Kabanata 12.

2152 Words
CEKE "Hindi pala kita nabilhan ng panty at bra kahapon. Gusto mo bang pumunta tayo ulit sa mall?" Ariz asked. "Pumunta ka nang makita mo ro'n si Maryi mo." He held my hand. "Wala akong pakialam sa kanya." "Wala rin naman akong pakialam sa inyo." Nagulat ako nang bigla niya akong hinalikan sa pisnge. "A-anong ibig sabihin no'n, Ariz?!" "Secret." He kissed my hand. I just laughed, "May pasok ka ba ngayon?" "Oo, gusto mo bang sumama?" "Talaga ba, Ariz? Hindi ba ako makaaabala roon?" "Mayroon kasing meeting na ibinigay sa akin na magdi-discuss lang ako sa barangay Sapayan ng about sa pagkakaroon ng anak at sa tamang pagtrato sa kanila. Ang target audience ko ay mga magulang at mga teenager." "Wow! Interesting topic 'yan ah? Sabagay, mas maganda nga 'yan na may pa-meeting kayong ganyan para ma-educate rin ang mga tao." "Oo at nakakatuwa ang ganito. Sige na, magbihis ka na." I just nodded at him. I immediately took a shower and got dressed. Ariz also did the bath, and he is wearing a suit. We ate first, then we washed our plates together. Naunang pumunta si Ariz sa pinto. "Let's go, angel ko." Kamuntik na akong madulas sa gulat dahil sa itinawag niya sa akin pero hindi ko ipinahalata. Nasa labas na kami. Dederetso sana ako sa parking lot pero pinigilan niya ako. "B-bakit?" "Mag-jeep tayo." "A-ah.. o-okay." "Okay lang ba sa 'yo, Ceke?" Tumango lang ako at ngumiti. Nanlaki ang mga mata ko nang hawakan niya ang isang kamay ko habang kami ay naglalakad. "Ariz, kamay ko ba ang paborito mong parte ng katawan ko?" "Oo, ang lambot," tipid na sagot niya habang diretsong nakatingin sa daan. Hindi na lang ako sumagot dahil medyo nahihiya ako sa kanya. O kinikilig? Ewan. Maya-maya pa ay may jeep na huminto sa tapat namin kaya kaagad na kumaway si Ariz. Woah, kami ang unang pasahero. Inalalayan niya akong makaakyat sa jeep. At nang makaupo kami ay hinawakan niya ulit ang kamay ko. Habang umaandar ang jeep ay pakiramdam ko'y tumatama ang mahaba kong buhok kay Ariz. Aayusin ko na sana pero bigla niyang hinawakan ang buhok ko. "May ipit ka ba sa bag mo, Ceke?" "O-oo." Kinuha ko ang ipit at inabot sa kanya. Habang inaayos niya ang buhok ko ay kakaibang pakiramdam ang nararamdaman ko sa aking tyan. "Ang ganda mo lalo kapag naka-ipit," he whispered. Nakiliti naman ang tainga ko, woah. Maya-maya pa ay hinila niya ako nang mas malapit pa sa kanya tapos hinawakan niya ang beywang ko. Ariz naman, huwag dito sa jeep. I mean, pakiramdam ko ay anytime ay mahuhulog ako sa upuan. "Bayad niyo po, Mam ganda at Sir pogi," sabi ng driver. "Sorry po, iaabot ko na po." Kaagad na tumayo si Ariz. Pero hinawakan ko ang kamay niya, ayaw ko kasing mag-isa. Hanggang sa nagulat na lang ako nang biglang pumreno nang malakas ang jeep kaya si Ariz ay napahiga sa sahig. Hindi ko alam kung matatawa ba ako pero hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya tumawa ako nang tumawa. Pero habang natawa ako ay pumreno ulit nang malakas ang jeep kaya napahiga rin ako.. pero sa ibabaw ni Ariz. Tumitig siya sa akin habang pinipigilan ang tawa niya. "Sorry, Mam, Sir!" sigaw ni manong. Kaagad naman akong bumangon at umupo. Grabe na talaga, pakiramdam ko ay nagbu-blush ako. Nang maabot ni Ariz ang bayad ay kaagad siyang tumabi sa akin. Um-stop ang jeep at maraming tao na ang sumakay. In the end, siksikan na talaga. Pero si Ariz lang ang nakasiksik sa akin dahil nasa dulo ako. "Okay ka lang ba? Hindi ka ba naiinitan?" nag-aalalang tanong niya. Sa totoo lang ay sobrang lapit ng bibig niya at ang masasabi ko ay sobrang bango ng hininga niya, very rare. "O-okay lang ako." Tumango lang siya at humawak sa beywang ko. Maya-maya pa ay mayroon kaming napansin ni Ariz sa katapat naming upuan. Ang isang magandang dalaga kasi ay parang naiilang sa katabi niyang lalaki na nakasuot ng black cap. "May mali sa lalaki," bulong ni Ariz. Tumango ako dahil I also agree, pakiramdam ko ay hina-harrass niya ang dalaga. Tumitig lang muna kami ni Ariz sa dalawa. Hindi kami nakikita ng lalaki dahil nakayuko siya. Pero nakikita namin kung paano siya sumisiksik sa dalaga. Niyukom ni Ariz ang kamao niya, pakiramdam ko ay susuntukin na niya ang lalaki pero hinawakan ko siya sa kamay. "Ariz ko, ako ang papalit sa puwesto ng babae." "Ano? Ako na lang, baka may mangyari sa 'yo 'ron." "Magtiwala ka sa akin, okay?" Nakita kong nalungkot ang mga mata niya pero tumango rin siya. Pero bago ako tumayo ay hinalikan niya ako sa noo. "Sigurado ka bang okay lang sa 'yo?" "Oo, Ariz, mayroon lang akong ibubulong sa lalaki." Bago pa ako makatayo ay nakita kong hinimas ng lalaki ang legs ng babae. Si Ariz ay tatayo na sana pero pinigilan ko siya kaagad. "Ganda, p'wede bang ako ang pumalit sa upuan mo? Dito ka muna sa tabi ng asawa ko. Don't worry, sundalo siya." Hinila ko ang dalaga. Oo, hindi ko na hinintay na magsalita siya. At siya naman ay kaagad na napaupo sa tabi ni Ariz. Ang mga tao naman sa jeep ay walang pakialam pero ang iba ay nakatingin sa amin na mukhang napapansin na rin ang lalaking naka-cap. Tumingin sa akin ang lalaki. Ako naman ay ngumiti sa kanya, 'yung ngiti na hindi niya gugustuhing makita dahil nakakatakot kaya umiwas siya nang tingin sa akin. "Ang tamang term sa 'yo ay manyak, 'di ba?" I whispered. Napatingin siya ulit sa akin, pero masama na ang tingin niya kaya lalo akong napangisi. Naramdaman ko na mayroon siyang ilalabas na kutsilyo kaya lalo akong lumapit sa kanya. "Gusto mo bang makarating ng maaga sa impiyerno?" natatawang tanong ko. Umiling lang siya. At maya-maya ay humarap siya sa akin. Hinila niya ako at itinapat sa leeg ko ang kutsilyo. "Walang gagalaw! Ilabas niyo ang mga gamit niyo!" sigaw niya. Ang mga tao naman sa jeep ay nagkagulo na. Ako naman ay tumawa lang dahil hindi niya alam na hawak ko na ang kutsilyo niya. Hay naku, sabi ko sa 'yo, huwag si Attorney. Takot na takot na tumingin sa akin ang lalaki dahil itinapat ko sa ibabang parte niya ang kutsilyo. Nang tumingin ako kay Ariz ay umiling siya na huwag ko raw gawin. Kaya itinapon ko ang lalaki sa parte ni Ariz. At si Ariz ay tumayo at hinila ang lalaki papunta sa pinto ng jeep. "Bitawan mo ako!" Nagwawala na sigaw ng lalaki. "Sa prisinto ka na lang magpaliwanag." Hawak ni Ariz sa damit ang lalaki habang seryosong nakatingin sa akin. Pagkatapos ng ilang minuto ay tumigil ang jeep sa isang police station kaya bumaba na rin kami ni Ariz. Itinulak ni Ariz ang lalaki papunta roon at hinuli na ng mga pulis. Tinanong din si Ariz kung ano ang nangyari kaya ipinaliwanag ng aking asawa. "O-okay ka lang ba, Ceke ko?" "Oo naman! Teka, nandito na ba tayo sa barangay Sapayan?" "Oo, maglalakad na lang tayo papasok sa street. Let's go, my angel." Ngumiti ako nang sapilitan sa itinawag niya sa akin dahil kaunti na lang ay masusunog na talaga ako. Habang naglalakad kami ay may nakita siyang flower shop. He said na sa labas na lang daw muna ako dahil may kakausapin lang siya sa loob. Pero paglabas niya ay may dala siyang single bouquet ng tulips. Hindi ko alam pero tumigil ang mundo ko habang siya ay dahan-dahan na lumalapit sa akin. "Tulips, para sa maganda kong asawa." Inabot niya sa akin ang bouquet at hinalikan ako sa noo. Kaagad ko namang tinanggap iyon. "S-salamat." We started to walk. And as usual, Ariz is holding my hand. I don't know why, but Ariz now is everything to me because no one treated me the way he treated me. Ariz and I have arrived at the location. The large court opened up to us with many seats and many people. "Alam mo ba, maraming sako ng bigas na ipamimigay sa kanila mamaya dahil sa nag-ambag kaming mga soldier para tulong na rin sa kanila." "That's nice! I'm so proud of you, Ariz." Hinila ako ni Ariz at hinawakan sa beywang. Nang makarating kami sa upuan sa unahan ay umupo na kami. Hinawakan ni Ariz ang microphone at itinapat sa bibig niya. "Magandang araw sa inyong lahat. Ako si Ariz Bian, isang soldier. At siya naman ang aking magandang asawa na.. mahal ko." Nagpalakpakan naman ang lahat at ang ilang tao ay sumigaw pa dahil sa parang kinikilig sa amin. A-ano r-raw? Mahal niya ako? So it means.. mahal na niya ako? Talaga? Hindi na ako nakapagsalita kay Ariz dahil may mga katabi rin kami na nasa table na nagsimula ng magsalita at magbigay ng advice sa iba. "Now it's my turn to give advice." Hinawakan ni Ariz ang kamay ko habang ang isa niyang kamay ay nasa microphone. "Sana po ay isapuso ninyo ang inyong mga maririnig ngayong araw. Alam ko po na ang ilan sa inyo ay may mga anak na, ang sarap po sa pakiramdam na magkaroon ng anak 'no? Na kahit wala pa kaming anak ng mahal ko ay nararamdaman ko na gano'n ang inyong pakiramdam. Alam niyo po ba, bata pa lamang ako ng mamatay ang aking mga magulang kaya hindi ko naranasan nang lumaki na mayroong pag-aaruga, pag-aalaga at atensiyon na kailangan ko as bata. Oo, mayaman kami, lahat na siguro ng bagay ay nasa akin na. Pero useless po 'yun dahil wala ang Mom at Dad ko. At 'yung aksidente nila ay naging trauma ko." Tumango ang lahat ng tao. "Para sa lahat ng nakikinig, ang pagkakaroon po ng mga anak ay hindi bawal at walang limitasyon. At mas lalong hindi mahalaga kung mayaman man. Bakit? Kasi sa sitwasyon na mayroong mayamang pamilya ay mayroon pa rin silang problema katulad sa mga mahihirap. Bakit? Kasi kulang sa atensiyon, suporta, oras, pag-a-advice, at pagtatanong sa mga bata at sa mga dalagita o binata kung okay lang ba sila. Ang pagkakaroon ng anak ay hindi lang dahil sa ginusto niyo as mag-asawa, bakit? Dahil isa 'yung malaking responsibilidad na dapat ay handa kayo financially, physically at mentally. Kagaya po ng sinabi ko, hindi mahalaga kung mayaman o mahirap, dahil bilang magulang ay nararapat po 'yung susuportahan niyo ang mga anak niyo, 'yung makikinig kayo sa mga little problems nila na para kapag sa malaking problema na ay magsasabi sila sa inyo, 'yung atensiyon na ibinibigay niyo at 'yung sapat na financial support para sa needs and education nila." May tumayo na isang dalaga at nag-raise ng hand. Lumapit naman sa kanya ang isang staff at binigyan ng microphone. "Tama po kayo, Kuya. Alam niyo po, kami ni Mama at Papa ay hindi close at sa tuwing gusto kong magsabi sa kanila ng problema ko ay ang dahilan nila ay busy sila o minsan ang drama ko raw. Yes, Kuya pogi, tama ka ro'n sa part na dapat silang makinig sa rants at hinanakit namin sa buhay dahil kailangan namin 'yun para mas maging malakas kami. Hindi 'yung sa kaibigan pa po kami lumalapit para lang manghingi ng advice. At sana maintindihan nila kami lalo na ang pakikinig sa amin. Salamat po." Tama ka talaga, girl. Grabe, si Ariz ba talaga 'to? Napakagaling! Ang suwerte ng mga magiging anak na- Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil mukhang malabo dahil sa dark mission ko. Nagpalakpakan na naman ang mga tao at nakikita ko sa mga mata nila na mayroon silang realization. "Hindi ko ini-invalidate ang pagmamahal niyo, ang pagiging magulang niyo, mga desisyon niyo, ang mga paniniwala niyo at mga patakaran niyo sa buhay dahil nandito ako para mag-educate lamang. Alam niyo, masarap mabuhay sa mundo lalo na kung alam natin sa sarili natin na mabuti tayong tao, individual, magulang, kaibigan, asawa at anak ng Diyos. Alam niyo, noon ay hindi ko alam kung ano nga ba ang purpose ng pananatili ng mga tao sa mundo. Pero habang tumatagal, ang purpose pala ng pananatili ng mga tao sa mundo ay ang piliin ang maging mabuting tao araw-araw kahit na marami tayong pagsubok sa buhay. We must always choose and think to be a good and better person because it was free every day. And it's a gift of choice and way of thinking by God for us." Tumayo si Ariz at nag-bow sa lahat. Ang ibang tao naman ang nag-advice. "Ariz, proud na proud ako sa 'yo," bulong ko sa kanya. Kaagad naman niya akong niyakap at hinalikan sa noo. "Salamat Ceke.." "Ha? Para saan?" "Kasi ng dahil sa 'yo ay lumakas ang loob ko na sabihin ang mga 'yun. Ceke, sa tingin ko ay.." "Ano?!" "Ceke, mahal mo na rin ba ako?" "B-bakit mo naman naitanong kaagad?" kinakabahan na tanong ko. "Kasi Ceke.. ikaw na ang nagpapatibok at hinahanap-hanap ng puso ko. Ceke, mahal na kita."

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD