Chapter 2

1929 Words
Nakakainis! Akala mo kung sinong guapo kung makapamintas! Di naman kaguapuhan! Di ka talaga naguaguapuhan? Mamatay? Tangina! Pati sarili ko kinakausap na ko! Sinasalungat pa mga desisyon ko sa buhay! Oo! Sige na! Guapo na! Guapo lang? Aba! Ba't ba kumakampi ka sa unggoy na yun ha! Kausap ko uli sa sarili ko! Sige na! Guapo at hot ! Okay na?! ha! Addison!!! Guapo nga! Hot nga! Pero napakabulok naman ng ugali! Kung ano yung ikiguapo ng mukha ay ikinaitim naman ng kanyang budhi! Aaaaah! Nakakainis! Ang bastos! Walang modo! Pinaggigilan ng dalawang kamay ko ang steering wheel ng kotse. Di na ako nakapagpaalam ni Lola dahil sa inis ko sa unggoy na yun! Ni di ko nakuha ang pangalan ni Lola pero sapat na siguro ang malaman kong okay na ito at makakauwi na ito sa bahay nya. Ako yung naaawa sa matanda eh, baka minamaltrato yun ng gonggong na yun! Di na ko magtataka kung mas pinili nitong lumayas kaysa manatili sa bahay kasama yung dyablo! Kakainis! Ganda ng araw ko sana eh! Sinira pa ng gagu! Aaaaah! Nakakainis talaga! Pinarada ko ang sasakyan sa garahe ng bahay namin. Hinulog-hulogan ko pa ang bahay namin sa Pag-ibig. Row houses sa loob ng malaking subdivision. " O! Anyari dyan sa mukha mo? Ba't sandamakul yang pagmumuka mo? " Mabibigat ang mga paang lumapit ako sa mga magulang kong nakaupo sa mahabang sofa ng aming living room habang nakatunghay sa 32 inches flat screen TV namin, hinihinatay ang paglabas ni Cardo Dalisay. " Makasalubong nyo ba anak ng diablo ganito din mukha nyo." " Inaway ka anak? Tara! Resbakan natin! " Maangas na saad ni Papa. " Wag na! Yakang-yaka ko naman tay, nasapak ko nga eh! " " Yan ang anak ko! Hindi nagpapaapi! Lumalaban! " " Ano bang nangyari? " "Sinabihan akong di daw ako maganda! pangit ba ko ? Kapalit-palit ba ko? " Nilagyan ko ng emosyon yung linya ko, katulad ng emosyong binigay ng kamukha kung si Laiza Soberano sabi ng nanay ko. " Hindi anak.. " Sumabay naman sa trip ko yung tatay ko. " Then why?! " May pasigaw-sigaw pa ko. Biglang pumalakpak yung mga magulang ko. " Ang galing talaga ng anak namin! Kuhang-kuha na nga yung mukha pati pagaarte! Naku! " Napangiti ako sa tinuran ni tatay ko. Mahal talaga ako nito, makikita sa mga mata nitong proud na proud sya sa akin. Tumayo si mama at tinungo ang kusina. " Halika ka n anak at kumain ka na, ihahanda ko lang ang pagkain mo " " Ano po ulam ma? " " Tortang talong at nilagang baka " " Wow! Mahal nyo talaga ako, lagi nalang mga paborito ko niluluto nyo! " " Syempre naman no! Ikaw ang kumakayod sa atin kaya deserve na deserve mo to anak! " " Naks! Ang swerte ko naman sa nanay ko! " " Sa nanay mo lang ikaw maswerte? " " Ofcourse ! Pati kay Tatay ko! "Niyakap ko si Tatay sa tagiliran. Inakbayan naman ako ni tatay at hinalikan sa gilid ng ulo ko. Mabuti na lamang at may mga magulang akong mahal na mahal ako at nagpapasaya sa akin, nawala agad yung inis ko sa damuhong si JUAN MIGUEL! . Sila yung dahilan ko kung bakit ako kumakayod kalabaw araw-araw. Gusto kung ibigay ang karangyaan sa kanila na pinagkait sa amin nung bata pa ko. Kahit mahirap lang kami nuon, itinaguyod ng mga magulang ko ang makatapos ako ng pagaaral. Kaya nung nakapagtapos ako at nakapgaipon-ipon pinatigil ko na sa pamamasada si papa at paglalabada ni mama. Matatanda na rin kasi ang mga ito at may dinaramdam na sa katawan. Kinabukasan maaga akong nagising upang pumasok sa opisina. Nagtratrabaho ako bilang purchaser ng isang malaking hardware. Malaki rin sahod at may pa tip rin yung mga supplier namin sa akin. Sa mga oras na bakante ay networker ako at sa weekend nama'y online seller naman ako. Nagbebenta ako ng ukay-ukay na mga jeans na ako rin yung model at mga class A, topgrade, overruns, bags sa page ko sa instabook. Nilalive selling ko sila. Sa awa ng dyos marami-rami na rin akong tagapagsubaybay at miner. Kailangan triple kayod para sa maintenance na gamot ng nanay at tatay, tubig, kuryente , sa bahay at trust fun ng kapatid ko. I was wearing green yellow sweetshirt na pinatungan ko ng orange na jumper at yellow na dollshoes, dala ko lang ay itim na sling bag. Hinati ko sa dalawa yung buhok ko at tinirintas ko. Pagdating ko ng opisina, ramdam ko ang pangungutya ng mga katrabaho ko dahil sa suot ko. Sanay na naman ako, ano bang paki nila kung ganito talaga ako magdamit. Pumasok na ko sa loob ng cubicle ko. Kinuha ko ang eye glasses mula sa dala kong bag at sinuot, may cord pa tong kasama upang di ko mawala sakaling hubarin ko. Maraming request na stocks kaya naman naging busy ako sa trabaho. Ni di ko namalayan ang pagtakbo ng oras. " Hala ang guapo! " Narinig ko ang bulungan ng mga kaopisina ko ngunit di ako nakipagusyoso. Ano bang mapapala ko sa guapo, kaya ba kong buhayin nyan? Nagpatuloy lamang ako sa pagtawag sa mga supplier ng mga nirequest na stocks. " Ms. Celeste, may naghahanap sayong guapo, hindi pala guapo, sobraaaaang guaaapo tapos sooobrang hot pa!!! nasa visitor's waiting area. " Nag-angat ako ng tingin sa isang babaeng staff na dumukwang sa cubicle ko. Namumula ang pisnge nito, kinikilig. " Baka isa sa mga may ari ng companyang nagsusupply sa atin, impossible kasing maging boyfriend mo yun, diba? " " Heh! " Inisimiran ko sya! Bakit ba puno ng mapanghusga ang mundong to! Kahit kay rami kong gagawin ay tumayo pa rin ako upang mapagsino yung naghahanap sa akin. Pagkalabas ko ng cubicle ay kita ko na agad ito mula sa babasaging glass wall at glass door, nakatalikod sa aking gawi. Di rin nakaligtas sa paningin ko ang mga leeg ng mga kasamahan ko sa opisina na akala mo'y pinaglihi sa giraffe. Nagtataasan sa ibabaw ng devider ng cubicle upang mapagmasdan ang guapo kunong bisita ko. Naglakad ako sa hallway palabas ng departamento uoang puntahan ang visitor's are. Di ito pamilyar sa akin, nakasuot ito ng fitted maong jeans, puting polo shirt, na ang dulo ng sleeve at colar ay kulay itim at puting nike rubber shoes. Ang tangkad nya, naka clean cut, ang lapad ng likuran, namumutok na masel, dumausdos pa ang mga mata ko pababa, tumagilid ang ulo ko at mariing pinagmamasdan ang umbok ng pwet nito ngunit bigla itong humarap, nanlaki ang mata ko ng dumiretso ang tingin ko sa malaking umbok ng kanyang gitnang harapan, napalunok ako. " Namimihasa ka na, nakailang titig ka na dyan? tapos ako pa yung manyak. " Nag-init ang magkabila kung pisnge sa tinuran nito, s**t! Nakakahiya! Dahan-dahan na nalipat ang tingin ko sa mukha nya, ganun na lang ang pagsikdo ng galit ko nang makita ko ang pagmumukha ng diablong kinaiinisan ko! Pinasadahan nito ng tingin ang kabuohan ko. Tinaasan ko sya ng kilay ng makitang nagpipigil itong matawa. " Masaya ka?! " Pagmamaldita ko. Kinagat nito ang labi upang pigilan kunuhay ang pagtawa ngunit bakas naman sa pagmumukha ang nakakaasar nitong ngisi. Demonyo talaga! " Kung mambwebwesit ka lang, umalis ka na! Kay rami kung ginagawa! " May pinainhale-exhale pa tong nalalaman. Tapos sumeryoso yung mukha. " I'm sorry, " ngumisi ito sabay kamot sa ulo, " May naalala lang kasi ako sa damit mo.. yung ano, yung, mugurasingnikukuhamnida! " Kumanta pa nga. " Mugunghwa Kkoci Pieot Seumnida yun! Bobo mo! " " Malay ko ba di naman ako koreano! Pero bagay sayo, kamukha mo yung statue nung higanteng koreanang naghahide and seek sa squid game. Umiikot rin ba ulo mo? 360 degrees? " Di na nito napigilan ang sariling humalakhak. " Kapag tong kamao ko tumama sa pagmumukha mo higit pa sa 360 degrees pagiikutan mo! " " I'm sorry... " Napapikit ito at sumeryoso nang makitang di ako natutuwa sa pinagsasabi nito. Di na 'ko nakatiis, nagwalk-out na ko ngunit mabilis na hinawakan nito ang braso ko. " Biro lang, sorry na! " " Bitawan mo ko! Sasapakin kita! " Para naman tong napasong binitawan ako. " Anong kailangan mo? bilisan mo! mahal bawat minuto ko! " Napakamot muli ito sa kanyang ulo. " Si Lola pinapahanap ka... " Tiningnan ko sya, kay bilis magbago ng anyo ah! Mula sa tsonggo naging aso. " O? Tapos? " Muli ay tinaasan ko sya ng kilay, pinaparamdam ko ang inis sa kanya. " Gusto ka nyang makita, lagi nalang umiiyak simula nung araw na niligtas mo sya... " May kung anong humaplos sa puso ko sa kanyang sinabi gusto kong sabihing Oo pupuntahan ko pero ofcourse babawi muna ako. Ano ako? Easy to get? " Ganun ba... " Marahan itong tumango. I smirked. " Marunong ka bang makiusap? " " Oo naman! " " Sige mga makiusap ka nga. " I crossed my arms in front of my chest while faking a smile in from of him. "Ms. Mugurasingsikukuhamnida, pwede-" " Tangina mo! Pumunta ka magisa sa lola mo! " " Biro lang! Ito naman! Sige na! Eto na! eto na! Ano nga pala pangalan mo Ms? " " Paki mo! " Inis kong sagot. Sumeryoso muli ang mukha nito, tangina! Di talaga papasa! Mukhang mangagantso pa rin! Di mapagkakatiwalanan. " Nakikiusap ako sayo Pokemon, paki bisita na man si lola- " Umilag ito ng inumbahan ko to ng sapak. " Seryoso na nga kasi yung tao! Makikiusap na nga! Ano nga kasi pangalan mo? " " Addison! " " Chill! Galit na galit? Seryoso na, please... nakikiusap ako Ms. Addison, kahit isang oras lang, puntahan mo si Lola... " " Di ka mukhang sinsero. " Angil ko sa kanya. " Naman kasi! " Napahilamus ito sa kanyang mukha. " Ano bang mukha gusto mo? Choosy ka pa! E ganito talaga mukha ko! artistahin, di ko na mababago yun. " "Okay! Madali lang naman akong kausap. " I started walking away ngunit muli'y pinigilan nya ko sa braso. " Please... just please... " Nanlaki mga mata ko ng paglingon ko nakaluhod na to, " It's just naawa na ko sa lola ko kakahanap sa sayo... I'm sorry for being a jerk yesterday that I forgot to thank you for saving my grandmother's life... Just please... " Nakatitig lamang ako sa kanya, di ako makapagsalita... This time I already felt his sincerity. " Sige na, okay na, Oo na... Tumayo ka na dyan! Okay! Pupunta na! " Oo na ako na yung mabait! Ako na yung madaling mauto! Napangiti ito sabay tayo, bakas sa mukha ang kasiyahan. " Thank you! So let's go? " " Agad-agad? Tapusin ko muna yung trabaho ko. San ba lola mo? at nang mapuntahan ko pagkatapos ko dito. " " Sabay na tayo, hintayin na kita. " " Matagal pa kong matapos, nakakahiya naman sayo. " I sarcastically said. " Okay lang, mukhang mageenjoy naman ako habang hinihintay ka, kay rami pa lang chikaz dito." Ngumiti ito sabay kaway sa likuran ko. Paglingon ko sa glass wall kay rami nga nilang nakatunghay kay Juan Miguel. Pawang nagpapacute at kinikilig. Napaismid ako, kung alam lang talaga nila tunay na ugali ng unggoy nato. " Ang sarap siguro tumambay dito, napapaligiran ng pawang magaganda buti naman at tinanggap ka -Aray!" Namilipit ito sa sakit ng sikmuraan ko. " Tangina naman! mas bagay sayong sss kaysa Addison! " I raised my middle finger in front of him before I turned and walked away from him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD