DANICA POV "No thanks, wag mo nang ituloy ang panliligaw mo kasi bina basted na kita!" mariing sabi ko pa sa kanya. Alam kong masasaktan na siya sa mga sinabi ko ngunit wala na akong magagawa pa. Alanganan namang hindi ko sabihin sa kanya ang totoong nararamdaman ko, kahit na gaano pa siya mag sumikap sa kanyang buhay, hindi pa rin nito magbabago ang pagtingin ko para sa kanya. "Ha? Bakit naman, bigyan mo lang ako kahit ng two weeks lang para mapatunayan ko ang sarili ko sayo. Mag e effort talaga ako sayo pramis, pinapangako ko bibilhin ko pa ang lahat ng chocolate at rosas na gusto mo." Napa buntong hininga na lamang ako sa sinabi niya, mukhang ayaw niya talagang tumigil sa ginagawa niya sa akin. Kaya kailangan ko itong ipaliwanag ng maayos sa kanya. "Sorry, pero kahit anong gawin