Chapter 1: Graduation Speech
Third Person's POV
"Umalis ka na sa harapan ko." bulyaw ng ama ni Brittany sa kanya.
"Sige po, Pa. Una na po ako." at tinalikuran na nya ang kaniyang ama. Isa na lamang itong pangkaraniwang araw para sa kanya. Matagal na siyang nasanay sa malamig na pakikitungo ng ama, magta-tatlong taon na rin kasi simula ng magbago ang trato sa kaniya nito. Pero kahit na ganoon, ginagawa pa rin nya ang lahat para alagaan ito. Sya din naman kasi ang dahilan kung bakit nasa wheelchair ang ama nya. Well, at least that's what she tells herself.
"Para po." sabi ni Brittany sa jeepney driver kaya inihinto naman nito ang jeep
"Congrats iha." sabi pa nga ng isang pasahero bago sya bumaba ng jeep.
Nilingon nya ang nagsabi at napangiti. "Salamat po." Dahil sa encounter nya na iyun, gumaan-gaan ang pakiramdam nya. Naglakad na sya papasok sa event place ng graduation nya. Agad nyang napansin ang pagkakaiba nya sa mga estudyanteng nakapaligid sa kaniya—may mga magulang na kasama samantalang sya ay mag-isa lang.
Bigla nyang na-miss ang mama nya. Siguro, kung hindi nangyari ang aksidente, masaya nilang sineselebra ang araw na ito. Malamang ay kumpleto sila at hindi na nya kailangan pang mainggit sa mga estudyanteng nakapaligid sa kaniya ngayon.
Bumuntong hininga sya at mas inisip na maging masaya na lamang sa araw na ito. Hindi madali pero kakayanin, "Excuse me, excuse me." sabi ni Brittany sa ibang estudyante na nakaharang sa dadaanan nya, "Hey!" sabi ng isang babaeng estudyante rin.
"Hiii!" kinawayan at nakangiti namang lumapit si Brittany sa babae. "Hello po tita," nagbigay galang ito sa pamamagitan ng pagmamano, "Hello po tito." at ganoon din sa ama ng kaniyang kaklase.
Matapos iyun ay humarap si Brittany sa kaklase nya at masaya ang dalawang nagyakapan habang napapatalon. "Congrats sa'tin." sabi ni Brittany,
"Mas Congrats sa'yo noh!" binitiwan nila ang isa't-isa sa pagkakayakap, "Valedictorian ka tapos nakapasa ka pa sa scholarship ng Kingsfield University." masaya at halata sa boses na proud si Emma sa kaibigan nya. Ayun lang, medyo nalungkot ito ng mapansin nya na wala itong kasama sa mahalagang araw na iyun. She's alone and she could see the pain in Brittany's eyes.
"Maliit na bagay." pagbibirong sinabi ni Brittany, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi nito.
Muling niyakap ni Emma ang kaibigan at tinapik-tapik ang likod, "Kahit hindi na tayo parehas ng papasukan sa pagtungtong natin ng senior high, lagi mong tatandaan na mag bestfriend tayo at kapag kailangan mo ng kasama, tawagan mo lang ako." bumitaw sa pagkakayakap si Emma at tinignan sa mata si Brittany, "pangako ko sayo na kahit anong ginagawa ko, bibitiwan ko 'yun para lang puntahan ka." pagpapatuloy nya at duon ay naramdaman na ni Brittany ang pinanggagalingan ng kaibigan.
Napangiti si Brittany, pilit na pinipigil ang lungkot na nararamdaman, pati na rin ang mga luhang nagbabadyang tumakas sa mga mata nya.
"Thank you, Emma. The best ka talaga." sabi ni Brittany sabay yakap muli sa kaibigan. Pero naputol iyun ng marinig nila ang announcement na nanggaling sa prinsipal ng school. "Magandang araw po! Nais naming ipaalam sa inyo na magsisimula na ang ating Graduation Ceremony sa loob ng ilang sandali. Mangyaring ihanda na ang inyong mga sarili at siguraduhing nasa tamang upuan ayon sa itinakdang seating arrangement. Inaanyayahan din po ang lahat na panatilihin ang katahimikan sa ating venue upang masiguro ang maayos na daloy ng programa. Iwasan po muna natin ang paglabas-masok sa lugar habang isinasagawa ang seremonya. Maraming salamat, at muli, congratulations sa ating mga magsisipagtapos!"
Nagpaalam na ang dalawang magkaibigan at magkahiwalay na tinungo ang nakatakdang upuan para sa kanila.
Ang mga magulang ay sa kanang bahagi ng venue at ang mga estudyante namang magsisipag-tapos ay nasa kaliwang bahagi ng venue.
Sa gitna ay may bakanteng daanan kung saan lalakad ang mga estudyante at mga magulang papunta sa malawak na stage.
Nang nakaayos na ang lahat, nagsimula na ang seremonya. Mga ilang minuto din ang nakaing oras ng mga speech ng kinauukulan bago nagsimula ang pagtawag sa mga pangalan ng graduating student. Isa, dalawa, tatlong oras at sa wakas, section na nila Brittany ang sasalang sa stage.
Kagaya ng na-practice nila sa school, tumayo na sila at pumila sa dulong bahagi ng venue. Si Brittany ay naiwang mag-isa sa linya nila. Valedictorian sya kaya binalaan sya na sa huling bahagi ng ceremony sya aakyat ng stage.
"Emma Gonzales." tawag na nagmula sa adviser nila. Kasabay ng paglalakad ni Emma kasama ang kaniyang mga magulang, isa-isa namang binabanggit ng guro nila ang mga nakamit nitong tagumpay sa paaralan, mula sa mga best in's nya pati na rin ang honor rolls niya.
Sunod-sunod ng tinawag ang iba pang estudyante at makaraan ang halos dalawang oras na pag-aantay, nilapitan na si Brittany ng kaniyang guro upang gabayan kung saan ito pupunta.
Sa isang gilid ng venue, pinagsama-sama ang mga nakatanggap ng higher achievements kagaya ng Class Rankings, Salutatorian at syempre, hindi mawawala ang Valedictorian na si Brittany.
Isa-isa na ding pina-akyat ang mga kasama ni Brittany at nung sya na ang tinawag. Kabado syang umakyat ng stage. Kinamayan sya ng mga kasapi ng school at ibinigay sa kaniya ang mga medalya. The teachers and the principal knows not to ask about her parents dahil ayaw nilang may maungkat pa na makakasira ng araw ng kanilang estudyante.
Isa-isa nilang binati si Brittany sa tagumpay na nakamit nito at marami din ang nagpalakpakan—hindi lang guro at mga estudyante, pati na rin ang ibang mga magulang.
Napangiti naman si Brittany pero sa loob-loob nya, wala pa ring makakatalo sa saya nya kung nanduon ang magulang nya at kasamang umakyat ng stage.
Habang papalapit sya sa podium, hindi na nya mapigilan ang nginig ng mga tuhod nya.
Nang huminto ang mga palakpakan ng mga tao at ang loob ng venue ay unti-unting tumahimik, duon ay nabigyan sya ng pagkakataon na ibahagi sa lahat ang speech nya. "Isang Mapagpalang Araw po sa ating lahat." paunang bati nya sa lahat ng nasa loob ng venue, "Sa araw na ito, isang napakalaking karangalan po para sa akin na makatayo sa harap ninyo bilang isang Valedictorian. Ngunit ang araw na ito ay hindi lang tungkol sa akin—ito ay tungkol sa lahat ng taong tumulong sa akin upang marating ko ang puntong ito.
Una, nais kong magpasalamat sa aking mga guro. Hindi lamang kayo nagturo ng mga aralin mula sa libro, kundi itinuro n'yo rin sa amin kung paano maging matatag sa harap ng mga pagsubok. Hindi ko mararating ang yugtong ito ng aking buhay kung hindi dahil sa inyong walang sawang gabay at pagtuturo. Maraming salamat po sa inyong lahat.
Sa aking mga kaibigan, salamat sa inyong suporta, hindi lamang sa mga masasayang sandali kundi lalo na sa mga panahong pakiramdam ko ay hindi ko na kaya. Ang inyong presensya at pagmamahal ay nagbigay sa akin ng lakas upang magpatuloy. Kayo ang naging sandigan ko, lalo na sa mga oras na parang wala na akong makakapitan.
At sa mga magulang ko..." napahinto si Brittany dahil nakaramdam sya ng kirot sa puso at ang mga luhang gusto nyang bitawan kanina pa ay tila gusto ng kumawala,
Sa mga magulang ko, sa aking Inay. Ma, hindi ko alam kung naririnig mo ako ngayon, pero sana, sana kasama kita sa sandaling ito. Lahat ng ito ay para sa iyo. Naaalala ko pa kung paano mo akong tinuruan ng mga simpleng bagay—kung paano mo ako pinalakas sa bawat hakbang na kailangan kong tahakin. Ma, alam ko, kahit hindi mo na ako masaksihan sa tagumpay na ito, lahat ng pagmamahal at sakripisyo mo ang dahilan kung bakit ako narito ngayon. Ipinapangako ko na lahat ng ito ay hindi masasayang. Namimiss na kita nang sobra. Sana nandito ka... kasama ko ngayon.
Sa aking Ama, alam kong malaki ang galit mo sa akin. Hindi naging madali ang relasyon natin, at maraming bagay tayong hindi napagkakasunduan. Pero gusto kong malaman mo na kahit ganoon, hindi ko makakalimutan lahat ng sakripisyo mo para sa akin." hindi na napigilan pang tumulo ang mga luha ni Brittany sa kaniyang magkabilang pisngi pero hindi na nya ito pinansin at ang kaniyang mata ay patuloy na naka tuon sa papel na kaniyang binabasa.
"Ikaw ang nagbigay ng lahat para matupad ko ang mga pangarap ko, at sa kabila ng lahat, malaki pa rin ang pasasalamat ko sa'yo. Alam kong may mga sugat tayong hindi agad magagamot, pero umaasa akong balang araw, mapapatawad mo ako at makikita mo ang lahat ng ito bilang patunay ng lahat ng hirap at pagtitiis natin.
Wala ka man ngayon dito sa tabi ko, hindi mo man sabihin sa akin pero alam kong proud na proud ka sa akin. Maraming salamat, Papa.
Hindi naging madali ang daan patungo rito. Maraming gabing gusto ko nang sumuko. Maraming pangarap na muntikan nang bumagsak. Pero dahil sa inyong lahat—sa pagmamahal, sa suporta, sa sakripisyo—narito ako ngayon. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang akin, kundi para sa ating lahat.
Mula sa kaibuturan ng aking puso, maraming, maraming salamat sa inyong lahat. Para sa inyo ang tagumpay na ito." matapos ang madamdaming speech ni Brittany, pinunasan nya ang mga luhang bumagsak sa pisngi nya bago tuluyang talikuran ang stage at bumalik sa kaniyang upuan.