Synopsis

1091 Words
Dear Ed Luie, Paano ko ba sisimulan ang lahat ng mga hinaing na gusto kong sabihin? eh! kung ang laman ng isip ko ay puro ikaw... Oo ikaw na nagbibigay ng lakas sa tuwing nanghihℹ︎na ako. Ikaw na nagbibigay ng ngiti at saya sa tuwing nalulungkot ako. Ikaw na nag -aalaga sa tuwing may sakit ako. Ikaw na palaging nag -aalala sa tuwing hindi pa ako kumakain o ano pa man. Ikaw na sumusuyo sa tuwing tinotoyo ako. Ikaw na umuunawa at umiintindi sa pag uugali ko kahit na minsan hindi mo na ako maintindihan . Ikaw na sumusunod sa lahat ng gusto ko kahit na ayaw mo. Ikaw na ngumingiti kahit na gusto mo ng umiyak pag nasasaktan na kita . Ikaw na nakikita o naririnig kong umiiyak sa tuwing mag-away tayo. Ikaw na umiiwas nalang at tatahimik para hindi na humaba pa ang usapan sa tuwing nag raratsada ng bunganga ko. Ikaw na nagbibigay lahat ng samot saring emosyon sa'kin. Ikaw na mahal na mahal ko , makakaasa kang hinding hindi ako bibitaw sayo DAHIL... Ikaw ang gusto kong makasama... Ikaw yung tipong hindi gwapo pero pwede na. Ikaw yung gusto ko palaging makasamang maglakad. Ikaw yung madaming tanong sa bagay-bagay. Ikaw ang paborito kong yakapin. Ikaw yung hindi maarte kapag ako'y clingy. Ikaw yung tipong iuuwi ko sa bahay para ipakilala kay mama't papa. Ikaw yung tipong iuuwi ko sa bahay niyo kapag lasing ka. Ikaw yung tipong aalagaan ko kapag may sakit. Ikaw yung lalaking dadalhan ko ng tsokolate o maski bulaklak kung nais mo. Ikaw yung taong masarap mahalin habang buhay. Ikaw na may malaking pangarap sa buhay. Ikaw na palaging gustong manghingi ng pagkain ko kahit nahihiya. Ikaw na hindi pala like ng ng mga post ko, pero pala-chat. Ikaw na nagse-send ng emoji para lang humaba ang ating usapan. Ikaw na naggu-goodnight sa iba kahit hindi pa talaga matutulog. Ikaw na gusto ko sanang kayakap sa gabi hanggang umaga. Ikaw na hindi kailanman kaya akong bastusin. Ikaw na kahit lasing, kaya akong respetuhin. Ikaw na gwapong-gwapo sa sarili. Ikaw na pangit na pangit sa hairstyle mo. Ikaw na simple lang pumorma pero ang lakas ng dating mo sa akin. Ikaw na palaging busy pero sa ML hindi. Ikaw na magsusungit sabay ngingiti. Ikaw na mahilig kumain pero kuripot. Ikaw yung tipong magpapayong kapag tag-araw at hindi naman kapag tag-ulan— ayaw mo din kasing mabasa payong mo. Ikaw na slow sa mga double meaning at green jokes na sinasabi ko Ikaw na masarap titigan kaysa hubaran. Ikaw yung tipong masarap patungan ng ulo at tulugan ang dibdib. Ikaw yung tipong masarap kahawak ang kamay. Ikaw yung tipong hindi nakakasawang lambingin at yakapin. Napakadami kong gusto pero isa lang naman talaga ang gusto ko, IKAW. PERO... Siya ang gusto mo Wala namang tayo, pero bakit ako nagkakaganito Umaasa sa mga pinapakita mo Mga motibong nag bibigay kapit sa akin sa'yo Gusto kitang makasabay pag uwi kahit ako'y sawi Gusto ko ang iyong pangangamusta dahil ako'y umaasa Hindi ko alam kung ako'y iiyak o tatawa sapagkat ako'y sawi na Iiyak nalang siguro dahil ako'y natatawa na Natatawa ako na parang tanga sa kasiguraduhang ika'y may mahal na iba SIYA ang gusto mo makasama SIYA ang gusto mo kausap SIYA ang liligawan at ako ang masasaktan mo Dahil SIYA ang gusto mo Dahil sino nga ba ako? AKO nga lang pala ang umaasa sayo AKO ang umaasa na sana ako ay sayo AKO ang umiiyak bawat gabi at hinihiling na gustuhin mo AKO ang naglalabas ng mga pekeng ngiti tuwing kausap ang mahal mo At sana nga AKO nalang SIYA Naalala ko na para akong tanga na bulag sa katotohanan Na umaasa sa mga “PAANO KUNG” Na pilit umaasa na sabihin ng iba ang ikakapalakpak ng aking tenga Nakakatawa, tunay ngang ako'y nababaliw na Gusto kong tumigil na dahil masakit na Pero hindi ko pala kaya Sapagkat ika'y minahal na Masakit pero ako'y kakapit sa mga alaala nating hindi mo maalala, sapagkat wala naman talaga dahil ako lang ang gumawa Naalala ko noong araw ng mga puso Umaasa ako na meron kang itatatak na pangako Ngunit di ako nagkamali, pero hindi itong pangakong inaasahan Mas masakit pa pala sa mga iniisip ko ang katotohanan Binigyan mo ako ng mga rosas na aking inaamoy sa bawat oras Nakakakilig diba? Ganoon din ang akala ko May iba palang ibig sabihin ang mga rosas na binigay mo Binigay mo pala iyon para mapatawad ka sa mga kasalanang nagawa mo, na ako naman talaga ang may gawa Binigay mo para ako'y mapaamo sa mga pag asa ko sayo Ang akala ko ay mahal mo na ako Ngunit nagkakamali ako Dahil SIYA pala ang binigyan mo ng mas magarbong anyo ng mga ito Dahil ako lang pala ang nag bibigay ng mga imahinasyon sa mga binibigay mong aksyon Pinatawad kita dahil mahal kita! Kahit alam kong may mahal kang iba Pasensya na, ako'y nakagulo lang pala. Nagmamahal, Christine ✞✞✞ ISIP: Wag ka nang magpakatanga. Lagi ka nalang nasasaktan. Tama na yan. Pinapaasa mo lang sarili mo. Gumising ka nga. Yung akala mo motibo na ipinapakita niya sa'yo, hindi yun totoo. Gusto niya lang talagang gawin ang mga bagay na yun. Pero hindi ibig sabihin nun may gusto siya sa'yo. Hindi ibig sabihin nun magiging kayo. Hindi ka nya mahal. At hinding-hindi ka nya mamahalin. Kaya please.. tama na yan. PUSO: Alam ko mahal niya ako. Hindi ako susuko. Magiging kami rin. Alam ko may gusto din siya sakin. Alam ko kaya niya akong mahalin. Ang dami niya kayang binibigay sakin. Pinapakilig ako lagi. Tapos minsan sinisilayan niya ako. Pinapasaya niya ako. Lagi niya ako tini text. Kapag kailangan ko siya andyan siya lagi para sakin. Kapag gusto ko siyang makita lagi siyang nandyan. Ang sarap kaya sa feeling ng may inspirasyon. Kahit kaibigan lang ang turing sakin. Ako si Christine, dalawampong taong gulang. Kung IKAW AKO... anong susundin mo? ISIP O PUSO? ✞✞✞ Why does everyone having a hard time loving me? Is it because of my face? Some say I'm pretty. Is it because of my attitude? Many say I'm kind. Is it because of my family? A lot says I have a cool family. I don't know why most of the people I choose to love are destined to be in love with others. All I've ever wanted was to feel special and to feel chosen. Yet I don't know what’s hard on it that many people can't make me feel that way. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD