CHERRY'S POV "Love, I think we need to stop now." Mahinang sabi niya sa akin at timigil na sa paghalik sa akin. Aaminin ko na nawala ako sa sarili ko. Pasimple kong sinuklay ang buhok niyang nagulo. Medyo nahiya naman ako. Nakatingin kasi ito ng diretso sa mga mata ko. Nakikita ko ang kakaibang pagnanasa sa mga mata niya. Pero kaagad rin napalitan. Tingin na para bang ako lang ang nakikita niya. Parang katulad ng tingin ni Kuya Luke kay ate Caye. "Tama ka, kailangan na nating tumigil." Mahinang sabi ko sa kanya. Pagkasabi ko ay kaagad niyang pinausad ang kotse. Hanggang sa makarating kami sa tapat nang gate. Akmang lalabas na ako ng pigilan niya ako. "Tatawag ako mamaya love, sana sagutin mo." Nakangiting sabi niya sa akin. Parang tumalon naman ang puso ko sa ngiti niya. Ito ang unan