LIEZEL: TULALA AKO habang nakamata sa asawa kong nakaratay sa kama. Puno ng aparatus sa katawan at may benda sa ulo kung saan ito napuruhan. Ayon sa mga doctor na sumuri dito ay asahan na naming pag makaligtas ang pasyente sa bingit ng kamatayan ay hindi pa tiyak ang magandang balita. Possible daw na magka-amnesia ito at hindi makalakad dala ng pagkaka-fractured ng spinal cord nitong may mabigat na bagay na tumama daw doon. Kinumpirma naman iyon ng mga taong tinulungan nitong iligtas habang nagkakagulo ang lahat sa barko na sinasakyan nito. Inuna niya daw ang kapakanan ng iba bago ang sarili. Nabagsakan ito ng bakal na siyang dahilan ng pagkaka-coma nito. Hindi ko lang matanggap na siya na nga itong tumulong doon pero siya pa ang napasama. Pakiramdam ko ay napaka-unfair naman ng mundo.