Chapter 3

2186 Words
Naunang maglakad sa akin si Juan Miguel. Nakasunod lamang ako sa kanya sa likuran habang binabagtas namin ang hallway palabas ng building patungo sa parking lot kung saan nakaparada ang kanyang kotse. Napagkasunduan naming dalawa na kotse nalang niya gagamitin at ihahatid nalang ako pabalik dito sa office kung saan iiwan ko ang kotse ko. Nagtitipid din kasi ako sa gas. Wala ni isa sa mga katrabaho kong babae ang hindi napapalingon. Wala ni isa sa kanila ang hindi mapapahanga at wala ni isa sa kanila ang hindi mapapatigil sa tuwing masisilayan ng mga mata nila ang guapong mukha nito. Hipokrita ako kung sabihin kong hindi ako naguaguapuhan dito. Ang kaibahan ko lang sa mga babaeng humahanga dito ay alam ko ang totoong ugali nito. Babaero, mayabang, bastos, mapanglait. Nauna nitong narating ang sasakyan. May pagkagentleman rin pala ang mokong dahil pinagbuksan niya ko ng pintuan. Nilahad nito ang kamay upang alalayan ako ngunit nilagpasan ko lang ito at kusang umakyat sa shotgun seat. "Iba na talaga panahon ngayon pati di kagandahan marunong ng maginarte. Tsk. Tsk. Tsk. " Napaawang ang labi ko sa narinig sa kanya. 'Di na ako nakapagreact nang isarado na nito ang pintuan. Sinundan ko ito ng tingin nang umikot ito sa kabila hanggang sa sumampa sa driver seat. " Titig na titig ah! Ni ayaw kumurap. I'm warning you not to fall in love with me. Masasaktan ka lang." " Ew! Gross! " Inismiran ko siya. Napasulyap ako dito ng mapangisi ito habang sinusihan na nito ang kotse. " Diring-diri ah baka kainin mo mga salita mo nang nakaluhod. " Saad nito bago pinandar ang sasakyan. Bobo ba 'ko? Bakit di ko ma gets yung sinabi niya. Anong connect sa nakaluhod? May sariling mundo talaga tong hinayupak na to. Ilang minuto kaming walang imikan habang binabagtas namin ang daan patungo sa kung saan naroroon at naghihintay Lola ang niya. " Ang layo pala ng sa inyo, pano nakarating si lola sa syudad? " I curiously asked. " Lumipad. " Natawa ito ng masama ko itong sinulyapan. " Joke! Joke! " Tumikhim ito bago nagsalita muli ngunit naiwan pa rin ang ngisi sa labi. "It was her monthly check up. Then she stayed in my condo with her nurse habang hinihintay akong umuwi. Nalingat yung nurse kaya nakalabas. " He said without looking at me. Nakatuon ang atensyon sa kalsada. " Buti nalang at ikaw ang nakakita kay lola. Thank you. " " Marunong ka pa la mag thank you? Wala sa pagmumukha ah! " Nginisihan lang niya akong muli. " Walang ano man pero sana sa susunod di na mangyayari muli yun, may alzeimer pa naman si Lola . Kawawa naman muntikan ko pang mabundol. " "I already fired the nurse kaso halus buwan buwan lang din nagpapalit ng nurse dahil di makatagal sa sungit ni lola. " Napasulyap ako sa kanya. Nakakunot ang noo. "Masungit ba lola mo? Parang hindi naman. " Saad ko. " Malamang mabait sayo kamukha mo daw kasi nanay ko. " Natawa ito bigla. Heto na naman siya. Magsisimula na namang mambwesit. " Eh ang ganda-ganda pa naman ng nanay k- Aray naman! " Di ko napigilan sarili ko lumipad na lamang ang palad ko at binatukan ito. Di pa ako nakontento sinabunutan ko pa. " Hoi! Tama na biro lang naman! Bitaw na Addison! Mababangga tayo! " Binitawan ko naman ito ng biglang gumewang yung sasakyan. " Ikaw na yung guapo! Guapo ka nga pangit-pangit naman ng ugali mong tado ka! " " May lahi ka bang unggoy? Sakit mong manabunot ah! " Umiwas ito ng muli ay tumaas ang kamay ko. " May lahi rin kaming mangkukulam baka gusto mong itanong. " " Di na kailangan, halata naman- O! " Biglang itinaas nito ang isang kamay upang gawing harang sa palad kong nakahanda nang mamatok muli. " Biro! Biro lang! " " Isa pa di talaga ako mangimeng batukan ka muli! " " Di na promise! " Saad nitong nakangisi. Aliw na aliw ang gagu! Habang ako bwesit na bwesit. Muli ay natahimik kaming dalawa. Maya-maya ay pumasok ang sasakyan nito sa matayog na gate. Nalula ang mga mata ko sa ganda ng tanawin. Isa itong farm. Puno ng pineapple, dragon fruit, mga puno ng saging at kung ano-ano pa. Nakaawang ang bibig ko habang binubusog ang mga mata sa tanawin mula sa babasaging bintana ng kanyang kotse. " Wow! " Bulalas ko. " Sa inyo to? " Di ko makapaniwalang tanong. " Ay hindi! Namamasyal lang tayo dito. Magbibilang tayo kung ilang mata kada isang pinya. Ilang bunga kada isang puno ng niyog at ilang puso meron ang kada isang puno saging. " " O tapus?! " " Di pa, magbibilang pa tayo. Ikaw sa pinya, ako sa saging! " " May sense kang kausap alam mo yun? " " Thank you. May sense na, guapo pa. " I scoffed. Napaawang ang bibig ko. Ngayon lang ako nakatagpo ng ganitomg klaseng lalaki. Yung nakakabwesit. As in sobrang nakakabwesit talaga! " Sarcastic lang yung sense! " " Spell! " " S-A-R-C-A-S-T-I- C" " zero two-zero two! " " Ano yun swertres? " " Change zero to letter O. " Saad sabay tawa. I repeat it in my mind and change zero to letter O ngunit naisatinig ko pala yun. " O two O two " Pagilid na sinulyapan ko si Juan Miguel. Pangisi-ngisi pa ang gago. Alam kong may kagaguhan na naman ito kaya inulit ko pa talaga. " O-two O-two. " Bumunghalit na ng tawa si Juan Miguel ngunit di ko pa rin get kung anong meron. " Alam mo may tililing ka. Wala namang nakakatawa, ngising-ngisi ka dyan! " " Atleast hindi ako zero two zero two. " Ang hina talaga ng utak ko kapag kalokohan. Naiinis na ko dahil pabalik-balik ko ng binibigkas sa isip ko yung O-two O-two pero hanggang ngayon di ko pa rin Get. " O-two O-two. O-two O-two. " Pabalik-balik ko pa ring bigkas. Ipinarada nito ang sasakyan sa harap ng isang malaking ancestral house. Nalipat ang atensyon ko dito. " Wow! " Bulalas ko muli. Nalula na naman ulit ako sa ganda nito. Lakas makavintage. Ang cool. Nang patayin nito ang makina ay kusa na akong bumaba habang nakatingala sa magandang bahay. " Addison, let's go. " Napalingon ako sa kanya. Sumunod ako dito ng magsimula itong umakyat sa sementadong hagdanan paakyat sa nakabukas na malaking pintuang gawa ng kahoy, papasok sa loob ng bahay. Napatago ako sa kanyang likuran ng biglang sumalubong sa kanya ang isang malaking golden retriever. Umupo at niyakap ang aso sabay gulo sa balahibo nito. " How are you buddy! " Giliw na giliw naman ang aso at panay ang dila nito sa kanya. " Stop it Max! You clearly missed me so much. " Nangingiting saad nito. " I brought you your mom! Magmano ka-Aray!" Napangiwi ito ng mahina ko itong sinipa. " We will play later, buddy. Aasikasuhin ko muna mama mo ha" Napabuga na lamang ako ng hangin sa katarantaduhan nito. Nagpatuloy kami sa pagakyat. Nasa bukana pa nga kami ng pintuan ay rinig na namin ang malakas na sigaw ng lola ni Juan Miguel. Medyo nakaramdam ako ng takot. Pano pag di niya ko naalala at pagsungitan lang niya ako. " Ayoko ngang kumain! Dalhin mo nga ako kay Rosario ! " Nagkatinginan kaming dalawa. Nauna muling umakyat sa matayog na hagdanan si Juan Miguel. Muli ay sumunod ako sa kanyang likuran " Be carefull Addie. " He said without looking back at me. Napataas ang isa kong kilay. Wala kasi sa mukha yung pagiging maalalahanin nito. Nagpatuloy kami sa pagakyat. " Lola, kumain na po kayo. " " Ayoko ko nga! " Nanatili akong nakasunod sa likuran ni Juan Miguel. Huminto ito sa isang kuarto kung saan namin narinig ang malakas na boses ni Lola. Pinihit nito ang siradura at marahang itinulak papasok ang pintuan. " Lola, di na naman kayo ulit kumain? " Saad ni Juan Miguel na may halong paglalambing. Akalain mo yun may soft side din pala ito. Kita ko ang pagliwanag ng dalawang mata ni Lola ng makita ang apo. Nakaupo ito sa ibabaw ng kanyang kama. " Juan Miguel anak ko! " Napakamot sa ulo si Juan Miguel. " Lola, si Miggy po to, di po ako si papa. " Lumapit ito sa gilid ng kama, niyakap at hinalikan sa pisnge ang matanda. "Dala mo na ba ang asawa mong si Rosario? " Kapagkuwa'y tanong nito. " Hindi po lola. Hinahanap ko pa po si mama pero may bisita po kayo na gustong makita kayo. " Nilingon ako ni Juan Miguel, napasunod naman ng tingin sa akin ang matanda katulad nang makita niya ang apo ay muling nagliwang ang mga mata nito ng masilayan ako. Unti-unti akong napangiti mgunit agad ding napawi ng biglang nagsilaglagan ang mga luha nito sa mga mata. " Rosario, anak ko... " Itinaas nito ang dalawang bisig at inaya akong lumapit sa kanya. Napatingin ako kay Juan Miguel, tinitigan niya ko at sinenyasan na lumapit. " Babalik ka na ulit sa amin? Babalikan mo na ulit ang anak ko? Napatawad mo na ba ako? " " Lola hindi po yan si Mama. Si Addison po yan yung tumulong sa inyo. Si mama po-" Natigil ito sa pagsasalita ng samaan ko ito ng tingin,ngumisi ito. " Iba po si mama Lola. " " Pwede ba kitang maakap? " Saad nito. Unti-unti akong lumapit. Napaiwas si Juan Miguel ng pasekretong inambahan ko siya ng kamo ko. Umusog ito ng kaunti. Humalili ako sa kanyang pwesto. Yumuko ako. Kahit na nagaalinlangan ay hinayaan ko itong yakapin ako. Kay higpit ng yakap niya. Tila sabik na sabik sa sinasabi nitong Rosario. " Sir, wala pa pong tanghalian si Lola. " Rinig kong saad ng nurse. " Lola, di pa daw kayo kumakain? " Tanong ko. Umiling naman si Lola. " Kumain na po kayo para naman po lumakas kayo. Gusto niyo po subuan ko po kayo? " Napatango-tango ito. Dahan-dahan akong bumitaw mula sa akap ni Lola. Unti-unti namang inilapit ni Juan Miguel ang pagkain na nakalagay sa kitchen trolly sa tabi ng kama.Nilingon ko ang food tray nito na may nakahandang pagkain. Ilang saglit lang ay sinimulan ko ng subuan si Lola. Ganadong-ganado itong kumain, yun nga lang naaasiwa talaga ako sa titig nito. " Dito ka na titira? " Napalingon ako kay Juan Miguel, humihingi ng tulong para sa isasagot ko. " Hindi po Lola pero babalik naman po si Addison. Pangako niya po yan. " Pinanlakihan ko ng mga mata si Juan Miguel ngunit nginitian lamang niya ako. Paladesisyon ha! " " Ba't di ka nalang tumira dito? Galit ka pa rin sa akin? " " Ha? Hindi po lola, kailangan ko lang po magtrabaho pero oo, bibisitahin kita Lola. " " Siguro kaya di ka umuuwi dito kasi magkagalit kayo ni Juan Miguel. " " Hindi kami magkagalit lola. Ako nga nagdala sa kanya sa inyo. " " Hindi ka inaaway ni Juan Miguel, Rosario? " Nilingon ko si Juan Miguel. Tinaasan ko siya ng kilay sabay ngisi. " Lagi niya po akong - " Naputol ang pagsusumbong ko ng biglang yumuko ito at niyakap ako sabay takip ng isang kamay niya sa bibig ko. Nakayakap ito mula sa likuran ko. Di ako makagalaw dahil kay higpit ng yakap nito kasama ang dalawa kong mga braso. Bigla akong naestatwa dahil sa kapahangasan nito. Nakalapat ang likod ko sa matigas niyang dibdib. Damn ang bango niya. Di ko alam kung bakit ngunit bigla na lamang akong kinabahan. Lalo na ng maramdaman ko ang pagtama ng mainit niyang hinga sa pisnge ko. " We're good lola... Diba Addie? " Saad nito. " Please makisama ka, papagalitan ako niyan. " Bulong nito. Napatango na lang ako. Dahan-dahan nitong tinanggal ang kamay sa bibig ko at nilipat muli sa bandang tiyan ko. " Kay tagal kong hinintay na makita kayong ganyan na dalawa. Muling makita ang lambing sa bawat isa. " Pilit akong ngumiti. Lalong nagulo ang sistema ko ng mas hinigpitan ni Miguel ang yakap sa akin sabay dikit ng pisnge nito sa pisnge ko. " Ang bango mo, amoy PAU de ARCO. May kabag ka ba? " Bulong nitong muli na nagpainit sa magkabila kong tenga. Sobrang naiinis na ko. Gusto kong sikmuraan ito ngunit di ko maigalaw ang siko ko dahil sa higpit ng yakap niya. " Bitiwan mo ko habang nakakapagpigil pa ko." Saad kong may kasamang gigil. Sumunod naman ang gago. Pagkabitaw nito ay agad akong napatayo at nagmartsa palabas ng kuarto. " Sandali lang po lola, masama tiyan ni Addison. " Rinig ko pang saad nito. Lumabas ako ng kuarto, nakasunod naman si Poncio Pilato. Sinarado nito ang pintuan. " Addie sorry na. Biro lang. Mabango talaga. Amoy baby colonge. " Hinarap ko siya. Galit na tinignan. " May lahi kayong panda? " " Wala naman. Bakit? Ang cute ko ba? " Lumapit ako. Nginisihan ko siya. " Hindi. " Pagkasabi'y agad na lumipad ang kamao ko sa mata nito. Sa lakas bumulagta ito sa lupa. " Yan may isa na! Bwesit ka! "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD