ILANG linggo na rin magmula nang makalabas si Tita Adina sa ospital kaya balik normal na ang pagpasok namin ni Armea sa trabaho. Nagpapasalamat ako at naging successful naman lahat kahit na ang sabi ng doktor ay baka mga 10 to 15 years na lang namin makakasama si Tita. Depende pa iyon kung hindi agad bumigay ang bagong kidney niya. Kaya ang bilin ko sa pinsan ko ay healthy food lang ang ipakakain sa kanya. Kaya madalas na ring nagluluto si Nanay para ihatid doon sa kabilang bahay. “Nabalitaan mo na ba? Nag-apply raw ulit si Deo, nas atraining siya ngayon,” kuwento ni Keara habang sakay kami ng elevator pababa. Napapatingin sa amin ang mga kasabayan naming ahente dahil sa kadaldalan niya. “Eh, ano naman?” Pinandilatan niya ako. “Hello, si Deo ‘yon. ‘Di ka ba affected?” Kinunutan ko