Chapter 3

1153 Words
Beth POV (9 years ago unang pagkikita) Inaya kami ni Cindy na sumama sa kanya na lumabas birthday nya pala... Ipapakilala nya rin ang kanyang boyfriend na kararating lang galing ibang bansa. Kasama namin ngayon si Althea at Gigi, sa totoo lang wala akong kahilig hilig lalo na sa pag ba bar, ayoko kasi ng amoy ng usok ng yosi at alak pero dahil minsan lang naman ay sumama na kami. Sinundo kami ng kanyang boyfriend na si Greg, grabe ang sosyal ng bar ah yayamanin. Ang ganda, alam kong pati si Althea ay namangha rin. Pagpasok pa lang namin sa bar ay may pinasukan pa kaming kwarto pang VIP lang ang peg, wala na akong masabi sila na ang mayayaman. Napag alaman ko ring may mga kaibigan tong si Greg at take note na star struck talaga ako sa isang kaibigan nila. Nang malaman ko ang pangalan nya lalo akong na inlove, grabe ang gwapo talaga makalaglag panty tong si Tyrone. Woooohhhh.... Gusto kong magpakalasing kung itong tao naman na ito ang makakainuman ko. Sya na talaga... Grabe kapag tinititigan nya ako sumisikip ang dibdib ko sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Heart kalma lang... First time kong makaramdam nito. Kakaiba sya nung nag ka crush ako nung highschool. Nang makauwi kami sa mansyon ay di pa rin nawala sa isip ko ang kanyang mukha nakakabaliw kakaisip. May girlfriend na kaya sya? Sana magustuhan nya rin ako. Sa susunod na magkikita kami magpapaganda talaga ako. Hmmmp ano kayang pwede pampaputi, mas maganda daw sa babae ang maputi , ako kasi katamtaman lang ang balat ko . Gusto ko mapansin nya ako??? Bukas tatanungin ko si Althea kung anong gamit nyang lotion. Hehe sa ngayon matutulog muna ako, nakakahilo talaga ang alak antok na antok na ko. Bukas nalang kita aasikasuhin pag papaganda ko, sa ngayon ang mata ko muna ang ipipikit ko... " Good morning po ate." bati ni Gigi. Si Gigi ang gandang bata rin to, mag 18 palang sya sa susunod na buwan kaya sya ang pinaka bata sa amin, ang alam ko apo sya ng dating mayordoma dito pero namatay na rin dahil sa katandaan, kinuha daw sya nung mama ni ma'am Steph para pag-aralin na rin kaya sya nandito. " Gigi anong gamit mong sabon? Ang puti kasi ng balat mo? Hehehe!" "Si**a p*p**a te yung orange yun lang kasi ang hiyang ng balat ko eh." Sagot nya sa tanong ko. "Eh lotion?" tanong ko ulit. "Si**a din ate orange pa rin. Hehe!" sabay kamot nya pa sa ulo nya na feeling ko hindi naman talaga ma kati. " Eh shampoo? Wag mong sabihing Si**a din walang shampoong ganun?" hirit ko pa sa kanya. " Hehehehe si ate palabiro ka pala? Kapag po may ganung brand yun na rin ang gagamitin ko." Sakay nya pa sa biro ko. " Hahahahahaha!!!" Di ko mapigilang matawa sa batang to nakakatuwang kasama. Nandito kami sa garden at tinutulungan nya akong magdamo napakarami na rin kasing damo. " Dios ko po dapat matapos namin ito bago masikatan ako bg araw, baka lalong umitim pa ang balat ko nito. Lalong mawawalan ako ng pag-asa kay Tyrone ko. Woooh... woooh bagay na bagay ang tawag ko , mula ngayon akin na sya. Akin lang... ... Tyrone POV " Ty mukhang may nabiktima na naman ang kagwapuhan mo ah. Karami sa bar na gustong lumapit sayo kaso mas agaw pansin yung friend nila Cindy. Hahaha" biro ni Greg. " Sino dun?" tanong ko. " Si Beth, mukhang patay na patay sayo, kung titigan ka parang gusto ka na nyang iuwi?" " I'm not interested, hindi ganun ang type ko na babae, katamtaman lang ang hinaharap, gusto ko bro yung mala papaya para solve sa taas palang." Iniimagine ko palang ang sarap na. Marami na akong nakasiping na malalaki ang boobs kaya naman alam ko na ang pakiramdam, di nakakaboring. Ayoko rin naman bg commitment kaya yung mga di biniyayaan ng magandang katawan ay di ko na papatulan... " Pero gusto ko yung mata nya, ang ganda." si Joseph " Bakit po type mo???" napataas ang boses ko na kinabigla nilang lahat. " Galit ka ba bro? Nagsasabi lang ako ng totoo, jung di mo sya type eh ako nalang ang manliligaw sa kanya." si Joseph na pangisi ngisi pa. Nag-init ang ulo ko, gusto kong sapakin ngayon si Joseph. Nakakainit sya ng ulo. Pero ano nga ba itong nararamdaman ko bat nga ganun ang reaksyon ko sa sinabi nya, eh hindi ko naman talaga type si Beth. Di ko kayang sagutin ang tanong nya. Kaya tumahimik nalang ako. " Mga bro wag na kayong mag-away ah. Ganito nalang wag nyong ligawan si Beth ng di kayo sure sa nararamdaman nyo sa kanya para di naman kayo makasakit ng tao." Si Marius na walang kagana gana nyang payo sa amin. Alam ko may pinagdadaan ngayon si Marius kahit di nya sabihin. Mukhang nahuhulog ang loob niya kay Althea. Sabagay napakaganda kasing babae nun. Kaya di malabong magkagusto ang isa sa amin. Nandito kami sa Opisina ni Marius ngayon. Siya nalang ang di nasabihan kaya naman dinalaw na rin namin sya. Nagkayayaan kasi na mag outing sa Batangas. Wala naman akong gagawin kaya ayos lang. Isang sasakyan nalang ang gamit namin ni Joseph, tinatamad jasi akong mag drive kaya kotse nalang ni Joseph ang gamit namin, kay Marius sana ako sasama kaso bigla namang nagsabi na may lakad sila ng girlfriend nya. Nababanas pa rin kasi ako kay Joseph,.. Pagkarating namin ay naabutan naming naghihintay nalang ng cottage na gagamitin namin sila Greg at mga kasama nya, floating cottage pala ang gagamitin namin. Pasakay na kaming cottage ng biglang napunta ang tingin ko kay Beth, di ko napigilang matawa. Anong nangyari sa mukha nya bakit may mga pimples??? ... Beth POV Nakayuko ako ngayon, grabe nawala ang confidence ko dahil sa tigyawat sa mukha ko hindi lang kasi isa kundi tatlo pa sila, bakit ba kasi ang lalaki nito. Sa ilong, sa pisngi at sa noo hayst,,, kung kailan ulit kami magkikita ni Tyrone ko saka pa tumubo ito. Pahamak yung commercial sa tv nagkaganito ang mukha ko akala ko pa naman pampaganda yun pala mukhang papangit pa ako. Yung reaksyon ni Tyrone nung nakita ako, pigil na pigil ang tawa. Nakakaasar ang hinayupak. Humanda sya mamaya. Habang naliligo ako ay lumapit si Joseph palangoy sa akin. Lalangoy sana ako palayo kaso di ko nagawa kasi nahawakan nya ang kamay ko. Nagulat ako sa ginawa nya pero binitawan nya rin. " Beth sorry di ko sinasadya wag ka sanang lumayo sa akin, gusto ko lang makipagkaibigan sayo." si Joseph. " Ayos lang, pasensya na rin nagulat lang ako" Sabi ko. Ang sarap nya palang ka kwentuhan, ang galing nyang mag joke, naging panatag ang loob ko sa kanya kaya naman ng ayain nya akong umahon muna para makakain ay sumama na ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD