DANICA POV Gamunggo ang pawis ko ngayon dahil sa sinabi niyang ito sa akin. Ang lalaking naka one night stand ko kagabi? Siya ba ang lalaking bagong magiging boss namin? Teka lang, baka naman kapangalan niya lamang ito? Dahil marami naman ang mga lalaking mayroong pangalang Joshua. Kailangan ay hindi ako magpapakain sa kabang nararamdaman ko ngayon. Bakit naman kasi biglang nag resign itong si sir Piolo? Nang matapos na siyang magsalita, dumating naman sa loob ang isang lalaki na kinatatakutan kong makita! Ang lalaki na bukod tanging alam kung ano ang sikretong tinatago ko. Kung ang ibang mga girls ay kinikilig na makita ang bago naming boss, ako naman ay takot ang nararamdaman sa mga sandaling ito. "Grabe, ang hot naman niya, buti na lang at nag resign si sir Piolo," bulong pa n