Third PPOV: PANAY ANG LAGOK ni Liezel sa vodka na order nitong dinala sa VIP room ng kanyang bar. Masama ang loob nito sa nangyaring sagutan nila ng asawa na dahilan para naisatinig nito ang bagay na kailanman ay hindi niya lubos akalaing masasabi sa asawa. Ang maghiwalay na sila. Simula pa lang ay mahal na mahal na ni Liezel si Cedric. Na tipong lahat ay handa niyang gawin para sa asawa. Kaya naman sobrang hirap sa kanyang pakawalan ang asawa. Pero sa nangyayari sa kanila ng asawa nito ay dama niyang pagod na pagod na rin siyang lumabang mag-isa. Maghahatinggabi na ng makadama ito ng pagkahilo dala ng dami ng nainom nito. Napaangat ito ng mukha mula sa pagkakayukyok nito sa mesa ng marinig na bumukas ang pinto. Naniningkit ang mga mata nito. Inaaaninag ang pigura ng lalakeng papalap