TILA dumaan ang isang batalyong anghel. Hindi agad ako nakasagot sa kanyang sinabi. Pero halos marinig ko na ang sobrang lakas na pagkabog ng aking dibib. May naaalala na kaya siya? “I’m sorry. Did I scare you?” pagkuwa’y sabi niya. Pero hindi pa rin maalis-alis ang titig niya sa akin kaya hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko. “Hindi naman. Bakit mo naman kasi nasabi ‘yon?” Mabuti na lang at hindi ako nautal. Pero ilang segundo ring naumid ang aking dila sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. “I don’t know, but that’s how I feel.” Huminga siya nang malalim saka kumapit sa manibela. “There’s this girl that always appears in dreams, but her face is too blurry for me to recognize. But, she’s wearing that necklace that looks exactly like Armea’s necklace.” N