Chapter 2: Brittany Harries

1587 Words
Brittany Harries' POV Nandito na ako, nakatapak sa lupa ng isang eksklusibong unibersidad. I'm excited dahil kailan lang ay pinapangarap ko lang na makapasok dito pero ngayon... ngayon ay nandito na ako. Aasikasuhjin ko na ang scholar ko at sa susunod na pasukan, lagi ko nang matatapakan ang lupa na ito. Mama, Papa, ito na 'yun. Yung pangarap na'tin na makapasok ako dito. Ito na! Nagsimula na akong maglakad sa mahabang kalsada na nalililiman ng mga nakahilerang puno sa tabi nito. Oo, nasa loob na ako ng facility ng school at sa sobrang yaman ng school na ito, may sarili silang cart. Libre lang sumakay dito at dadalhin ka na ng driver sa kung saan mo gustong pumunta. May lumapit nga sa akin na isang cart pero ang sabi ko ay maglalakad na lang ako. Gusto ko kasing ma-explore ang lugar. Ang astig nga dahil kahit na bakasyon, may ibang mga estudyante pa rin ang nakatambay sa napakalawak na oval. Yung iba ay nagbabasa ng libro at ang iba naman ay nakatambay lang kasama ang mga kaibigan nila. This is amazing. Sa paglalakad ko, natagpuan kong may mga shop din sa loob ng pasilidad. Hindi lang mga ordinaryong shop ang naririto sa loob. May mga gadgets at mga mamahaling brand din ng damit. Sa tala ng buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng paaralan na ganito. "Kaya naman pala mahal." napasabi na lang ako sa hangin. Sa kabilang bahagi naman kung nasaan ang mga shop, may napakagandang playground. Actually, hindi ko alam kung playground ba ang tawag kapag mga swings lang ang nanduon. May napakalaking court din na pang football at sa kabilang banda ay may full court ng basketball. Grabe! Hindi ko maipaliwanag ang saya na bumabalot sa katawan ko. Para bang gustong tumalon ng kaluluwa ko sa saya pero pinipigilan lang ng katawang lupa ko. Pero ang hindi ko na kayang pigilan ay ang ngiti na abot hanggang tainga ko na. Ang saya-saya ko at ramdam ko na, na these coming years would be the best years of my students' life. Mula sa loob ng opisina, may lumabas na isang babae. Naka-uniporme ito ng pang facility at nakatali ang buhok sa likod, "Ms. Brittany Reyes?" sabi nito at tumayo naman ako. Ako lang ang tao sa loob ng pasilidad kaya hindi na ako nagsalita. "This way." dugtong pa nito ng makita nya ako at nanginginig pa ang tuhod ko ng sundan ko sya sa loob ng isang opisina. Grabe ang opisina dito. Ang laki at ang daming libro at mga papeles sa loob. Hindi ko inaasahan na ganito ang makikita ko dahil sa pinanggalingan kong school, sapat lang ang laki ng mga opisina nila. Nang tuluyan na akong makapasok Sa loob ay may isang lalaki na naka-upo sa likod ng malaking lamesa. Sa harap nito ay may dalawang upuan na kung titignan sa malayuan, simple lang na itim na upuan. "Please, take a seat." sabi ng lalaki at duon ko napansin na nakabalot pala ang mga ito ng velvet na tela kaya ang lambot sa pakiramdam Nang makaupo ako, duon lang nagpatuloy ang lalaki. "Congratulations, Brittany, for officially becoming one of our scholars." Seryoso ang mukha niya pero may konting ngiti sa mga labi. "You’ve been selected based on your outstanding academic record and potential. We're excited to see what you will achieve here." Nginitian ko sya sabay tingin sa plate name na nakapatong sa lamesa. Scholar Coordinator. Nakasulat sa baba at sa taas nito ay ang pangalan ng lalaki, Mr. Raze Matias. "Salamat po Mr. Matias." sabi ko, "Now, before we proceed, there are a few things we need to finalize. First, you'll need to maintain a certain GPA to keep your scholarship. Second, there are some documents you need to submit by next week, including your medical clearance and final transcript." Tumango ako nang mabilis, kahit ramdam kong medyo nanginginig pa rin ako sa kaba. "Opo, maaasahan nyo po." ayan na lang ang naisagot ko dahil hindi ko naman problema ang grades ko dahil bata pa lang ako, kahit saang school pa man yan, lagi ako ang nangunguna pagdating sa pataasan ng grades. Tumango ang lalaki "Good. Also, we have an orientation for new scholars and students next Tuesday at 7:30am. We’ll discuss all the rules and benefits. Huwag kang mawawala duon, okay?" "Opo. Makaka-attend po ako." paninigurado ko. Marami pa kaming napag-usapan at kinumpirma bago ako tuluyang nakalabas ng opisina. So far so good at ang sabi naman sa akin ni Sir ay proceeded na ang scholarship ko, meaning, sure na estudyante na ako ng Kingsfield University. "AAAAAAHHHHHH!" sigaw ko sa ilalim ng unan habang nakahiga na sa kama ko. Hindi ko na napigilan pa ang saya na nararamdaman ko. "HINDI NYO PWEDENG GAWIN 'TO SA AMIN." mabilis pa sa alas kwatro akong tumayo ng narinig ko ang galit na sigaw ni papa. Paglabas ko ng kwarto, agad kong nakita si papa sa pinto. "Pasensya na po, trabaho lang." sabi pa ng lalaki sa labas, Si papa naman na galit na ay sumagot din, "WALA AKONG PAKE SA TRABAHO NYO, HINDI NYO KAMI PWEDENG PUTULAN NG KURYENTE." putulan ng kuryente? Sabi sa akin ni papa nung nakaraang linggo ay hindi na nya daw kailangan ng pera dahil sapat naman daw ang pera na nasa kanya para sa pambayad ng mga kailangan sa bahay. Hindi kaya, hindi ko lang naintindihan ang sinabi nya sa akin nun dahil pagalit nya sa akin yun sinabi? I might have misunderstood. Agad akong lumapit sa pinto at mahinahong sinarado muna ang pinto. Hindi ko na nga nagawang mag excuse sa dalawang lalaking nasa pinto dahil alam ko na kapag nagsalita ako ay masisigawan din ako ni papa. Baka mapahiya nanaman ako sa harap ng ibang tao. Hinawakan ko ang magkabnilang handle ng wheelchair ni papa at habang nilalayo ko sya sa pinto, naririnig ko pa rin ang galit nya, "Anong ginagawa mo? Bakit ka nangingielam? Sinabi ko bang mangielam ka?" hindi na sya sumisigaw pero rinig pa rin sa boses nya ang galit. "Ako na po ang bahalang kumausap sa kanila." mahinahon kong sabi kay papa at ipinasok ko muna sya sa kwarto nya. Pagkalabas ko ng kwarto, napabuntong hininga ako bago ako dumiretso sa pinto kung saan pagbukas ko ay wala na sa harap ang mga lalaki, bagkus ay nanduon na sila sa metro ng kuryente. Nanlaki ang mga mata ko kaya mabilis akong lumabas kahit na wala akong suot na sapin sa paa. "Saglit lang po mga kuya!" sabi ko kaya napatingin silang pareho sa akin, "Naku ineng. Pasensya na at kailangan talaga naming gawin 'to." asabi ng isang lalaki. Nakatayo na ako sa harap nila. Kailangan kong mag-isip ng maaari kong gawin. "Magkano po ba ang babayaran namin?" tanong ko. Sigurado naman akong kaya kong bayaran yun gamit ang naipon kong pera sa pagsa-side line ko sa coffee shop. "Hindi ko alam ineng e." sabi ng lalaki at napansin kong ang isa nyang kasama ay handa ng putulin ang linya ng kuryente namin. "Saglit lang kuya." pagpigil ko sa lalaki. Babayaran ko rin po ngayon din." sabi ko sa kaniya kaya napatayo ang lalaking magpuputol na sana ng kuryente namin. "Sige ineng. Lalagyan ko muna 'to ng tag para makita nila na binisita namin ang metro nyo pero kapag hindi nyo pa yan nabayaran sa loob ng bente kwatro oras, kailangan na talaga namin kayong putulan." at kagaya nga ng sinabi nila, nilagyan na lang nila ng tag ang metro namin at tumalikod na sila. "Maraming salamat po mga kuya." sabi ko at tumalikod na din ako para pumasok ng bahay. Pagkapasok ko sa bahay, napasandal ako sa pinto at humugot ng isang malalim na buntong-hininga. Before I knew it, my hand had found its way to the necklace around my neck, seeking a moment of relief. Naglakad ako patungo sa kusina, then on where the fridge is located. Duon kasi nakalagay ang mga bills namin. Limang libong mahigit pala ang babayaran namin. Buti na lang at may pera akong naiipon. Bumalik na ako sa kwarto ko at dinala na rin ang bill ng kuryente namin. Hindi ko na 'to maaaring bayaran online dahil due date na kaya akailangan ko ng pumunta mismo sa bayan para mabayaran 'to. Kumuha lang ako ng sapat na pera pang bayad ng kuryente, pamasahe at pambili na rin ng kaunting grocery. Gusto ko sanang magpa-alam pa kay papa na pupunta lang ako saglit sa bayan pero baka mainit pa ang ulo nya kaya naisipan kong huwag na lang. Mabili s lang naman ako at babalik din agad. Pagdating ko sa bayan, nakabunggo ko ang isang pamilyar na sa akin. It's Ethan Montgomery. "Sorry! Sorry!" sabi ko sa kaniya pero hindi manlang nya ako tinignan. The usual him. Kilala ko sya pero sigurado akong hindi nya ako kilala. Nalaman ko lang kasi ang pangalan nya dahil sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ko. Cashier kasi ako dun at may time na ako din ang nagse-serve ng order sa customers. Parte kasi ng trabaho ko yun. Si Ethan naman, sa tuwing nasa shift, lagi ko syang nakikita duon tuwing umaga. Pero never kaming nag-usap. Naririnig ko lang din ang boses nya kapag umo-order sya sa akin ng Black Americano and peanut butter cookies. Pagkatapos nyang makuha ang order nya, babalik na ulit sya sa upuan at magbabasa na ng libro nya. Mukha nga sya laging seryoso e. Sa tuwing nakikita ko nga sya, naiisip ko na malamang sa malamang ay suplado yung lalaking yun. Tapos ngayon ko na napatunayan. Suplado nga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD