‼️WARNING‼️
Ang story po na 'to ay SSPG. Pinapaalala ko lang po na ang unang POV ay female lead. Lahat po ng story ko ay nasa huli ang POV ng male Lead.
Gemma's Pov
KUMUKULO ang dugo ko sa amo kong nag f-feeling gwapo na naman. Pero ang totoo ay nakakasawa naman talaga ang pagmumukha niya. Nakakairita pa!
Kararating lang niya sa hindi ko malaman kung saan siya galing. Basta ang alam ko ay galit na galit siya sa 'kin. Kulang nalang ay bumuga ng apoy ang ilong niya. Ang sarap tuloy asarin ng kumag.
Katulong niya ako at siya ang amo ko. Pero mas malakas akong mang utos. Kapag hindi siya sumusunod sa utos ko ay ginuguhitan ko ng kung ano-ano ang mukha niya.
Sino ba naman kasing hindi maiinis kung tutulugan lang ako kahit siya naman ang nag presenta na itapon ang basura o kung ano pa man. Napaka paasa ng gago kaya naiinis ako lalo na't makikita ko lang siya sa sala na masarap ang tulog niya.
Ngayon ay hindi ko alam kung ano na naman ang kasalanan ko at kung bakit siya galit na galit. Ang sarap pektusan ng itlog niya para manahimik na siya.
"Seriously, Gemma.. talagang tinatawag mo akong olok kahit hindi naman ako mukhang olok!" Galit niyang sabi. Kitang-kita ko sa mukha niya na inis na inis siya sa 'kin.
Hindi naman ako kinakabahan na malaman niya kung ano ang ibig sabihin ng olok. Sa bisaya kasi ang olok ay ari ng lalaki. Tinatawag ko siyang olok dahil trip ko lang. Mukha naman talaga siyang olok.
"Whatever, sir Jonas. Tapos ka na po ba? Marami pa akong gagawin at assignment na sasagutan kaya kung pwede ba.. tigilan mo na ako. Wala akong oras makipag away sa'yo ngayon." Saad ko sa walang emosyong boses.
Bigla niyang tinanggal ang suot niyang sumbrero kaya nakita ko ang magulo niyang buhok at ang noo niya na may drawing na olok. Agad akong nagpigil ng tawa dahil fresh na fresh parin ang pagkaka drawing ko no'n sa noo niya. Hindi pa pala niya nabubura.
Pangalawang beses ko ng ginawa yan kasi hindi naman siya nakikinig sa 'kin. Napaka paasa kasi kaya hindi ako nakapag pigil na lagyan ng olok ang noo niya.
Nong una kong drawing ay wala pang bulbol eh. Ngayon kasi meron na kaya asar na asar siya sa 'kin. Ang sabi ko kanina ay kaya nilagyan ko na ng bulbol dahil may tumubo na sa kalbo niyang oten. Hindi naman niya naiintindihan ang salitang oten at olok dahil nga bisaya na word na yun na ang ibig sabihin ay ari ng lalaki.
Kapag inaasar ko siya ay ginagamitan ko talaga siya ng bisaya word. Technique yun para hindi siya makasagot sa bangayan namin dalawa.
Hindi na sumagot si sir Jonas kaya umismid ako sa harapan niya saka ko siya tinalikuran. Mauubos lang ang energy ko kapag nakipag sagutan pa ako sa kanya.
"Ano kaya ang pwede kong gawin na parusa para sa'yo, Gemma, huh. Ang dami mo ng kasalanan sa 'kin at hindi ako papayag na hindi makaganti sa'yo." Saad ni sir Jonas kaya napatigil ako sa paghakbang at agad na nilingon siya.
"Ay sus.. parusa? Ako? Paparusahan mo, sir? Bakit naman? Eh ikaw nga 'tong may kasalanan kung bakit ko nilagyan ng drawing yang mukha mo. Pasalamat ka nga isang ari lang ang nilagay ko sa noo mo eh. Kinikilabutan na kasi ako habang din-drawing yan." Saad ko habang nagpipigil ng tawa. Asar talo siya eh kaya dapat lang na hindi ako tumawa.
"Yang bibig mo.. wala ba talagang preno yan?" Tanong niya habang matalim na nakatingin sa 'kin.
Imbes na matakot ako ay natawa pa ako dahil sa oten na naka drawing sa noo niya. Ang liit kasi ng drawing ko at ang cute no'n tignan.
"Bagay po sa'yo, sir. Ang cute mo tignan habang may drawing sa noo mo. Siguro ganyan ka cute ang ala— nevermind. Ayaw ko nalang malaman." Pagpuputol ko sa sasabihin ko sa kanya.
"Cute? Yung alaga ko ba ang sinasabi mong kaparehong cute sa drawing mo?!" Galit na sabi ni sir Jonas. Gumalaw pa talaga ang panga niya at halatang nagtitimpi ng galit.
"Wala naman akong sinabi, sir ah.. pero pwede din. Sigurado naman ako na kasing liit lang ng hinliliit kong daliri ang alaga mo no! Wag mo ng pahabain pa ang usapan natin, sir Jonas. Tanggapin mo nalang. Unang kita ko pa lang sayo alam ko ng small batirebol yang ano mo.." sabi ko saka ngumuso na tinuturo ang nasa pagitan ng hita niya.
"Nanghahamon ka ba talaga, Gemma?" Seryoso niyang tanong habang ang isang palad niya ay nakakuyom na. Ang sarap talaga niyang asarin. Malakas pa naman ako mang-asar kaya kawawa siya sa 'kin.
"Hindi naman, sir. Nagsasabi lang po ako ng totoo kaya bakit ka po nagagalit?" Patay malisya kong tanong.
"Dahil hindi naman totoo ang mga pinagsasabi mo!" Galit niyang sigaw takda na galit na galit na talaga siya.
Kahit ganun ay hindi ko parin pinapakita sa kanya na natatakot ako. Anong akala niya sa 'kin, mahinang nilalang? Suntukin ko pa itlog niya para mabasag na.
"Inis na inis na ako sa'yong babae ka! Dapat talaga hindi kita tinaggap bilang katulong ko. Pack all your things now, Gemma. You're fired!" Galit niyang sabi habang nanlilisik ang mata niya sa 'kin.
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Mukhang seryoso na talaga siya ngayon na pinapaalis na ako. Pangalawang beses na niyang gusto akong e-evict sa bahay niya eh. Dapat pala nagpa vote ako sa pamilya ko at sa kaibigan kong si Kakai para hindi ako ma evect sa bahay ni sir Jonas. G atay!
Hindi ako pwedeng matanggal bilang maid dahil wala akong mapupuntahan. Ayaw ko naman humingi ng tulong sa kaibigan kong si Kakai. Nakakahiya naman kay bossing Thanatos kung sakali.
Kung uuwi naman ako sa bahay namin sa Ormoc ay balik na naman ako sa bahay namin na kulang nalang perma ng langaw para bumagsak sa lupa. Ayaw kong umuwi ng Ormoc na walang pera at hindi nag glow up. Ang dami pa namang marites sa lugar namin kaya hindi ako pwedeng umuwi na hindi successful sa buhay.
G atay ani! Seryoso talaga si sir Jonas. Hindi ko na yata siya madadala sa sorry ba.
Tumikhim ako para mawala ang bara ko sa lalamunan ko. Pangit naman kung magsalita ako na may plema. "Hindi ka naman mabiro, sir Jonas." Parang tanga kong sabi kaya mas lalong nagalit. G atay! Dapat kasi mag s-sorry ako pero yun ang lumabas sa bibig ko.
Pero ayaw kong mag sorry lalo na't lalaki siya. Hindi pa ako humihingi ng sorry sa lalaki no! Ano sila sinuswerte.
Ngunit, nakakainis kasi wala akong pagpipilian. Kapag hindi ako humingi ng sorry ay goodbye malambot na kama talaga ako.
Pero ayaw kong mag sorry talaga. Nag drawing lang naman ako ng oten sa noo niya, galit na siya agad. Pasalamat nga siya at hindi ko ginawang tatlo eh.
"Ano pang ginagawa mo? Umalis ka na sa bahay ko!" Galit na naman niyang sabi. Napakagat ako sa ibaba kong labi at hindi alam ang gagawin.
"Ahm.. s-sorry na po, sir Jonas." Saad ko sa mahinang boses. Hindi ako sanay mag sorry sa isang lalaki. Kung hindi ko lang talaga kailangan ay nuncang mag so-sorry ako. Pero dahil sa no choice ako dahil saan nalang ako pupulutin uy kung mag mamatigas ako.
"Ang tigas ng pagkakahingi mo ng sorry ha! Halatang labas sa ilong." Sabi pa niya habang nakasimangot. Nag sorry na nga ko ang dami pa niyang arte.
"Ayy, matigas naman po talaga ako mag salita, sir ah.. Hindi lang po yan ang kaya kong patigasin, sir." Pilyo kong sabi kaya pinandilatan niya ako ng mata. Bakla yata 'tong sir ko eh.
"Sir.." tawag ko sa kanya.
"Ano na naman?" Masungit niyang tanong. Palagi nalang talaga siyang highblood sa 'kin. Akala mo laging inaaway. Kumukulo yata dugo niya sa t'wing nakikita pagmumukha ko eh. Bigla tuloy may pumasok sa isipan ko.
"Bakla ka po ba?" Deritso kong tanong sa kanya.
Nanlaki naman ang mata niya sa tanong ko. "Hinahamon mo ba talaga ako, Gemma? Gusto mo patunayan ko sa'yo na hindi ako bakla ha?" Sabi niya na halatang napipikon na naman sa 'kin.
Ang dali-dali lang naman sana ng tanong ko eh. Yes or No lang ang sagot pero nagalit agad. Pikon talaga. Sarap kutusan.
"Wala ka pong dapat patunayan sa 'kin, sir Jonas. Bakla ka po talaga kaya wag mo ng sagutin." Pang iirap kong sabi sabay talikod sa kanya. Aalis nalang ako sa harapan niya at baka masabunutan pa niya ako.
Sabi ko na nga ba eh, bakla si sir Jonas. Kaya siguro inis na inis siya sa 'kin dahil maganda ako. Hay naku, sayang na sayang. Mukhang yummy pa naman si sir at halatang may tinatagong abs. Pero, lalaki din ang gusto niya kaya ekis na siya sa 'kin. Hindi ko din naman siya type kung lalaki siya dahil ang goal ko sa buhay ang makapag asawa ng afam.
Paalis na sana ako ng bigla nalang may pumulupot na braso sa bewang ko. Natigilan ako lalo na't sobrang dikit na dikit ang katawan niya sa likod ko. Walangya! Naramdam ko ang matigas na bagay ni sir Jonas.
"Gusto ko yan, Gemma. Gusto ko yang hinahamon ako. Tara sa kwarto, patutuwarin kita 24/7 para malaman mo na hindi ako bakla." Bulong niyang sabi sa tenga ko kaya halos nagtaasan ang balahibo ko sa katawan.
Hindi ako nakasagot lalo na't dinidikit talaga niya ang alaga niya sa likod ko. Nakakailang kaya hindi ako makagalaw. Akala ko pa naman kasing laki lang ng toothpick ang oten ni sir Jonas. Mukhang nagkamali ako dahil kasing laki pala ng mataba at mahabang pipino. Baklang may malaking pipino si sir Jonas. Nyusko!