“Maaari mo ba kaming samahan patungo sa inyong pinuno?” baling ni Aila sa kabalyero. Napansin niyang para bang nakakasanayan at natututunan na niya ang malalim na pananalita ng mga naroroon gayong sandali palang naman siya sa panahon ng mga ito.
“Hindi na kailangan.” Agad na putol ni Cairo sa mga sinasabi niya. “Alam ko kung saan siya pupuntahan, matagal akong nanilbihan sa loob ng palasyo.”
“Hmm. Okay.”
Hinayaan na sila ng kawal na makapasok sa loob.
“Salamat, ha?”
Nangunot ang noo ni Cairo nang bumaling sa kanya. “Saan?”
“Sa pagtatanggol mo sa akin sa kawal. Maski hindi kita inutusan, ginawa mo pa din. May kusa ka naman pala. Tama ‘yan.”
“Anong sinasabi mo? Hindi ba’t nasa ilalim ako ng kapangyarihang itim mo? Malay ko kung inutusan mo ako sa pamamagitan ng isip mo? Bigla lang din ang pagkilos ko kanina at hindi ko pasya ang ipagtanggol ka. Kung ako ang masusunod, mas gugustuhin kong mapugutan ka na ng ulo para makawala na ako sa sumpa mo.”
Nag-init ang ulo niya sa narinig. Napakasama naman pala ng ugali ng isang ito.
“Baka gusto mong ikaw ang─”
Nahinto siya sa pagsasalita. Nag-aalala siyang baka kapag sinabi niyang ito nalang ang mapugutan ng ulo ay mangyari nga iyon. Hindi naman niya hihilinging maaga itong mawala sa mundo. Kahit paano naman ay may puso siyang marunong maawa. She had to be careful with her words that concerns with this man.
Nakakaasar naman yata iyon, kalakip ng kakayahan niyang mapasunod ang lalaking ito ay kailangan niyang maging maingat sa pananalita. Paano ‘yan, balahura pa naman siyang manalita? Baka hindi niya mabantayan ang kanyang bibig.
“Ano?” narinig niyang udyok sa kanya ni Cairo
“Huwag mo akong piliting magsalita, baka mapahamak ka lang.” Banta niya rito.
“Malakas ako. Kahit anong kapahamakan ang ipataw mo sa akin, kayang-kaya kong lusutan.”
“Ang sabihin mo, mayabang ka lang.”
“Bakit hindi mo ako subukan?”
Hindi na niya ito pinansin dahil naagaw na ang kanyang atensyon ng makita ang napakalaki at napakataas na putting kastilyo. Katulad iyon ng mga European castles. Matataas, malalaki at mukhang napakatitibay. She wondered if she would find some Roman like statues and artifacts inside. Hindi pa siya nakakarating sa Rome or anywhere in Europe, pero dahil wide reader siya, alam niya kung anong uri ng mga disenyo mayroon ang mga European castles.
Katulad sa Greece castles ang mga poste ng entrance ng kastilyo. Very fine and artistic ang pagkakaukit ng mga disenyo. Kung isa siyang art enthusiast, baka nayakap niya ang mga poste at pader na sobrang gaganda naman nga ng mga nakaukit. Hindi niya masyadong maintindihan ang art na iyon, pero nagagandahan siya. Pakiramdam niya, para siyang nasa isang fairytale story. Everything surrounds her was like a fantasy dream. Mataaas ang mga cone like trees na nakapaligid sa buong landscape. Magaganda ang mga puno at halaman. May iba't-iba at kung anu-anong uri ng makukulay at bulaklak na naka-adorned sa paligid. Mukhang sa banda roon ay may napakalawak na garden.
Nasa isang kaharian nga yata siya!
“Dito.” Narinig niyang sabi ni Cairo.
Abala pa siya sa pagkamangha sa buong paligid at bigla namang sumingit ang masungit na boses ng lalaki.
Papasok na sila sa napakalaking dalawang magkatagop na pinto ng kastilyo. Bumukas iyon ng walang sabi-sabi. Akala ba niya walang modernisasyon sa panahong iyon? Bakit automatic yata ang pagkalaki-laking pintuang ito?
“Kailangan naming makausap ang pinuno.” saad ni Cairo sa kawal na may hawak sa gilid ng isang bahagi ng pinto.
Ah! Kaya naman pala. May tagapagbukas ng pintuan para sa mga dumarating. Ayos pala sa lugar na iyon, para talaga siyang nasa mundo ng fairytale. Excited tuloy siyang makita ang Ryeuki na iyon na pinuno ng mga ito.
And how she wished na hindi siya ma-disappoint. Sana talaga, gwapo ang pinuno. Single. And ready to mingle. Ayaw naman niya na habang nakatitig siya sa pinuno ay may bigla nalang hihila sa buhok niya.
“Sandali. Ipagbibigay alam muna sa kamahalan ang pagdating ng mga panauhin. Maghintay muna kayo rito.” Sabi ng kawal.
Ilang sandali pa nga at may lumapit sa kawal at may kung anong ibinulong. “Maari na daw kayong tumuloy.” Baling ng kawal sa kanila.
Wow ha? Instant! Daig pa ang may messenger app. Ang bilis naman nilang magpasa ng message. Malakas din siguro ang signal ng wifi dito.
Naglakad na si Cairo papasok. Sumunod naman siya rito habang nagpapalinga-linga sa paligid. Manghang-mangha siya sa mga nakikita. Katulad ng inaasahan, kakaiba at elegante ang disenyo ng kastilyong iyon. Sa labas palang ay maganda na, edi mas lalo na dito sa loob.
Katulad sa labas, may mga nagtatayugang mga konkretong haligi sa magkabilang gilid ng daraanan na mga tatlong dipa siguro ang agwat sa bawat isa. Magarbo din ang mga nakaukit na disenyo. Ang iba pa ay may nakapalamuting ginto at iba’t-ibang uri ng mga bato. Nasisigurado niyang totoo ang mga batong naroroon dahil malamang na hindi pa natutuklasan ng mga ito ang gumawa ng mga pekeng bato. Hindi pa nga yata uso ang plastic sa mga ito.
Naagaw ang atensyon niya sa isang haligi na katangi-tanging bato ang nakapalamuti. Patakbong nilapitan niya iyon para i-check. At tama siya, katulad na katulad ng mga batong iyon ang bato sa suot niyang bangle.
“Halika ka na. Ano pa bang tinitingnan mo riyan.” narinig niyang saway sa kanya ni Cairo.
“Lumapit ka rito, Akhi.” utos niya rito.
Umilaw ang mga bato sa bangle niya. Nilingon niya si Cairo na nagliliwanag ang batok habang naglalakad palapit sa kanya.
‘Bakit ba napakagwapo mo pa ding hinayupak ka maski na palaging magkasalubong ang mga kilay mo?
“Ano na naman ba iyan?” angil nito sa kanya. “Halika nang pumunta kay pinunong Ryeuki ng makaalis ka na dito sa mundo namin.”
“Bakit ba atat na atat kang makaalis na ako?”
“Di ba’t gusto mo ng umalis?”
“Oo nga…”
‘Pero kung kasing gwapo mo ang palaging makakasama ko, hindi nalang ako babalik sa panahon ko.’
Chaar lang!
Siyempre gusto na niyang umuwi. Alam niyang hindi siya pwedeng magtagal rito dahil hindi naman ito ang kanyang mundo. Hindi siya belong dito.