CHAPTER 2

1727 Words
Chapter 2 Nasa Isang mamahaling Restaurant si Claudette habang naghihintay sa kanyang nobyong si Zionne. May usapan silang dalawa na doon magkikita matapos ng ilang araw na walang imikan. Naiinip na si Claudette, Labing-limang minuto na rin siyang naghihintay.. Nais na din sana nitong umalis ngunit nakita na nito ang nobyong parating. Mababakas ang pagkadismaya at inis nito ng palapit na ang binata. "I'm sorry hon, Kung late ako. Ang heavy kasi ng traffic.. I can't call you kasi low battery ang cellphone ko," paliwanag nito sa nakasimangot na si Claudette. "Sorry mo, mukha mo!" pagsusungit nito sabay walk-out. "Hon! Wait. where are you going?” pasigaw na saad ni Zionne na ikinalingon ni Claudette. "Wala na tayong dapat pang pag-usapan pa,” aniya at napatayo ang binata at lumapit sa nobya. "Wala ba talaga? O kailangan natin itong pag-usapan,” aniyang hindi na ito mapigil ang magsalita si Zionne ng kanyang nararamdaman. “What do you mean?’ tanong nito. “Bakit naiiba yata ang tono ng pananalita mo?” muli niyang tanong na may himig pagkairita. “Hindi ka ba napapagod sa ganito? Paulit-ulit na lang ito, Claudette. Lagi ka na lang ganyan sa tuwing magkikita tayo. Hindi mo man lang ako iniintindi,” panunumbat ng binata sa kanyang nobya. “Wala na yatang pagbabago sa sitwasyon natin e,” diin niyang saad. "So? What do you want?" matigas na tanong ni Claudette. "Kung palagi tayong ganito, Mabuti pang tapusin na lang natin 'to. Wala naman yatang magandang patutunguhan kung lagi tayong nag-aaway.. Hindi na ganun ka healthy 'tong relasyon natin,” aniya rito na pinipigilan ang pagiging emosyonal. Ayaw na niyang marinig ang sasabihin ng nobya kaya minabuti na lamang na umalis at iwan ito. Napapagod na din ang binata sa takbo ng kanilang relasyon. Masakit man ito para sa kanya ay mas mainam na lang ito kaysa sa matali sila sa relasyong walang patutunguhan. Labis niyang minahal ang nobya sa kabila ng lahat, Ang kakaibang ugali nito at kahit minsan nasasakal na din siya. Minsan nga naisip niyang tanungin ang sarili kung bakit sa dinami-daming babae bakit kay Claudette pa tumibok ang kanyang puso. Samantala makalipas ang ilang oras na pamamasyal ay naihatid na nga ni Santi si Chanel. Kumain na rin ang mga ito janina bago tuluyang umalis.Medyo late na at kailangan na rin nilang magpahinga. Pareho din silang may trabaho kinabukasan kaya ayun matapos maihatid ng binat ay agad itong nagpaalam sa nobya. Hindi maalis ang kakaibang ngiti ng bagong magkasintahan na sina Chanel at Santi. Kitang kita ang kakaibang kislap ng kanilang mga mata gayon din ang kilig na nararamdaman ng bawat isa. "Oh, paano baby, Mauna na ako! Mag-ingat ka sa pagmamaneho." paalam ni Chanel sa kanya. Nasa labas pa ang mga ito sa gate ng bahay ng dalaga. "Ikaw din, Lagi kang mag-ingat dyan. Text na lang kita kapag nakarating na ako sa bahay,” tugon nito sabay halik sa nobya. “Okay, see you tomorrow,” aniyang tuluyan na nga na pumasok sa loob ang dalaga. Nang makapasok na nga si Chanel sa Mansiyon, Pinaandar na din ni Santi ang sasakyan. Napakalaki ng ngiti ni Santi habang nagmamaneho ito, Nagpatugtog pa ito ng musika na lalong nagpakilig sa kanya. Knowing that uuwi siyang maligaya sapagkat sinagot na siya ni Chanel. Hinding hindi niya ito inaasahan na sa araw na yun ay makakamit na nito ang pinakakaasam na matamis na oo ni Channel. Samantala napanganga at tahimik na nakatayo si Claudette kung saan din siya iniwan ni Zionne. Matagal-tagal ding nag-sink in sa kanya lahat ng sinabi nito sa kanya Ayaw man niyang mangyari 'yun sa kanila ay hindi na lamang ito nagreklamo. Tahimik na nilisan ang lugar saka tinungo ang sasakyan. Hindi niya alam kung saan tutungo. Nagmamaneho lamang ito ng walang direksyon kung saan tutungo habang umiiyak. Maraming bagay ang pumasok sa isip niya sa mga oras na yun, Gayon din ang guilt feeling na kanyang nararamdaman sapagkat bigla niya ng napagtanto na marami na pala siyang nagawa kay Zionne na pasakit at nagtitimpi lamang ito sa kanya. Matagal tagal na rin ang kanilang relasyon ngunit minsan sumagi sa isip niya na mahal pa ba niys ang nobyo o sadyang pinapahirapan at pinapalala lamang niya ang sitwasyon. Gulong gulo ang isipan ni Claudette ng mga oras na yun habang ito ay nagmamaneho. Dahil nga sa hindi ito tumitingin sa kanyang dinadaanan, hindi man lang niya nakita ang malaking trak na sumalubong sa kanya. Huli na para siya ay umilag. Isang Aksidente ang nangyari kay Claudette. Agad itong isinugod sa Ospital nang may nakakita sa pangyayari. Habang walang kaalam-alam si Zionne. Dahil sa tensiyong nangyari sa kanila kanina ay napagod ang binata kaya mas piniling umuwi ito at magpahinga. Halos hindi ito makatulog, apektado pa rin ito sa nangyari. Ilang beses man nangyari sa kanila ang ganoong pagtatalo ay sinisikap pa rin ng binata na magkaayos sila ng nobya. Mahal niya si Claudette iyon ang nararamdaman niya. Handa siyang tiisin ang sumpong at pagsusungit ng dalaga basta hindi lamang sila maghihiwalay. Isang mabuti at responsable si Zionne. May paninindigan at hindi tumalikod sa responsibilidad. Panganay ang binata at dahil dalawa lamang silang magkapatid ay naroon na lamang ang pagprotekta nito. Ulila sa ama sina Zionne at Zairene. Ang ina na lamang ang kasa-kasama nila. Dahil sa maagang pumanaw ang ama ay nasa kay Zionne ang pamamahala ng kanilang kompanya. Ilang oras pa lang nakapag pahinga si Zionne ay biglang tumunog ang kanyang Cellphone. Isang kaibigan ang tumawag. "Hello Pare, Saan ka?" tanong ng kausap. "Hello, nagpapahinga dito sa Condo. Bakit?" tugon ng binata na nakahiga sa kama. "Pare, Andito ako sa tambayan. Makakapunta ka ba?" "Pasensya na next time na lang , Pagod ako tsaka nag-away pa kami ni Claudette kaya wala pa akong ganang lumabas,” walang sigla nitong tugon sa kausap nito. "Sige Pare, Magpahinga ka na lang muna." Nang matapos silang makapag-usap na magkaibigan ay naisipan niyang tawagan sana ang nobya ngunit nagtataka ang binata kung bakit hindi ito makontak. Samantala agaw-buhay namang nakarating ang dalaga. Agad din itong inasikaso nang makarating sa Ospital. Dahil sa natamo ng dalaga mula sa aksidente ay kailangan itong maoperahan agad. Isa pa maraming dugo ang nawala dito. Wala man lang pwedeng makontak na kamag-anak ng dalaga. Kahit si Zionne ay walang kaalam-alam, ayon andun siya sa kanyang Condo pamamahinga, habang si Claudette ay nag-aagaw buhay. Dahil sa balitang napanood ng isa sa kaibigan ng dalaga ay agad din itong tumungo sa kinaroroonan nito. Si Alyssa, isa sa matalik nitong kaibigan ang napasugod sa pagamutan habang kino kontak naman nito si Zionne. Ilang tunog pa ng cellphone bago tuluyan napansin ng binata. Naalimpungatan at marahang sinagot ang cellphone. "Hello." aniya rito ng sagutin ang naturang tawag. Napabangon pa ito na boses babae ang kumausap sa kanya. Bagong number st hindi naka-register sa phone niya. "Hello Zy, Si Alyssa ito mabuti at nasagot mo agad. Si Claudette nasa Ospital." balita ng dalaga. "What? Anong nangyari? Bakit?" sunod-sunod nitong tanong sa pagkabigla sa narinig. "Naaksidente daw ito kanina ar papunta na nga ako ngayon. So doon na lang tayo magkita." sagot nito. "Sige.. Sige.. Papunta na rin ako." aniya rito at pinatay ang naturang tawag. Pagkatapos nilang mag-usap ay dali-dali ding kumilos ang binata. Halos liparin niya ang sasakyan ng mababa ito sa kanyang tinitirhan. Puno ng pagkilala at pangamba ang kanyang nararamdaman sapagkat 'di nito maiwasang sisihin ang sarili sa nangyari. Hindi man lang sila nakapag-usap ng maayos bago niya ito iniwan. Halos magkasunod sila ni Alyssa na dumating sa Ospital. "Alyssa, How's Claudette? Saan na siya?" nag-aalala na tanong nito nang makita ang bestfriend ng nobya. "Nasa Operating room na daw,, Kailangan niya ng maoperahan para maisalba ang kanyang buhay." mangiyak nitong tugon. "Ano pala ang nangyari? Bakit siya naaksidente?" muli niyang tanong sa dalaga. "Hindi ko pa nakuha ang buong impormasyon. Halos magkasunod lang tayo ng dating." "Kasalanan ko 'to! Sana hindi ko na lang siya inaway,” aniyang mababakas sa mukha ang labis na pag-aalala at nakaupo sa bakanteng upuan na naroon. "Huwag mong sisihin ang sarili mo. Remember, We all know Claudette kung gaano katigas ang ulo, hindi nakikinig sa kung anumang sabihin natin. All we can do right now is to pray and wait,” ani Alyssa rito at tinabihan ang binata. “Pero— iniwan ko siya kanina at hindi man lang kami nakapag-usap ng maayos. Hindi ko alam kung kakausapin pa ba niya ako dahil sa mga sinabi ko sa kanya kanina,” aniyang sising-sisi sa kanyang ginawa. “Tahan na! Don’t blame yourself. Hindi ko man alam ang puno’t dulo ng pagtatalo niya pero lagi mong isipin na hindi kasalanan ang magsabi ng tunay mong nararamdaman at paminsan-minsan kailangan natin na pagsabihan si Claudette,” payo ni Alyssa sa kanya. Ilang oras din ang lumipas bago natapos at lumabas ang doktor. Halos sabay na lumingon at tumayo sa kinauupuan ang dalawa nang marinig na nagsalita ang doktor. "Sinong kaanak ng Pasyente?" tanong nito. "Mga kaibigan po kami." sabay nilang sambit. "Kumusta po siya Dok?" tanong din nila habang kalmado lang ang doktor na nakipag-usap sa kanila. "She's out of danger. Ilang sandali na lamang at mailipat na ito sa kwarto," tugon nito sa kanila habang agad na nagkatinginan ang dalawang si Zionne at Alyssa/ “Talaga po, Dok? She’s out of danger?” hindi makapaniwala na tanong ni Zionne na nakangiti at ikinatango ng doktor, “Yes, tama ang narinig niyo. All you need to do is wait until pwede na siyang ilipat sa kwarto.” “Thank you po, Dok,” saad naman ni Alyssa. “Sige, Maiwan ko muna kayo at meron pang ibang pasyente akong aasikasuhin,” aniyang ikinatango ng dalawa. Nakahinga nga ng maluwag ang dalawa sapagkat ligtas na rin si Claudette. Ang kanilang pag-aalala na nararamdaman kanina ay naibsan na sa pagkaligtas ng nobya. Labis siyang nangamba sa magiging kahihinatnan nito at hindi maiwasang sisihin ang sarili. Alam naman niyang ganoon lang talaga si Claudette pero mahal na mahal niya pa rin ito. Nais pa rin niyang magkaayos sila at hindi maghihiwalay. Katunayan nais niyang bumawi dito at hinding hindi na makikipagtalo sa dalaga. Aayusin niya ang gusot sa pagitan nila at gayon din ang mga bagay na kailangan isaalang alang sa relasyon nila. Masaya siyang malaman na sa wakas ay ligtas na sa kapahamakan si Clauderte.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD