isang Anghel?
Naramdaman kong gumalaw siya at nagmulat ng kanyang mga mata.
"Sino ka at nasaan ako?" Tanong niya. Maamo din ang kanyang boses. Parang himig ng isang anghel na kumakanta.
"Nandito ka sa Mansion ko.... nakita kita sa daan kanina mabuti nakita kita baka nasagasaan na kita." Sabi ko. Unang kita ko palang kaya sa kaniya para siyang anghel na nahimatay sa daan.
"H-ha?! S-salamat po!" Sabi niya sabay bow saakin na kinabigla ko.
"No need to thank me." Sabi ko. Ngumiti lang siya saakin. Ang ganda niya talaga. At ngayon lang nag larawan ng maganda sa isang tao.
Bigla nalang siyang nalungkot.
"What's wrong?" Tanong ko bigla nalang siyang nagpanik.
"Ah... ano... wala." Sabi niya. Mukhang may problema siya.
Lorraine Angel Smith POV...
Ano ba yan. Nakakahiya sa gwapong savior ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko! Mabuti pinatuloy niya ako dito... wait pwede siguro niya akong ipapasok na katulong dito?! Mukhang di naman siya ang nagmay ari dito eh.
Baka isa siya sa mga driver or butler dito.
"Uhmm ano... pwede magrequest?" Sabi ko.
"Anything." Sabi niya. Osh! English speaking pa ang Lalaking ito.
"Pwede pumasok ng trabaho dito kahit katulong lang okey nako dun." Sabi ko. Napataas ang isang kilay niya. Baka marami na silang Maid?
"Alam mo pwede akong maging Guard, Maid, tagaluto, farmer kahit ano basta may matulugan at makain lang ako okey nako. Please!! Help me naman. Sabihin mo sa amo mo na pwede bang pumasok na tagasilbi dito?" Sabi ko sa kanya. Natawa naman siya.
"Anong nakakatawa? Mr?" Sabi ko.
"Oh, nothing. Let's go." Sabi niya sabay hawak sa kamay ko at lumabas kami sa kwarto.
Binasa ko naman ang pinto...
MR. LORENZO DARREN SANDFORD
Pangmatanda naman ang pangalan sa may ari ng mansiong ito? Baka masungit yun, isipin ko nga kung ano itsura nun?
Matanda, maputi ang buhok, kulubot ang mukha....
"Achoo!" Bahing ni kuya Butler. Butler nalang di nalang Driver kasi ang outfit niya ay pang amerkano. At magalang pa magsalita edi siya na.
"Okey ka lang?" Sabi ko. Tumango lang siya.
Pumasok kami sa loob at baka nandito yung matanda.
"Kuya, ilarawan mo daw si Mr. Sandford?" Sabi ko sa kanya. Natawa nanaman siya may sira ata toh sa ulo.
"Gwapo, pogi, mayaman..." di ko siya pinatuloy.
"Uhmm... di po ba matanda?" Sabi ko bigla nalang siyang muntik matumba.
"H-hindi ha. Ang gwapo nga nun. Batang bata ang itsura." Sabi niya.
"Ganun? Akala ko matanda eh." Sabi ko. Ang epic naman ng mukha niya baka takot siya sa boss niya?
Lumapit ako sa kanya sabay tapik sa likod niya.
"Alam ko ang pakiramdam mo takot ka sa boss mo kaya sinabihan mo siyang gwapo siya at bata. Don't worry safe ang secret mo saakin." Sabi ko. Nagulat naman siya at napangiti siya saakin.
"Iba ka rin ano... akala ko matahimik kang tao yun pala maingay ka hahaha." Sabi niya sabay pat sa ulo ko.
"Hindi ako bata." Sabi ko sa kanya.
"Tayo na. Sabihan natin si BOSS na kailangan mo ng trabaho." Sabi niya. Mukhang madiin ang pagkasabi niya sa word na BOSS.
Nakarating na kami sa parang sala at may mga lalaking naka MIB Style.
"Bos... " sabi nila pero napahinto sila. Teka nandito na ba ang boss nila? Napatingin ako sa likod ko. Nasaan na?
"Maupo ka muna jan. Kakausapin ko pa sila." Sabi niya. Napatango nalang ako. Problema nun?
At lumakad na siya kasama ang mga Men in Black. Butler siya kaya mataas ang ranggo kayang mapasunod lahat dito sa mansion.
Lorenzo Darren Sandford POV...
Sinabihan ko silang sumunod saakin papuntang kusina.
"Magpanggap kayo na hindi ako ang Boss dito. Sabihin niyong isa akong Butler." Sabi ko sa kanila at gulat na gulat naman ang mga mukha nila parang hindi makapaniwala sa nangyayari.
"Yes, bo... I mean Butler."sabi nila kahit di maintindihan ang nangyayari.
"Good." Sabi ko at umalis na sila.
Grabe talaga yung babaeng yun. Dinaig pa ang pang abuso saakin. Sinabihan pa akong matanda?
Aish... pasalamat siya at nalove at... I mean pasalamat siya naawa ako sa kanya.
Hay... ano na ba tung nangyari saakin?
*********
LMCD