Kabanata 9

2159 Words

Nang nasa Quiapo silang lahat ay naunang pumasok ang dalawang matanda. Naiwan naman sina Flex, Natasha, Hezekiah at Hilaria sa may labasan, gusto kasing magpahula si Hilaria at Hezekiah kaya sinamahan naman sila nina Flex at Natasha. "Sige na sis! Dali na!" excited na saad ni Hezekiah sabay hatak sa kakambal. "Oh, anong atin, magpapahula ba kayo maam?" tanong naman ng isang medyo katandaang babae. "Oho, magpapahula po kami." Sabi pa ni Hezekiah na naupo na sa upuan na nasa harapan ng matanda. Naupo na rin ang tatlo sa gilid. Marahang hinawakan ng matanda ang palad ni Hezekiah at binasa iyon, tila sinusuri ang kaniyang sadya. "Magpapahula ka kung nasaan ang lalaking para sa'yo?" ani ng matanda na ikinatango-tango lang niya. "Paano n'yo po nalaman?" parang sira na tanong niya sa matand

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD