Chapter 1

2172 Words
CHERRY'S POV Nagmamadali ako dahil kailangan ko ng makapunta sa bahay ni ate Caye. May kasal kasi siyang dadaluhan kaya ako ang mag-aalaga sa kambal. Sa sobra kong pagmamadali ay hindi namalayan na may parating na sasakyan. Napaupo na lang ako sa gulat at lakas ng busina niya. Pakiramdam ko ay tumalon ang puso ko sa gulat. "Ayyyy!" Napasigaw ako sa gulat. Hindi nagalit o bumaba ang driver pero bumusina ito ulit ng ubod ng lakas. Kaya mabilis akong tumayo at tumakbo papunta sa kabilang kalsada. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa kaba. Hanggang ngayon ay hawak hawak ko parin ang dibdib ko. Napaupo na lang ako dahil bigla na lang nanlambot ang tuhod ko. Tinanaw ko na lang habang papalayo ang kotse na muntikan na akong banggain. "Ang t*nga mo kasi Cherry. Paano kong nabangga. Kawawa ka na nga dahil ulila ka mamatay ka pang hindi man lang nakaranas na magkajowa." Bulalas ko sa sarili. Oo ulila na ako at sa edad ko na bente dos ay ako na lang mag-isa sa buhay. Nagtatrabaho ako sa palengke pero dahil sa kabaitan ni ate Caye ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makapagtrabaho na hawak ko ang oras ko. High school ako noong namatay ang mga magulang ko. Sabay silang kinuha sa akin. Naaksidente ang sinasakyan nilang bus at kasama sila sa mga nasawi. Pitong taon na ang nakaraan pero masakit parin dahil iniwan nila akong mag-isa. Pinunasan ko ang luha ko. Nang maalala ko na nagmamadali ako ay halos liparin ko makarating lang sa bahay nila ate. Pumapayag kasi si ate na sa bahay parin ako tumira. At pupunta lang ako kapag kailangan kong alagaan ang mga bata. Sobrang bait ni ate dahil nagsimula narin akong pumasok sa college. Late ako ngayon dahil nalate ako ng gising. Nang makarating ako sa bahay nila ate ay sinalubong ako ng dalawang cute na mga bata si Simon at Samuel. Sila ang mga alaga ko na ubod ng gwapo. "Nandito kana pala Cherry? Bakit pawis na pawis ka? Naku siguro nagmadali ka na naman. Sinabi ko naman sa 'yo na 'wag kang magmamadali." Bulalas sa akin ni tita Nene. "Hehehe, namiss ko lang po ang mga alaga ko tita." Sagot ko sa kanya. Pero alam ko na hindi ito naniniwala sa sagot ko sa kanya. "Ang bata na ito, sinabi na kasi na dito ka na tumira pero ayaw mo naman," sabi pa nito sa akin. "Pag-iisipan ko po tita," sagot ko sa kanya. Nahihirapan akong umalis sa bahay namin dahil nandoon ang lahat ng alaala ko kasama ang magulang ko. "Naku! Pasensiya kana Cherry. Hindi nakapagpigil itong bibig ko," sabi nito sa akin habang tinatampal niya ang bibig ko. "Okay lang po tita," saad ko sa kanya. Lagi kasi nilang sinasabi na nais nila akong kasama. Dahil baka raw nalulungkot ako. At totoo naman ang sinasabi nila. Buong araw akong nagbantay sa kambal at masaya naman ako dahil hindi sila mahirap bantayan. Gabi na dumating sila ate Caye kaya nagpaalam na ako. "Dito kana matulog dahil gabi na," sabi niya sa akin. " Ate sanay na po akong umuwi ng mag-isa sa gabi. Bye na po ate, salamat po." Nagpaalam na ako kaagad dahil alam ko na kukulitin lang niya ako. Kabisado ko na si ate kaya nakakagawa na ako ng paraan para hindi niya ako kulitin. Habang naglalakad ako ay madadaanan ko ang sikat na bar dito sa lugar namin. Kahit na malayo ay nilalakad ko. Mas gusto ko kasing maglakad kaysa sumakay ng jeep. Sumasakay lang ako kapag maulan o kapag sobrang init ng panahon. Habang papalapit ako ay natatanaw ko ang mga babaeng sexy ang suot na damit. Minsan napapaisip ako kong bakit kinakapos sa tela ang mga suot nila. Nalalaman mo rin na galing ito sa mayamang pamilya. Dahil ang bar na pinupuntahan nila ay hindi afford ng mga mahihirap na kagaya ko. Napatingin tuloy ako sa sarili ko. Hindi ko alam kong matatawag ba akong babae dahil ang baduy ng porma ko. Minsan napagkakamalan na akong tomboy dahil panlalaki ang mga isinusuot kong mga damit. Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na hinila ako ng isang lalaki papunta sa madilim na bahagi ng daan. "A-Ano pong ga-gagawin niyo? Kuya parang awa niyo na po," pakiusap ko sa kanya habang nakayuko ako. Hindi ito nagsasalita at nakahawak lang siya sa pulsuhan ko. Nalalanghap ko ang mabango niyang damit. Ang sarap sa ilong at parang gusto ko na lang siya amuyin magdamag. Nang mahimasmasan ako ay umakto ako ng normal kung anu-ano kasi ang pumapasok sa utak ko. Nang napatingin ako sa pwesto ko kanina ay doon ko nakita na may naghahampasan ng mga kahoy. Nag-aaway na naman ang mga tambay. Nahiya naman ako sa inasal ko kay kuya kaya yumuko na lang ako ulit. Hindi ko narin pinagkaabalahan na tignan ang mukha ng lalaking katabi ko. Binitawan niya ang kamay ko at iniwan akong mag-isa. Sinundan ko siya ng tingin at doon ko nakita na pulis siya dahil sumaludo sa kanya ang mga pulis na naghuli sa mga tambay na nag-aaway. Ako naman ay naglakad na pauwi. Hiyang hiya ako sa inasta ko pero hindi naman niya ako masisi dahil kasalanan naman niya. Bakit kasi hindi siya nagsasalita?! Nang makarating ako sa bahay ay agad akong sumampa sa kama ko. Ito 'yong kama na binili nila mama sa akin. Kahit na hindi kami mayaman ay ibinili nila ako ng mgandang higaan para daw laging masarap ang tulog ko. Napaiyak na naman ako. Ganito palagi tuwing gabi. Tuwing matutulog ako ay mukha nila ang lagi kong nakikita. Sa kahit saang sulok ng bahay namin ay may alaala na bumabalik. "Ito po ba ang gusto n'yo mama, papa? Ang sabi niyo masarap ang magiging tulog ko dito pero bakit ganito? Huhuhu!" Umiiyak ako habang kausap ko sila na kahit imposibleng sumagot sila akin ay palagi ko parin ginagawa. Hindi ko alam pero parang may kakaibang nanyayari sa akin. Biglang gumaan ang pakiramdam ko. Ar tumigil sa pag-agos ang luha ko. Bigla rin sumagi sa isipan ko si ate Caye. Pinunasan ko ang luha ko at umupo ako sa kama ko. "Siguro tama na, sapat na ang pitong taon na mag-isa ako at palaging nalulungkot. Kailangan ko na ng makakasama at siguro oras na para tumira ako kay ate Caye at iwan na itong bahay. Alam ko na maiintindihan niyo ako mama, papa. Gusto ko ng normal na buhay at higit sa lahat ang makaroon ng pamilya," ani ko sa sarili ko. Tumayo ako at lumapit sa kabinet ko. Kumuha ako ng mga damit at inilagay ko sa bag ko. Bukas na bukas din ay lilipat na ako sa bahay nila ate. Handa na akong harapin ang panibagong buhay kasama sila ate. Buong puso akong tinaggap ni ate Caye sa kanilang tahanan. Kahit ako hindi makapaniwala na may mga ganoong tao pa sa panahon ngayon. Sa ilang linggo na dumaan ay naging maayos ako sa piling nila. Naging masaya ako at nakakatulog na ako ng maayos tuwing gabi. Pumapasok sa University at pag-uwi ko ay nagbabantay ako ng mga bata. Hanggang sa tumagal na ako ng ilang linggo dito. Kailangan kong lumiban sa klase dahil isasama ako ni ate sa Maynila. Maayos na kasi si ate Caye at kuya Luke. Ang ama ng kambal. Ngayon ay alam ko na kung bakit ubod ng gwapo ang mga alaga ko dahil napakagwapo rin ni kuya plus maganda si ate. Hindi naging maganda ang pananatili namin sa bahay ng magulang ni kuya Luke kaya umuwi rin kami dito sa Iloilo. Malipas ang ilang linggo ay kinausap ako ni ate Caye. "Cherry, puwede ba kitang makausap?" Tanong niya sa akin. "Opo ate," sagot ko naman kay ate Caye. "Gusto ko itanong kung gusto mo sumama sa amin sa Maynila? Doon kasi ang trabaho ni Luke," tanong niya sa akin. "Opo ate, sasama po ako sa inyo." Masayang sabi ko. "Doon kana rin papasok,"pahayag niya sa akin. Ako naman ay mabilis na lumapit kay ate at niyakap ko siya. Sobrang swerte ko kay ate Caye dahil kasama ako lagi sa mga iniisip niya. Pagkatapos kong ayusin ang lahat ng kailangan ko ay lumipat na kami sa Maynila. Nagtransfer ako sa pinakamalapit na University. Ang sabi ni kuya Luke ay doon rin nagtuturo ang kaibigan niya. First day of school ko at naging masaya naman ako. Hindi ko aakalain na magkakaroon ako kaagad ng kaibigan. Habang palabas ako sa campus ay biglang nagkakagulo sa may bandang gate. Tumabi ako dahil hinahabol nang mga pulis ang isang magnanakaw. "Makikiraan po," sabi ko sa ibang estudyante. Nakakainis naman kasi sila. Nagkakagulo na pero kinikilig pa sila. "Ang igop nang pulis na 'yun. Sa tingin ko bata pa siya at pwede kami sa isa't-isa," rinig kong sabi ng isang babae. Sa inis ko ay itinulak ko ito ng bahagya. Nakakainis dahil ayaw akong padaanin. "Ouch! Hindi ka ba marunong mag-excuse?!" Galit na sabi niya sa akin. "Sorry po, kanina pa po ako nag-excuse pero bingi lang kayo." Saad ko sa kanya at medyo mataray ang tono ng boses ko. Hindi na ito sumagot pero tinarayan ako.(Tusukin ko kaya mata mong malaki) ani ko sa isipan. Naglakad ako papunta sa sakayan ng jeep kailangan ko pang tumawid. Habang tumatatawid ako ay bigla na lang may motorsiklo na mabilis ang takbo at sa akin papunta ang direksyon niya. Hindi ko alam ang gagawin ko at nakatayo pa rin ako. Bumalik lang ako sa katinuan ko nang bigla itong pumreno. "Puwede ba tumawid kana. Nakaharang kana d'yan at nakakaabala ka sa trabaho ko!" Galit na sabi niya sa akin. Hindi ko siya nilingon pero sa loob ko para akong sasabog sa inis ko sa kanya. Bumuga ako ng hangin at inayos ang sarili ko at naglakad na parang walang nanyari. Hindi ko binigyanng pansin ang mga mata na sa akin nakatingin.Habang nalalakad ako ay naikuyom ko ang kamao ko sa inis. Sakto rin na may dumaang jeep kaya sumakay ako kaagad. Kahit na nasa jeep ako ay naiinis pa rin ako. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil ayaw ko naman dalhin sa bahay ang inis ko. Bumaba na ako sa jeep at maglalakad ako papasok sa bahay nila ate Caye. Pero dumaan muna ako sa bilihan ng kwek-kwek. Habang naglalakad ako ay kumakain ako ng kwek-kwek. Medyo malayo layo rin kasi ang lalakarin ko. Habang naglalakad ako ay may dumaan na motorsiklo at sa napansin ko na kapareho niya 'yong kanina. Sinampal ko ang sarili ko dahil baka imagination ko lang ang lahat. "Tumigil kana baka kapareho lang 'yun. Sa dami ng may motor sa Pilipinas hindi lang siya ang puwedeng may gan'un na motor," saway ko sa sarili ko. Ang buong akala ko ay magiging okay ang araw ko dito sa Maynila pero nagkamali pa ako. Mas malala pa pala. "Ate nakauwi na po ako!" Sabi ko habang papasokk ako sa bahay. Sinalubong ako ng kambal gano'n rin si ate Caye. "Kumusta ang araw mo sa University?" Tanong sa akin ni ate. "Okay naman po ate," sagot ko sa kanya. "Magbihis kana at magluluto tayo ng meryenda. Narito rin kasi ang kaibigan ng kuya mo," aniya sa akin. "Sige po ate," sagot ko pagkatapos ay pumasok ako sa silid ko para magpalit ng damit. Mabilis lang naman ako at lumabas na ako kaagad. Dumiretso ako sa kusina para tulungan si ate. Nang matapos naming iluto ang meryenda ay si ate na ang naghatid nang pagkain kay kuya Luke. Ako naman ay nag-alaga sa kambal. Abala ako sa paglalaro at hindi ko na pinagkaabalahan na tignan kung sino ang kaibigan ni kuya na bisita niya. Alam ko naman na gwapo lahat ng kaibigan niya at lahat mayaman. Sumapit ang gabi at ginawa ko ang mga homeworks ko. Maaga rin ako natulog dahil bukas may pasok na naman ako. Lumipas ang mga linggo at buwan at naging kumportable na ako sa mga kaklase ko. Masaya silang kasama at mga naging kaibigan ko na rin sila. "Cherry sama ka mamaya?" Tanong sa akin ni Chemma. "Saan kayo pupunta?" Tanong ko rin sa kanya. "Sa bar gusto lang namin i-try pumunta doon," sagot naman ng isa kong kaklase. "Pass ako guys," sagot ko sa kanila. "Saglit lang tayo doon, promise." Pagkumbinse pa nila sa akin. Napaisip naman ako. Wala naman sigurong masama kung subukan ko pumunta. Uuwi na lang ako kaagad. "Sige basta saglit lang tayo doon ha," pagsisigurado ko sa kanila. "Oo saglit lang tayo doon." "Bumili na lang tayo ng cardigan sa may labasan para hindi mahalata na estudyante tayo," dagdag na sabi ni Kristel. Tahimik lang akong nakikinig sa mga naging usapan nila. Kung hindi ko lang sila kaibigan talagang hindi ako sasama. Natatakot ako dahil baka magalit sa akin si ate Caye. "Ngayon lang, ngayon lang ito at hindi ko na uulitin pa. Sisilip lang ako tapos aalis rin ako kaagad. Promise silip lang talaga," pilit kong kinukumbinse ang sarili ko. "Bahala na ang mahalaga makapunta ako sa bar na sinasabi nila kahit isang beses lang sa buhay ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD