CHAPTER 3

1837 Words
Chapter 3 Paalis na si Santi patungong Opisina nang may inabot na isang Papel ang isa sa kanyang kasambahay. Laking gulat nito sa kanyang nabasa kaya agad na tinungo ang kanyang kotse saka pinaharurot ito. Hindi siya makapaniwala, magkahalong saya at lungkot ang kanyang nararamdaman habang iniisip ang laman ng kanyang binasa kanina. papadala siya sa Australia bilang Representative sa gagawing Project. Isang malaking oportunidad ito para sa kanya lalo na para sa kinabukasan nila ni Chanel. Ngayon palang ay iniisip na niya ang future nilang dalawa. Naging pangarap ni Santi ang magkaroon ng gaano kalaking project na maaari niyang makamtan. Kahit inaalala niya na sa pag-alis niya ay iiwan niya ang nobya at magkalayo silang dalawa. Nais ni Santi na kompirmahin ang nakasaad sa papel kaya minabuting kausapin niya ang kanyang Boss. Agad siyang dumeretso sa Opisina nito saka kinausap. Dahan dahan siyang kumatok sa pinto at agad din niyang marinig ang boses sa loob ng opisina ng yun. “Come in,” sambit nito at marahan na binuksan ng binata ang naturang pinto. Nadatnan niyang abala ang kanyang boss. "Magandang umaga, Sir.” Napa Angat ng ulo ito ng marinig ang bisita. Ngumiti ito sa kanya pagkakitaan sa kanya. “Good morning, Santi. Have a seat. Anong kailangan mo?” tanong nito sa kanya. “Ano po ba ang ibig sabihin ng sulat na ito?” tanong niya rito habang lumalapit at naupo na ito. "Oh Santi! Natanggap mo na pala. Pasensya ka na kung hindi ko ito nabanggit sa'yo pero lahat ng nakasaad diyan ay totoo. So by next month ay nakatakda na ang pag-alis mo," pahayag ng kanyang Boss. "Talaga Sir! Ako? Bakit ako ang ipadadala sa Australia?” gulat at hindi makapaniwala niyang tanong.. “Yes, Santi. Ikaw nga! Why? Because you are the one who is qualified for that project,” nakangiti niyang turan na ikinatuwa naman ni Santi. “Maraming Salamat po Sir." pasasalamat na.”Hinding hindi ko kayo bibiguin at pagbutihin mo ang aking magiging trabaho doon,” masaya niyang sambit na ikinangiti ng kanyang boss. "You deserve it Santi! Isa ka sa magaling na Engineer dito kaya isa ka sa napili kong irekomenda." "Salamat ulit Sir.. Alis na po ako. May aasikasuhin pa kasi ako." paalam ni Santi rito. "Oh, sige. mag-ingat ka! Magkita na lang tayo mamaya sa meeting natin." Napakasaya Ng nilisan ni Santi ang Opisina ng kanyang Boss. Dederetso siya sa kanyang Opisina upang tapusin ang kanyang mga gawain. Nakatakdang sa susunod na buwan ang kanyang pag-alis at saktong weekend bukas at pareho silang walang trabaho ni Chanel. Nais niya na itong ibahagi sa nobya. Matagal na rin niya itong pangarap st inaasam-asam na makapagtrabaho sa ibang bansa. Samantala ilang sandali ang lumipas nang mailipat na ang bagong operang si Claudette sa silid nito.Naroon na din ang dalawang sina Alyssa at Zionne na matiyagang naghihintay sa kanya. Makikitang awang-awa si Zionne sa nadatnan itsura ng katipan. Hindi niya lubos maisip na sa isang iglap mangyayari 'yun kay Claudette. Ulilang lubos ang dalaga. Pumanaw ang magulang ni Claudette sa isang aksidente noong nasa College ito. Naging mahirap iyong tanggapin ng dalaga na dahilan gumuho ang kanyang mundo, Ang dating masayahin at masigla ay biglang nagbago. Napalitan ng lungkot, pati ang pag-uugali nito ay nagbago. Halos hindi na siya nakilala ng kanyang kaibigan. Hanggang nakilala nito si Zionne, Akala ni Alyssa ay si Zionne na ang sagot upang bumalik sa dati ang dalaga. Ngunit, kahit magkarelasyon na sina Zionne at Claudette ay wala man lang pagbabago. Mabuti na lamang minahal ni Zionne at tinanggap ito ng buong-buo kahit sa simula ay magkaiba na ang kanilang personalidad. Naging masaya naman ang dalawa sa kanilang relasyon ngunit di kalaunan ay si Claudette na mismo ang nang-iwan sa nobyo nito. Hindi naman yun aakalain ni Zionne na sa paglipas ng panahon ay hindi na niya mhagilap ang nobya, Parehong walang trabaho ang magkasintahan Chanel at Santi ng araw na yun dahil weekend, kaya may panahon silang magkasama. Minabuti ng dalagang imbitahin ang binata sa kanilang Mansiyon at nais niyang ipagluto ito. Unang beses niyang gawin iyon para sa kanyang nobyo. Masaya naman si Santi sa biglang pag-imbita ni Chanel sa kanya. Ilang araw din silang abala sa trabaho at ngayon nabakanta sila ay wala silang pwedeng gawin kundi sulitin ang oras na magkasama silang magnobyo. Bandang alas-siyete ang kanilang usapan. Alas-singko pa lang ay naghahanda na si Chanel sa kanyang lutuin. Mga paboritong pagkain ng nobyo ang kanyang balak na lutuin. Mahilig magluto ang dalaga. Iyon ang isa sa itinuro ng kanyang yaya na lagi nitong kasama nang lumalaki ito. Samantala naghahanda na rin si Santi upang hindi siya ma-late sa kanilang usapan. Ayaw niyang paghintayin ang kanyang nobya at alam niyang meron siyang dapat na sabihin dito. Isang napaka-importanteng bagay at ngayon pa lang ay kinakabahan na siya at hindi malaman kung ano ang magiging reaksyon ni Chanel kung malaman na nito ang tungkol sa kanyang pag-alis sa mga susunod na buwan. Isang araw din ang lumipas nung huli silang magkita't magkasama. Kailangan na rin ni Santi na sabihin kay Chanel ang pagpunta nito sa Australia. Wala siyang balak na patagalin sapagkat mabilis dumaan ang mga araw at gusto niyang ipaalam agad sa nobya. Ilang sandali ang lumipas nang matapos na ni Chanel ang mga niluto nito. Oras na din upang magpahinga at mag-ayos upang sa pagdating ni Santi ay handa na ang lahat. Mabilis lang naman siyang mag-ayos ng makapag pahinga din siya kahit paano. Marami-rami din ang kanyang niluto at kasama na ang favourite dessert ni Santi. Dalawang araw na ang nakalipas nung naaksidente at naospital si Claudette. Nais na nitong umuwi at sa bahay niya na lang ito magpahinga at magpagaling.. Nakasalalay naman ang kanyang nobyo at ni saglit hindi ito pinapabayaan. "I'm sorry Hon, Hindi ako nag-ingat at pinag-alala kita. I promise to be a good girl para naman 'di tayo laging nagtatalo." wika ni Claudette nang makarating na sila sa bahay ng dalaga. "Thanks God! Ligtas ka na.. And I'm sorry too for what I did to you. Iniwan kita at hindi man lang tayo nakapag-usap ng maayos." aniya rito sabay yakap at halik sa nobya. “It’s okay. Kasalanan ko rin naman at tinupak na naman ako.” “That’s why next time maging careful ka na at please huwag ka ng masungit at hindi na dapat maulit ito. Aayusin mo na ang sarili mo at makikinig ka na sa paliwanag at hindi iyong agad magagalit ka,’ aniyang inalalayang mahiga ito sa kama. “Okay po. Masusunod. Sorry talaga sa nagawa ko na dahilan muntik na akong mamatay,’ aniyang kitang-kita ang pagsisisi. Hinayaan na muna ni Zionne na makapag pahinga si Claudette at saglit na lumabas sa kwarto ng yun. Paglabas noys ay nadatnan niya ang kaibigan ni Claudette ng kararating lang. Umuwi lang ito saglit at ang usapan ay susunod lamang ito sa bahay ng kaibigan. “Hey, Zionne. Where’s Claudette?” tanong ni Alyssa ng makita ang binata. Agad naman lumapit ito sa kanya. “Nasa kwarto, Nagpapahinga.” “Oh, I see. Samahan mo na lang ako sa kusina at tulungan mo ako to prepare lunch. Hayaan mo muna yun at sa paggising niya handa na ang lunch natin,” aya nito sa kanya. “Mabuti pa nga,” sambit ni Zionne, Dumeretso na nga ang dalawa sa kusina upang makapaghanda ang mga ito ng pananghalian para sa kanila. Sasamahan din muna nila si Claudette habang ito ay nagpapagaling. Exactly Seven o'clock dumating si Santi. Sinalubong ito ng nobya nang kumatok ito sa pinto at pinagbuhatan. Hindi maiwasang nabighani si Santi sa maganda at simpleng si Chanel. "You're so wonderful tonight My dear Chanel." nakangiting puri sabay yakap at halik sa labi nito. May dala din itong pulang rosas para sa kanyang mahal na nobya. “Thank you,” nakangiting sambit ni Chanel habang nakakapit kay Santi. Agad nilang tinungo ang dining area na naka-set para sa naturang Dinner. With a romantic background music at masasarap na pagkain. Mababakas ang kakaibang ngiti na puno ng pagmamahal. Masaya nilang pinagsaluhan ang inihanda ng dalaga bago sila lumipat sa bandang hardin ng Mansyon. "Babe, I have something to tell you." paunang saad ni Santi kay Chanel. "Yes, Babe, What is it?" tanong nito ng nakaupo na sa isang bakanteng upuan na naroon. "Ipapadala ako sa Australia as representative at sa susunod na buwan na ang alis ko ." malungkot nitong wika. Napatingin ang dalaga sa kanya. "That's good to hear Babe. Di ba pangarap mo iyan. I'm happy for you,." nakangiting sambit ni Chanel. "Siguradong ayos lang sa'yo na aalis ako? I mean magkalayo tayo at hindi na muna tayo magkasama," tanong pa nito. "Oo naman! Pangarap mo iyan, ayoko ding pigilan ka sa pag-abot ng mga pangarap mo. Isa pa kahit hindi tayo magkasama ay pwede naman tayo na mag-usap araw-araw." "Salamat babe, para naman sa atin ito eh. Hayaan mo tatawag ako palagi." “Alam ko naman yun. Naintindihan ko naman na kailangan mo ito at ito na ang maging simula sa pag-abot mo ng iyong pangarap,’ saad ni Chanel habang nakayakap na ito sa kanyang nobyo. “Thank you so much,babe. I love you so much,” aniyang nakangiti at hinagkan ang dalaga. “I love you, too, babe.” Naging maayos ang pag-uusap ng magnobyo. Napanatag na rin si Santi at sa pag-alis nito. Masasayang alaala ang babaunin niya kasama ang pagmamahal ni Chanel sa kanya. Dahil sa naintindihan ni Chanel ang lahat ay maging madali lang sa binata ang pag-alis niya Simula nung naaksidente si Claudette ay unti-unti na rin itong nagbabago sa pakikitungo sa nobyo na ikinatuwa naman ni Zionne. Samantala binibilang na ni Chanel ang nalalabing mga araw na magkasama sila ng nobyo. Isang linggo na lamang ay aalis na ang binata. Ihahatid ni Chanel ang nobyo sa Airport.. Habang naghahanda naman si Claudette ng kanyang mga gamit. Nagtataka naman si Alyssa sa ginagawa ng kaibigan nang pumasyal ito sa bahay "Claudette, Anong ibig sabihin nito? Aalis ka ba? Kasama mo ba si Zionne?" sunud-sunod na tanong ni Alyssa sa kanya. " “Oo, aalis ako sa makalawa, hindi ko siya kasama." "WHAT?! Saan ka naman pupunta?" "Basta! Huwag mo ng alamin, pakisabi na lang sa kanya. Wala din akong balak na makipagkita't makausap man lang siya." sad niya habang tinatapos ang pag-impake ng gamit. "Wait? Buo na ba ang desisyon mo? Sino ang kasama mo? Aalis ka bang mag-isa?” muli niyang tanong dito. "Oo. Don't mention anything to him.I just want to be alone without him in my life,” diin niyang turan na ikinabigla ng kanyang kaibigan "Okay.. Okay... If that's what you want, wala na akong magagawa pa. I know you so well, Claudette. Matigas pa rin ang ulo mo and I don't want to argue with you anymore." “That’s good!” Hindi malamang dahilan ay aalis si Claudette at iiwang walang kaalam-alam ang nobyo nito. Wala na rin magawa ang kaibigan nitong si Alyssa tungkol sa desisyon nito.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD