Chapter 5

1111 Words
Lorenzo Darren Sandford POV... Nagising ako kinabukasan. Hinahanap ko si Rain. Asan na siya dapat pag umaga nandito na siya sa harapan ko pero bakit wala... 'Get out!' 'Wag ka nang magpapakita saakin!' Natauhan ako sa pagka hangover ko at napatayo agad sa higaan nakatingin ako sa cellphone ko may miss call. Puro miss call ni Rain. Nagcall ako sa kanya. Mabuti sinagot niya.. "Rain, umuwi ka..." napahinto ako ng ibang boses ang narinig ko. "Si Enzo ba ito?" Sabi ng isang boses lalaki mukhang boses ito nang sinuntok ko kahapon. "Nasaan si Rain!" Galit kong sabi. "Wag kang magalit diyan! Pumunta ka dito sa **** hospital now!" Sigaw niya. Anong nangyari? Agad akong dumiretso sa Hospital at nakita ko siyang nakatayo sa gilid ng emergency. No way... "Nasaan si Rain." Panik kong sabi. "Sh*t ka! Bakit mo siya pinalayas?! Ha! Alam mo bang tinulungan ko siyang pagselosin ka para malaman niya na may gusto ka sa kanya. Ako ang may hawak sa cellphone niya yun kaya di niya nasagot ang tawag at text mo. Tapos kagabi dapat siyang magsasabi sayo na gusto ka niya! Nagpasuntok na nga ako para sa kasiyahan niya. Alam mo ang swerte mo nagustuhan ka niya. Pero wala eh di mo siya pinakinggan kahapon sa sasabihin niya. Mabuti sinundan ko siya kagabi pero di ko siya naligtas ng may sumagasa sa kanyang sasakyan." Sabi niya napatulala ako di lahat pumasok sa utak ko lahat ng sinabi niya. Aamin na siya saakin kahapon pero di yun natuloy dahil pinalayas ko siya? Napaupo ako sa sahig at napahawak sa ulo buhok ko. "N-no! Rain! Don't leave me! I'm very sorry!" Iyak kong sabi. This is all my fault. Biglang lumabas ang doctor kaya agad akong napatayo kahit nanghihina ang mga paa ko. "Sinong kamag anak ng pasyente?" Lumapit naman ako sa doctor. "Amo niya po ako at saakin siya nakatira. Ano pong resulta doc?" Sabi ko. "Sumusuko siya nanghihina ang t***k ng puso niya at paubos na ang dugo dahil sa aksidente na nangyari sa kanya at kakailanganin namin ng Dugo. We need AB blood." Sabi ng doctor. "Ako same kami ni Angel." Sabi nung lalaki at tumango ang doctor. "Lord, please, save her. I love her so much. Kasalanan ko ito kung bakit nangyari sa kanya ito." Sabi ko. Pinalayas ko siya. Di ko siya pinakinggan. Kasalanan ko ito lahat. Bigla nalang may mga nurse na nagtatakbo papasok sa ER. "Anong nangyari?" Panik kong sabi. "Easy lang po sir. Gagawin po namin lahat para maligtas si Ms. Smith." Sabi nung isang nurse. Wag kang sumuko! Please! Promise ko di na ako magagalit please! Di ko pa nasasabing mahal kita. Lorraine Angel Smith POV... Katawan ko ba yan? "Okey doc humihina na talaga ang puso niya." Sabi nung nurse. Susuko na ba ako? Paano kung hahanapin ako ni... tama pinaalis na pala niya ako sa buhay niya. Pero marami pang nagmamahal saakin yung mga taong nasa mansion yung baklang si Len at yung mga kaibigan ko sa opisina. Tama marami pa sila... lalaban ako! Tama lalaban ako! "Doc, ang heartbeat niya bumalik sa dati." Sabi nung isang nurse. "Doc, success po! Lumaban siya." Sabi nung isang nurse. "Oo nga. Mukhang naramdaman niya ang boss niya sa labas na nag aalala sa kanya at lumaban siya dahil gusto pa niya makasama ang mga mahal niya sa buhay pati nadin si Mr. Sandford sa labas." Sabi nung doc. Nanlaki ang mata ko. Si Enzo nasa labas? Nag alala ba siya saakin? O nakokonsensya lang siya. Kailangan ko ng bumalik masasagot ko lang yan pag nakabalik nako sa katawan ko. ******* Napamulat ako at nakita ko ang puting kisame. Nakabalik nako sa katawan ko. Napatingin ako sa gilid ko nakahawak sa kamay ko si Enzo. *lubdublubdub* Kinuha ko ang kamay ko at paupo sana sa kama nang napahiga ulit ako kasi masakit ang ulo ko. Nang biglang nagising si Enzo at masayang nakita akong buhay na buhay pa. "Salamat at gising ka na." Sabi niya. Di ko parin siya pinansin dapat di nako nagpakita sa kanya. "Rain.." siya. Di ko padin siya pinapansin. "I know kasalanan ko ito." Sabi niya. Anong kasalanan niya ako ang may kasalanan kasi di ako tumingin sa daan. "Di mo kasalanan. Wag mong sisihin ang sarili mo." Sabi ko at di padin nakatingin sa kanya. "Wag mo kong iwasan, Rain. Please. I'm sorry." Sabi niya. Umiiyak na siya. "Wala ako sa sarili ko nung pinaalis kita. Di ko sinasadya yun." Sabi niya. "Sana man lang pinakinggan mo ko. Pero di mo ko pinakinggan masakit padin eh. At alam mo feeling ko di mo ko pinagkatiwalaan." Sabi ko sa kanya. Umiling siya. "I trust you." Sabi niya. "Liar. Kung may tiwala ka saakin hindi mo maisip na ganun na nakipagdate ako sa iba at sinuntok mo pa ang kaibigan ko at ..." nabigla ako ng halikan niya ako nararamdaman ko ang mga luha na nanggaling sa mga mata niya. Humiwalay ang labi niya sa labi ko at gulat na gulat padin ako. "Mahal na mahal kita, Lorraine Angel Smith" Sabi niya. Nanlaki ang mata ko. Napaiyak ako heto na ba ang resulta sa plano ni Len? "Wag kang umiyak nasasaktan ako." Sabi niya. Pinunasan niya ang luha. "Enzo, alam mo naman siguro ang mangyayari kung di sana natuloy ang paggulo mo saamin ni Len sa Park." Sabi ko. Di siya sumagot. "Alam mo naman siguro kung bakit ko naging kaibigan si Len at sino ba talaga si Len." Sabi ko mukhang nagulat naman siya. "Si Len nagkakilala kami sa Jollibee. Tinulungan niya ako para malaman namin kung may gusto ka saakin o one side love lang ang pagmamahal ko sayo. Sabi din niya itotour niya ako sa boung lugar ng Davao at sinabi din niya na pagkagabi nun na sasabihin ko na sana ang nararamdaman ko sayo pero nangyari nga yun." Sabi ko. "Rain, huli na ba ang lahat?" Sabi niya. Napayuko ako. Nag isip ako huli na ba ito? Pero mahal ko siya eh. "Everyone deserves a second chance but not in third." Sabi ko napangiti siya at niyakap ako. "I'm sure di ko sasayangin ang second chance na yun." Sabi niya sabay halik sa noo ko. "May sasabihin din pala ako sayo muntik ko nang nakalimutan ko." Seryosong sabi ko. "Ano yun?" Siya. "Bakla si Len." Sabi ko. At biglang napahinto siya. "What?" Siya. Biglang pumasok si Len sa pinto at nakatingin kami sa kanya. "OMG!! Kayo na?" Sabi niya. Bakla style ha. Hay sayang talaga. "See?" Sabi ko. Napangiti siya at niyakap ako. "Nako ang daming langgam! Makaalis na nga dito." Siya. Napatawa nalang kami. Sana mas lalo kaming maging matatag sa relasyon namin ngayon. ********* LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD