CHAPTER 10 "Walang ganyanan sir. Nirerespeto kita. Huwag kayong gumawa ng ikakasira ng mataas na tingin ko sa inyo." Sagot ni Zayn. Tumayo ako. Binuksan ko ang ilaw. Nagulat silang dalawa na nakatingin sa akin. Si Bea man din ay napabalikwas sa pagkagulat. "Sir, alam ko ang ginawa mo kay Rod at kung gagawin mo din iyan kay Zayn, pasensiyahan na lang tayo pero irereport ka namin sa Principal natin. Kaibigan ni Daddy ang principal natin at paniniwalaan ako no'n kung isusumbong ko ang ginagawa ninyo sa mga istudiyante ninyo. Hindi ako natatakot sa inyo sir. Pasensiyahan na lang ho tayo." Walang kagatol-gatol na banta ko sa coach namin. Hindi nakasagot si Sir Nestor sa akin. Alam niyang hindi ko siya tinatakot lang. Hindi ko siya aatrasan. Kinuha ni Zayn ang kumot at unan. Ipinuwesto niya