[ Start with you? Wala na sira na araw ko. ] Wala namang special sa mensahe niya pero bakit nangingiti pa rin ako. Siraulo. [ Gusto mo ayusin natin? Yung ikaw at ako, magiging tayo. ] I replied. Tila mapupunit na yung labi ko sa kakangiti. Para kang tanga self. At hinintay ko pa talagang mag reply ito. [ Binangungut ka ba? Gusto mo sipain kita at nang mahimasmasan ka? ] Natawa ako sa reply nito. Kahit wala namang nakakatawa. Pisti na. [ Maliligo na ko Addison] I replied. [ Paki ko sayo! ] Maldita talaga ng pokemon na to. [ Nag-a-update lang. Praktis ba. ] Naghintay ako ng ilang minuto ngunit di na ito nagreply. Binaba ko nalang ang cellphone pabalik sa night stand. Tumayo ako ngunit muling napaupo ng tumunog ito at dali-daling tinignan ang mensahe ngunit nadismaya lang ako ng si