CHRISTINE POV:
Ano bang gusto ko bukod sa "ikaw"?
Naaalala ko nung unang beses kitang makita, may kung ano sa aking pakiramdam. Bawat ngiti mo na nakikita ng aking mata, tila para akong nabubusog sa tuwa. Iniabot mo ang iyong kamay nung mga oras na yun. Ngunit ako'y tumanggi sapagkat labis akong nahiya sa biglaan mong paraan. Akala ko'y yun na ang una't huli, ngunit sa paglipas ng ilang araw, ngiti mo'y muli kong nasilayan. at ang laging nasasabi ko ay...
'Haayy... ang sarap mabuhay.,'
Dumating ang araw na nakita kitang muli, Para bang itinadhana na magkita tayo sa perpektong lugar na 'yun. Nung una'y nagpanggap akong hindi sabik, Ngunit sa loob loob ko'y 'Salamat Lord, dahil nakita ko siya ulit!' Tadhana na nga ba ang tawag dito? Pakiramdam ko'y ito na ang tatama sa bawat mali at sakit na narasanan sa nakaraan. Para akong nahihibang.
Nagtuloy tuloy ang magandang istorya kasama ka, Bawat patak ng oras na parang kay bilis kapag nasa tabi kita. Palaging humihiling na sana'y lumawig pa ang mga oras Ngunit realidad ay parang hadlang.
Natakot ako sapagkat pagkatapos ng ilang buwan, ngayon ko nalang muli 'to naramdaman. Natakot akong muli na magpaka tanga kagaya ng ginawa ko sa nakaraan. Natakot akong magbigay ng pagmamahal sa isang taong hindi naman ito kayang suklian. Pero, ang pasaway kong puso ay hindi ko napigilan dahil heto na naman ako nag aastang temang.
Gustong gusto kita, kung alam mo lang... Nahuhulog na ako sa'yo..nahuhulog sa isang taong alam kong hindi kayang ibigay kahit oras man lang.. at ang sabi mo sa akin nung isang araw, magkaibigan tayo, kaibigan mo ako at mahal mo ako.... Umasa ang baliw na puso ko, na misinterpret ang salitang binitawan mo.
Kwestyunable ang utak ko, sobrang bigat ng puso ko.
Palagi nalang may tanong sa isipan ko, kaya naman nasabi ko sa sarili ko..
'Ay eto na naman, aasa kana naman, paulit ulit na lang..'
Bigla ko nalang nakita isang araw, mga larawan ko sayo'y napalitan na ng ibang mukha. Ni wala kang sinabi, ipinaalam o ipinaliwanag man lang. Bakit ka nga naman magpapaliwanag sa bagay na yan,? kung tayo nga mismo eh walang kasiguraduhan. Kailangan ko pa bang tanungin ka? Malamang hindi na. Lumayo ako hindi dahil natatakot akong masaktan sa paulit ulit na rason. Lumayo ako dahil gusto ko ng umiwas sa'yo!
Pero, kapag nag iisa, balik na naman sa kakulitan ang buo kong sestima, palaging tanong ng isipan ay...
Ano bang gusto ko bukod sa "ikaw"?
Gusto ko.. Gusto ko lang naman maging masaya. Oo, naging masaya sa pamamalagi mo sa buhay ko. Pero gusto ko naman sumaya ng hindi lang ikaw ang dahilan. Gusto kong sumaya ng hindi dumedepende sa isang tao. Dahil ayokong dumating sa puntong kapag nawala ka, hindi ko narin alam kung paano pa ba ang maging masaya.
At higit sa lahat, ayokong gawing "mundo", ang dapat eh isang "tao" lang.
"Hoy! Anuna namang drama yan?"
Napapiksi ako't napakurap kurap ng aking mga mata ng isang pagtapik saking pisngi ang nagpabalik saking kamalayan sa kasaluluyan.
"Weng?"
"Oh! bakit? Nakakagulat bang hilatsa ng aking pagmumukha?"
Malapad syang ngumiti sakin na nag paawang ng aking labi. Napalunok ako't di kaagad nakasagot sa kanya, kaya umandar na naman ang pagka alaskador nya.
"Oh laway mo, punasan mo't natulo na!" Saka ito tumawa na ikinahiya ko namang bigla. "Gwapong gwapo ka sakin nuh! Halatang halata na patay na patay ka talaga sa kamachohan ko! hahaha."
"Hoy! indi ah! Kapal ng mukha mo! Hindi kita type nuh!" Sabay irap ko sa kanya. "Saka wala ka namang abs kaya wag magyabang baka tangayin ka ng hangin dahil sa katawan mong patpatin!"
"Uhooyy... defensive! Napapaghalatang may pagnanasa talaga sya sakin."
Kinurot kurot pa nyang aking pisngi na mas lalo ko pang ikinainis. Pikon na pikon talaga ako kapag ginagawa nya ito sakin.
"Anuba!" Sabay tabig ko sa kanyang kamay.
"Uy! galit ng pango, hahaha..."
Yung pagtawag nya sa'kin ng pango, kahit hindi naman talaga totoong pango ako, ang nakakapag pangiti sa'kin. Kasi, alam ko namang isa 'yun sa paraan nya para asarin lang ako.
"Uyy! matangos kayang ilong ko!" Singhal ko sa kanya na may kasamang paghampas sa braso nito.
"Matangos? Sinong me sabi't bubugbogin ko?" At yun na nga pinakita na naman ang kanyang muscle na ke liit liit. "Mas mataas pa ngang bibig kesa sa ilong mo eh! Hahaha.."
"Hehh!!" Napairap na lang ako sa hangin.
Ganun sya kasaya at kagaan kasama, kaya sino ba naman ang hindi mahuhulog sa isang Ed Luie? Hindi man sya mukhang matinee idol o isang heart-throb, bawing bawi naman sa taas ng confidence sa kanyang sarili at husay magpatawa.
Bukod sa pagiging joker nito, maalalahanin, matulungin at masipag pa ito. Sya yung tipo ng taong hindi mapagtanim ng galit. Sya ang peacemaker ng tropa, barkada at mga kaibigan nya. Kung magkaaway man kayo ngayon, asahan mong bukas bati na ulit kayo, kaya hindi nakapag tatakang maraming nakakakilala sa kanya.
"Makaalis na nga!" Nasundan ko na lang sya ng tingin. "Nangangarap na naman ng gising ang pangooo..." Pahabol pa nyang panunukso sa'kin.
"Weng..!" Tawag ko sa kanya.
"Oh!" Taas kilay syang lumingon sa'kin.
"Bleehh!!" Benelatan ko sya sabay takbo pauwi ng bahay namin. Bukas hindi muna ako tatambay sa tindahan ni Inday bungal, kasi siguradong babawi yun sa'kin.
'Haayy.,. buhay, parang life ko lang, sooo complicated! Ehehh!!'
Alam mo yung feeling ng may gusto kang sabihin pero hindi pwede? Alam mo yung feeling ng gusto mong magkahawak ang kamay nyo, o palagi kayong magkausap, o pwede mo syang yakapin kahit kelan mo gusto?? Hindi diba? Hindi mo yun alam, kasi magkaiba tayo ng nararamdaman... Weng....
Hindi mo alam kasi hindi mo naman nararamdaman yung katulad ng nararamdaman ko. Hindi mo naman alam na sa bawat message mo, yung puso ko halos tumalon sa tuwa dahil, "finally! Kakausapin mo ulit ako!" Na kahit na mas marami yung topics natin about sa mga personal problems lang natin., masayang masaya pa din ako. Na kahit minsan mo lang ako kausapin kapag mabigat na yung nararamdaman mo, Okay lang yun, wala naman akong problema dun. Wala din akong reklamo. Masaya pa nga ako dahil ako yung taong naiisip mo kapag may problema ka, dahil alam mong mapapagaan ko yung loob mo. Masaya ako dahil kapag malungkot ka, naiisip mo 'ko para sumaya ka. Pero, pag masaya ka, naiisip mo din kaya ako? Naiisip mo kaya na.., "ay masaya ako, ikukwento ko sa kanya." Naiisip mo din kaya yun? Hindi siguro noh? Kasi, masaya ka eh! hindi mo kailangan yung role ko sa buhay mo, which is pasayahin ka, pagaanin ang bigat na nararamdaman mo.
Alam mo ba, everyday gusto kitang kausap. Mukha na akong tanga dahil palagi kong hinihiling na sana, magmessage ka, magkwento ka ng araw mo, ng mga ginawa mo. Pero hindi eh. Madalas akong disappointed. Pero kahit ganon, isang message mo lang ulit mali-lift-up na yung spirit ko.
Ang unfair lang... Bakit naman kasi ako nahulog sa taong hindi ko dapat hulugan? Sabi nila, ang unang mafall, talo. Ilang beses na ba akong natalo? Ilang beses na akong nahulog sayo? Ilang beses ko pang pilit bumangon mag-isa at maglakad palayo pero palagi naman akong nadadapa ulit.
Ang hirap mahalin ng isang tulad mo. Ang hirap mahalin ng kaibigang alam mong hanggang kaibigan lang dapat. Madalas akong kinikilig sa mga gestures mo, sa mga sinasabi mo, pero alam kong may limitations, alam kong may reservations. Ang hirap kiligin ng hindi fully.
Hindi ako pwedeng magselos. Hindi ako pwedeng mangialam sa'yo. Lalong-lalo na yung hindi kita pwedeng mahalin ng higit pa sa kaibigan. Ang hirap. Ang bigat sa loob. Ang bigat na tipong naiisip ko na, sana hindi ka nalang ulit magmessage. Sana hayaan mo naman akong makaget-over sa feelings ko sayo. Sana mawala na tong pagmamahal na nararamdaman ko sayo. Para naman totoo na akong maging masaya lalo na pag nahanap mo na yung taong magpapawala ng mga lungkot mo, at magpapasaya pa sa mga panahong masaya ka na. Ayoko na kasing maramdaman to. Dahil baka isang araw, hindi ko na kayanin, dahil baka isang araw, masabi ko sayo bigla na mahal na mahal kita. At dahil dun, bigla ka nalang lumayo ng tuluyan, at hindi na ako balikan pa kahit kailan.
Ayokong magwakas ang ating pag kakaibigan dahil lang sa aking nararamdaman...
Ayokong tuluyang mawala ka sa buhay ko't malungkot na magpapaalam...
Ayokong talikuran mo ako ng basta basta lang...
In short, ayokong sa buhay ko ay maging isang alaala kana lang...
Dahil, Ed Luie,
Ako si Christine, ang kaibigan mong nagmamahal sa'yo ng lubusan.
✞✞✞
Naranasan mo na bang ma-inlove at alam mong hindi dapat? Yung alam mong wala ng chance at sa huli ikaw lang din ang masasaktan?
Marami siguro sa atin ang ganito. Tinatago yung nararamdaman kasi nag hihintay ng sign at signal o di kaya ay alam nating ito ang mas nakakabuti. Masasabi nating masakit pag ganun at hindi madali ngunit ito lang ang kaya nating gawin. Hindi lahat nangyayari ukol sa gusto natin at kailangan natin itong tanggapin. Hindi naman dito nagtatapos ang buhay, marami pa namang bukas at marami pang mas deserving sa pag-ibig natin.
?MahikaNiAyana