RICO’S POV Hindi ko inaasahan na sasabihin niya ‘yon sa akin. Ang buong akala ko ay iiwan na niya ako. Kabado ako dahil sobrang seryoso niya habang nagsasalita siya. Hinapit ko siya at hinalikan ko rin siya pabalik. I love this woman so much. Wala akong tulog sa kakaisip kung nasaan siya. Hindi rin kasi niya sinasagot ang tawag at text ko kagabi. Mabuti na lang at may biglang dumating na babae kanina. ( FLASHBACK ) “Tao po!” rinig kong may tumatawag sa labas ng bahay. Bumangon ako at sumilip sa bintana. Sobrang aga pa, sa tingin ko ay alas sais pa lang ng umaga. May babae sa labas kayo lumabas ako. “Good morning po, ikaw po ba ang asawa ni Cherry?” Tanong niya kaagad sa akin. “Good morning, ako nga. May kailangan ka ba sa kanya?” “Ako po si Anne kaibigan niya,” sagot niya sa akin