Chapter 9-Mabuhay ka, taong bato.

1029 Words
Aila could not help but laughed at his horrible reactions. Alam niya kasing wala namang magagawa ang paghuhurumentado nito. Sa isang salita lang niya’y susunod agad ito sa kanya. “Halika na, samahan mo ako sa pinuno ninyo.” Sabi niya na tinalikuran ito at nagsimulang maglakad patungo sa tarangkahan ng malapalasyong establisyemento. “Hindi. Ayoko! Mag-isa kang pumasok diyan.” Nilingon niya ang nagwawalang lalaki. Panay ang pag-angil nito sa kanya pero naglalakad naman ito papunta sa mataas na gate. Katulad iyon ng dambuhalang gate sa isang fairytale story. Mataas, malaki at mukhang napakatibay. Katulad png mga nakikita niya sa history ng European countries. “Mauna ka na nga. Ang ingay-ingay mo.” Aniya. “Makikita mo, gagantihan kitang mangkukulam ka.” “Bakit kasi hindi ka nalang sumunod sa mga utos ko? Nag-aaksaya ka lang ng lakas sa ginagawa mo ganyan na alam naman natin pareho na walang magagawa ang pag-aaklas mo laban sa akin.” Mukhang natauhan naman ito. Kumalma ito mula sa pagwawala. Pero nananatiling nagbabaga ang mga paninging ibinabato sa kanya. Nginitian naman niya ito ng ubod-tamis habang pinapalis ang ilang hibla ng buhok na nililipad ng hangin. Gusto niya lang asarin ito sa ginagawa niyang pagngiti-ngiti sa sitwasyon nito. Pero hindi ang inaasahan niya ang nagaganap. Nakatunganga nalang ito sa kanya ngayon habang mataman siyang pinapanood, wala na ang galit at iritasyon sa mga mata nito. At hindi niya naiintindihan kung anu na naman ba ang nagawa niya para mawala ang hindi kaaya-ayang tanawin na lumalatag sa mga mata nito. NATIGILAN si Cairo habang minamasdan ang marahang paghawi ni Aila sa ilang hibla ng buhok na nililipad ng hangin patakip sa mukha nito. Parang bigla niyang ninais na makihawi na din sa iilang hibla naman ng buhok na iyon. Alam niya kung gaano kaganda si Kroen, at dahil magkamukha ang mga ito ay hindi na kataka-takang mahalina siya sa kagandahan ng kakarampot na mambabarang na ito. Paano nga ba niya magagawang magalit ng lubusan sa babaeng ito na wala ng ginawa kundi paglaruan ang pag-uutos sa kanya, kung ganito namang taglay nito ang mukha ng babaeng minamahal niya? “Mabuhay ka, taong-bato!” Pumitik sa harapan niya ang maliit na babae. Noon lang niya naunawaan na napakatagal na pala niyang nakatunganga lang sa babaeng ito. “Tara ng pumasok sa loob.” Sabi pa nito. Tumango nalang siya. Ano pa nga ba ang dapat niyang sabihin? Maski naman kumontra siya’y wala siyang magagawa, nasa ilalim siya ng mahika nito at hindi niya alam kung paano nito nagawa iyon. Malamang na kaninang nakapasan ito sa likod niya ay saka nito inilagay ang marka sa batok niya. Nais tuloy niyang magsisi na inialok pa niya ang pagkarga rito. Kung alam niya lang na iyon ang magiging mitsa ng kalayaan niya’y hindi na sana niya ginawa. Maaga yata siyang napaparusahan sa ginagawa niyang panlalamang sa babaeng ito. “Kung ganyan ka ba ng ganyan, magkakasundo tayo. Tama yan, sumunod ka lang sa akin.” Sabi pa nito. “Paano akong hindi susunod, nasa ilalim ako ng itim na kapangyarihan mo?” Patuyang saad naman niya. Bigla ang ginawang pagbaling sa kanya ng dalagang mambabarang. Napag-isip-isip niyang hindi nga talaga bagay na tawagin itong mambabarang dahil sa taglay nitong kagandahan. Pero ano bang malay niya kung nandadaya lang ito? Paano pala kung kinopya lang nito ang mukha ni Kroen para dayain siya? “Excuse me? Wala nga akong black powers. Normal na tao lang ako, at hindi ko naiintindihan kung ano itong nangyayari. Pero tutal, nagbe-benefit naman ako sa mga nagaganap, aba, hindi naman ako tanga para hindi pa sunggaban ang opportunity na maging alipin kita.” Sa lahat ng sinabi nito ay isa lang ang naiintindihan niya, gustong-gusto nito ang mga nagaganap. Salita na kasi ito ng salita ng mga lenggwaheng hindi naman niya maintindihan. “Halika na sa loob ng matapos na ito. At para naman makauwi ka na din kung saang lupalop man ng daigdig ka nakatira.” Kinatok niya ang tarangkahan at bumukas naman iyon. ‘At nang makawala na din ako sa pang-aalipin mo sa akin.’ Bigla ang naging pagkilos niya ng agad na pumasok si Aila sa tarangkahan at hablutin ito ng kawal para tutukan ng patalim. Hinagilap niya ang isang sibat at itinutok iyon sa kawal, saka hinablot si Aila para bawiin mula sa kawal. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit awtomatiko ang ginawa niyang pagprotekta sa babae. “Wala kaming gagawing masama. Hangad lang naming makausap si pinunong Ryeuki.” Saad niya sa kawal. “Kung ganoon, ibaba mo na ang iyong sandata.” Saka ito bumaling kay Aila. “Kasama ka ba ng babaeng nanggugulo rito, kanina pa?” Napabaling siya kay Aila. Naalala niyang sinabi nitong may kasama daw itong babaeng hindi nito kilala, hindi niya lang gaanong napagtuunan ng pansin ang tungkol roon dahil mas nagpokus siya sa pag-alam ng tungkol kay Aila. Posible kayang mambabarang din ang babaeng kasama nito? Ano nalang ang mangyayari sa bayan nila kung makokontrol sila ng mga mambabarang? UMARKO ang isang kilay ni Aila dahil sa tanong na iyon ng lalaking bakal─este kawal yata ang tawag sa mga ito. Ganoon kasi ang mga larawan sa internet ng mga sinaunang kawal. At ano na naman ba ang nangyayari? Kakaiba talaga ang mundong ito. Uso pa pala ang kawal sa lugar na ito? Parang wala naman sa Philippine history na may kawal at chateau noong unang panahon, mga h***d nga ang mga sinaunang Pilipino eh. Tapos ang mga bahay, gawa sa pawid. Sa Europe madaming chateau battlers at mga knights . Imposible din naman na nasa Europe siya dahil sinaunang tagalog ang salita ng mga tao dito. And wait! Hindi ba't ang sabi nila, may babaeng nanggugulo doon, kanina pa? Baka iyon ang babaeng kasama niya. Nagkahiwalay sila noong pumasok sila sa loob ng isang pinto. “Nasaan siya ngayon?” tanong niya sa lalaking bakal… err… kawal. “Nasa loob siya ng kastilyo at nililitis ng pinuno.” mahinahong saad ng kabalyero. Nginitian niya ito. “Maraming salamat, ginoo.” “Tawagin mo nalang akong tagapaglingkod, magandang binibini.” Yumukod pa ito bilang paggalang. Napapangiting bumaling siya kay Cairo saka ito kinindatan. Madali naman palang kausap ang tagapaglingkod na ito sa kastilyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD