Chapter 2

1101 Words
Beth POV Nandito ako ngayon sa bahay ko, dahil Sunday walang work kaya general cleaning ang peg ko. Tumawag rin ang aking mga magulang at gusto nilang umuwi ako para magbakasyon, masyadong matagal na ang 4 years na di namin pagkikita kaya na pag desisyonan kong magbakasyon. Kaya ng pumunta si Philip ay sinabi ko sa kanya ang balak ko. " Love if you want sabay na tayong umuwi!" Sabi ni Philip, tapos na kaming kumain at naghuhugas ako ngayon ng pinagkainan namin. " Sige love na miss ko na rin ang pamilya ko gusto rin kitang ipakilala sa kanila." Ani ko. " I love you! I'll go ahead love sunduin na lang kita dito bukas." Sabi pa ni Philip hindi ko na sya pipigilan alam kong busy sya at bukas may work na naman kami. " I love you too Philip ko. Hehehe." Pinilit kong magpa cute ganyan kasi ako kapag nilalambing ko sya. Paghatid ko sa kanya sa pinto. Napailing lang sya sabay paalam sa akin ng halik sa labi. Ang palad ko kasi nakilala ko si Philip, napaka buti nya sa akin, sa tuwing nagkikita kami nung nasa Pilipinas pa kami ay lagi akong umiiyak ng dahil sa una kong minahal at sya ang palaging nagpapatahan sa akin, sya rin ang nag-alok sa akin ng trabaho dito sa Canada, ginawa nya akong personal assistant nya... Hanggang sa nanligaw na sya sa akin pero ang tagal pa bago maging kami, dahil nagbabaka sakali ako na tuparin ni Tyrone ang pangako nya sa akin, pangako na napako din dahil sa kasakiman nya. Sarili nya lang ang minahal nya at ako namang tanga nagpa uto ng sobrang tagal sa kanya. Pero kailan lang ay pumunta sya dito sa Canada alam nya kung saan ako nakatira. Bago nya ako lapitan ay hinintay nya munang umalis si Philip... ( toktok... toktok... toktok) " Yes, wait!" Dali-dali kong binuksan ang pinto dahil sa pag-aakalang si Philip ito. " Beth!" Tawag ni Tyrone sa akin, sa sobrang gulat ko ay naisarado ko ang pinto. ------ Tyrone POV Papunta ako ngayon sa Canada dahil nalaman kong dun nakakuha ng trabaho si Beth. Tamang-tama rin at para madalaw ko na rin ang pinsan ko. Nandun kasi ang negosyo nya sa Canada. Madali lang sa aking hanapin ang address nya dahil madalas naman akong pumupunta dito kapag iniimbita ako ng aking pinsan. Malapit na ako sa bahay ng biglang may lalaking lumabas sa bahay kasunod nun ay ang babaeng sobra kong na miss. Sigurado na akong Mahal ko si Beth. Hindi muna ako lumabas sa kotse ko para makita na rin sila. Kitang-kita ko kung paano hinalikan si Beth sa labi, ang sweet nila, nakatalikod ang lalaki kaya di ko makita ang mukha nya pero pamilyar ang likod nya sa akin. Kaya ng humarap ang lalaki ay bigla akong nalungkot dahil ang pinaka malapit na pinsan ko pa ang ngayong nagma may-ari na kay Beth base na rin sa nakita ko. Sigurado akong may relasyon silang dalawa. Pero kailangang kong kausapin si Beth kung tama nga ang iniisip ko. Sana jindi totoo, ayokong maging karibal si Philip, mahalaga sya sa akin dahil tinuring ko syang nakababatang kapatid ko. " Beth!" Tawag ko sa kanya ng bigla nya ring sinarado ang pinto. Kinatok ko ulit ng kinatok ang pinto hanggang sa buksan nya ulit. " Sorry po sir pero hindi po kasi kita kilala." Aniya na sobrang nagpalungkot sa akin. Hindi ko sya masisisi dahil ako rin naman ang nagtulak sa kanya palayo. (Nakaraan) " Please please Tyrone, wag ka ng humanap ng ibang babae ako na lang huhuhu!" Pagmamakaawa pa ni Beth sa akin habang nakaluhod. Iyak sya ng iyak, nahuli nya kasi akong may ka make out at bago pa namin magawang mag s*x ay sinabunutan nya yung babae, ang lakas ni Beth walang nakakatalo sa kanya pagdating sa laban, ilang beses nya na akong sinusundan at talagang nakakairita na. Kaya naman nagbigay ako sa kanya ng isang pangako. " Okay okay please stand-up I told you that I don't want any serious relationship right now, gusto ko fling lang. Di kita pinilit ng may mangyari sa atin at nagpapasalamat ako na ako ang una mong pinagbigyan nyan. Pero ayokong maging tayo. I mean ayoko ng girlfriend. You are 24y/o now and i'am 27 right now, I promise at age of 35 babalikan kita at pakakasalan. Pumayag naman sya. Di nya na ako sinusundan at pinagbabawalang mambabae pero lagi nya akong tinetext ng mga love messages. 5years na ang nakalipas pero lagi nya pa rin akong kinakamusta, kinukulit nya pa rin akong maging kami pero ayaw ko. Tapos na sya ngayon sa college at gusto nya na bago sya magtrabaho ay kami na pero di ako pumayag, dahil ang pangako ko sa kanya ay sa ika tatlumpo't limang taon na ako saka lang ako mag seseryoso sa kanya. Hanggang sa nag 35 y/o na ako ay tinatawagan nya pa rin ako, sa Online apps na kami nagkakausap kasi nasa ibang bansa sya pero dahil sa sobrang kakulitan nya ay nasabi kong di ko na tutuparin ang pangako ko sa kanya, humanap na sya ng iba, mag move on at kalimutan nya na ako. Yan ang pangako na di ko natupad, at ngayon ay 36y/o na nga ako. Huli na nga ba ang lahat sa amin? Pero gusto ko pa ring subukan, ramdam kong may natitirang pagmamahal pa sya sakin. Pero paano nga kung nakalimutan nya na ako.? Nakahanap na sya ng iba. Yung taong handa syang mahalin at di sasaktan. Nakakapanghinayang... " Beth please mag-usap naman tayo." pagsusumamo ko " Sige, tungkol ba saan?" malamig na sagot nya sa akin. " Pwede ba akong pumasok sa loob?" tanong ko " Hindi na kailangan alam kong di ka naman magtatagal, sige sabihin mo na kung anong sadya mo?" " Beth please come back to me." " I now I hurt you hard time pero sana mapatawad mo ako, sobrang nagsisisi na ako sa mga nagawa ko sayo. Please be my girlfriend." dagdag ko pang sabi. " Hahahahahahah,,, grabe joke mo ah di nakakatuwa!!! Sorry pero huli ka na, may mahal na akong iba." Malakas na tawa nya na may pang-uuyam. Mababakas din ang galit sa kanyang maamong mukha. " Leave,,, wag mo ng sayangin ang oras mo sa akin. Marami kang babae diba? Sila nalang ang balikan mo. Besides kayang kaya mo naman yun diba?" sabay irap nya pa sa akin. Ang hirap nyang suyuin. Pinagsarhan nya pa ako ng pinto matapos nyang sabihin ang mga salitang yun. Napakasakit pero di ako susuko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD