Chapter 6-Clever warrior

1043 Words
NAPAPIKIT nalang ng mariin si Aila, napakagahaman naman kasing talaga ng lalaking ito. “O sige, sayo na yan. Pero siguraduhin mong dadalhin mo ako sa taong sinasabi mo, ha?” Asar na saad niya. Wala naman siyang magagawa kundi sumang-ayon nalang. Walang gustong tumulong o makipag-usap man lang sa kanya, maliban sa lalaki. Kaya maski maubos ang gamit niya, walang problema. Basta ba tulungan siya nitong makauwi. “Sumunod ka sa akin.” Utos nito at nagsimula na silang maglakad. Mahaba-haba na din ang nalalakad nila ng maisipan niyang magtanong rito. Napakatahimik naman kasi nito at palagay niya’y mapapanisan na sila ng laway. Hindi pa naman siya sanay sa ganoon. “Wala bang sasakyan dito? Masakit na ang mga paa ko.” Reklamo niya. “Bihira ang mga taong may sasakyan sa lugar na ito. Kung gusto mo, sumakay ka sa likod ko, pero kailangan mo ulit akong bayadan ng kahit na anong bagay na mayroon ka.” Napakasuwapang talaga ng lalaking ito! Hindi ba ito maaaring gumawa ng isang bagay para sa isang tao nang di ito humihingi ng kapalit? Binuklat niya ang bag at naghanap ng gamit. Nakita niya ang mini laptop at iPad niya. Masyado yatang mahal kung isa sa dalawang iyon ang ibabayad niya para lang kargahin siya nito. Kung ballpen kaya? Masyado namang lugi ang lalaking ito kung iyon ang ibibigay niya. Pero kung sabagay, hindi naman nito malalaman kung ano lang ang halaga ng ballpen niya kaya iyon nalang ang ibabayad niya. “Akhi!” Hindi ito lumingon. “Hoy Akhi, ito na nga ang pamasahe ko, masakit na ang mga paa ko. Ilang milya pa ba ang lalakadin natin bago marating ang lugar na sinasabi mo?” hiyaw niya. Noon ito lumingon sa kanya. Ibinandera naman niya sa pagmumukha nito ang ballpen. Agad nitong tinanggap iyon. “Ano naman ito? Paano ito ginagamit?” “Ballpen ‘yan. Panulat.” Ipinakita niya kung paano iyon ginagamit. “Aba, maganda nga ito. Sige, sumakay ka na sa likod ko.” At tumingkayad na ito patalikod sa kanya. Napangisi siya. Madali naman pala itong mauto. Mas natuwa pa ito sa ballpen niya kaysa sa cellphone. Pangiti-ngiting sumampa siya sa likod nito saka ito tumayo para maglakad. ‘Hmmm. Ang bango naman ng buhok mo! Ano bang shampoo mo? I like the scent. Spice of sunshine mixed with fresh natural scent of yours!’ Mainit ang likod ni Cairo, at nagbibigay iyon ng kakaibang comfort sa kanya. Para ngang gusto niyang matulog habang karga nito. Inaantok na siya, pakiramdam niya’y pagod na pagod na siya, isa pa, oras naman na talaga ng pagtulog niya. “Akhi. Matutulog ako, ha? Gisingin mo ako kapag nandoon na tayo sa sinasabi mong taong pwedeng tumulong sa akin. Teka, sino nga ba ang tinutukoy mo?” “Pupunta tayo sa kastilyo ng Yama. Nandoon si pinunong Ryeuki, siya lang ang alam kong pwedeng tumulong sayo. Pero hindi pa din ako sigurado kong papapasukin tayo. Magbabakasakali lang─” “Teka, teka,” awat niya sa mga pinagsasasabi nito. Wala naman kasi siyang maintindihan. “Anong kastilyo ng Yama? At sinong Ryeuki?” Narinig niyang bumuntong-hininga ito. “Nandito ka sa teritoryo ng Yama. Yama ang tawag sa silangang bahagi ng pinakamalaking kapuluan ng arkipelagong ito.” Kung ganoon ay nasa silangang bahagi siya ng Luzon. Dahil ang pinakamalaking kapuluan ng bansa ay ang Luzon. “Si pinunong Ryeuki ang kataas-taasang pinuno ng Yama at iginagalang ng lahat. Siya ang nakakaalam ng lahat ng bagay dito. Sa kanya din sumasangguni ang lahat ng mamamayan na may kanya-kanyang suliranin. Hindi ko sigurado kung matutulungan ka niya dahil hindi ka naman mamamayan ng Yama. Pero magbabakasakali pa din tayo.” “Ah, kung ganoon, para pala siyang hari o Datu?” pagko-conclude niya. Namamangha pa din siya sa mga naririnig. “Hari? Oo, parang ganoon na nga. Pero hindi hari ang tawag namin sa kanya kundi pinuno. Sa ibang lugar ay narinig ko na ang salitang iyan. Noong minsang may mandayuhan sa teritoryong ito at binalak kaming sakupin.” “Hmm. Gwapo ba siya?” binalewala niya ang huling sinabi nito at mas pinag-ukulan ng pansin ang tungkol sa pinuno. Parang na-curious siyang makilala ang tinutukoy nitong pinuno. Nakapanood na ako ng ganito eh. Gwapo ang mga pinuno. Tapos, turns out na sila pala ang bida sa kwento. “Gwapo?” “Magandang lalaki.” paglilinaw niya. “Baka kasing papangit din siya ng mga lalaking nakita ko kanina.” “Kasing gandang lalaki ko ang pinuno namin.” Aba, may taglay din palang kayabangan ang isang ito ah. Sabagay, totoo naman iyon. Gwapo naman talaga ito. Huwag lang talaga magsasalita. “Hmm. Sige o-oo nalang ako, matutulog muna ako, ha? Ang sarap palang kumarga sa likod mo.” Napangiti siya. Buong buhay niya ay hindi pa niya naranasang mag-piggy backride. At isa iyong musmos na pangarap niya noon na kung kailan pa siya naging gurang ay saka pa natupad. “Sige lang, matulog ka. Gigisingin nalang kita kapag naroroon na tayo.” Humilig siya sa may balikat nito at saka pumikit. “Hindi ka ba nabibigatan sa akin?” “Ayos lang.” “Ayos lang, meaning mabigat ako.” Asar na sabi niya at pilit tinitingnan ang reaksyon ng lalaki. “Hindi ka mabigat.” “Sinungaling!” Napaingos si Aila. “Alam ko naman na mabigat ako. Sinasabi mo lang na hindi para hindi ako mainis sayo.” “Oo nga! Mabigat ka nga.” Pabuntong-hininga na sang-ayon ni Cairo. “Iiih!!!” Biuglang tili niya. “Nakakainis ka! Kailangan mo pa bang sabihin sa akin ‘yon? Tsaka nagbayad naman ako sayo ah?” “Dati ka bang sira-ulo?” Naaasar na singhal sa kanya ni Cairo. “Ano ba talaga ang gusto mong marinig ha?” Parang natauhan si Aila. Ang totoo, offended siyang marinig na mabigat siya. Pero ito naman ang nag-offer na kakargahin siya. “Gusto ko, ‘yong totoo.” Mahina at pabulong na pag-amin niya. “Sinabi ko na ang totoo. Ayoa lang, hindi mabigat at hindi rin magaan. Ang simple-simple, ginagawa mong mahirap.” He’s right. Ano ba naman nga kasing nangyayari sa kanya? Sala sa init, sala sa lamig. “Sige na. Matutulog na nga lang ako.” Humilig na ulit siya sa balikat nito. “Mabuti pa nga.” Hindi nalang niya pinatulan ang sinabi ni Cairo. Mas nag-e-enjoy na kasi siya sa pwesto niya ngayon. “Hmm.” Tuluyan na siyang nakatulog dala ng matinding pagod. Parang sa ilang oras na dumaan ay napakarami ng mga nangyari. At karamihan doon ay hindi niya naiintindihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD