CHAPTER 26

1523 Words
Mabilis na dinala si Bella sa hospital ng mommy Amanda nito at madali namang inasikaso ng doctor si Bella at inooperahan ito para makuha ang balang bumaon sa tiyan nito. Ang bumaril Naman Kay Bella ay mahuli na sana ito ng mga police ngunit lumaban ito at nabaril ng mga police kaya namatay ito ng Araw ding iyon. Makaraan ng tatlong Araw ay medyo okay na si Bella. "Iha sino ba Kasi ang gustong pumatay Sa'yo? Wala kabang suspect kung sino?" Madilim ang anyong tanong ni Mr. Frederick Gatchalian. "D-dad, may suspect ako kung sino.." Sagot ni Anna sa Daddy ni Bella. Sila lamang DalawA ng daddy ni Bella dahil bumili ng makakain ang mommy Amanda sa labas. "Si Yassy.. dad, Siya ang suspect Kong nag- utos ng taong bumaril sa akin.." ang Sagot ni Anna rito. Sino pa na kasi ang ibang gustong papatay sa kanya? at ipapatira Siya? Wala ng iba taldga kundi si Yassy iyon. Hindi rin pweding si Lola Ambrosia Ang may gawa niyon sa kanya dahil katawan ng apo nito ang kanyang dinadala. "Pareho tayo ng hinala iha, bakit ba Kasi lumalim Ang alitan niyong magpinsan? Sabihin mo sa akin ang totoo iha, totoo bang nakipagrelasyon ka Kay Sam..? bakit mo ito ginawa ? At pinapalayas mo pa sina Yassy at Faye sa Pamamahay nila? Bakit ganoon nalang ka laki ang Galit mo sa pinsan mo ? " sunod-sunod na tanong ni Frederick sa anak. "D-dad..sorry, pero dapat lang sa kanya yun. pinagselosan niya Ako ng Wala sa Lugar at pinahiya, nagmukha akong Kabit sa paningin ng mga tao dahil sa pagseselos niya. At tungkol sa pagpapaalis ko sa kanila- kasalanan niya iyon Sabi niya Kasing Hindi ko daw Siya mapipilit upang bayaran ang pagkakautang niya sa akin kaya nagalit ako. at h-hindi totoong nakipagrelasyon Ako Kay Sam. ginalit ko lang si Yassy dad.." wikang sagot ni Anna at Palusot. "Mabuti nalang at nakaligtas ka sa pamamaril ng taong iyon, sayang nga lang dahil Hindi na ito maimbistigahan, nabaril ito ng mga police at namatay. lumaban Kasi ito at namamaril sa kanila.." Wika ni Frederick. "What? Sayang kung ganoon. Wala ng iba ang gumawa nito sa akin daddy,nkundi si Yassy lang talaga.." Galit Ang tinig na wika ni Anna. Dinagdagan lang ni Yassy Ang atraso nito sa kanya kaya Hindi niya iyon palalampasin. "Hindi ko Siya mapapatawad kung sakaling Siya talaga. ampon lang siya ng aKing kapatid at Hindi natin Siya kadugo, wiinaldas pa nila ang mga Naiwang yaman ng Tito mo. balita ko ay naimbenta na lahat ni Yassy ang naiwang properties ng Tito Alfredo mo at tanging AYF Gatchalian's Trading nalang ang natira sa mga ito.." Galit Ang mukhang wika ni Mr. Frederick Gatchalian. Di nagtagal ay natigil ang pag- uusap nila nang dumating si Mrs. Amanda Gatchalian at nagulat si Anna nang Kasama nito si madam ambrosia! "L-Lola.. M-magandang Araw po.." takot at sambit pa ni Anna at namumutlang nagbibigay galang rito. "Magandang tanghali Sayo inang. huwag mo munang I pressure sa ngayon si iha Bella sa gusto mong mangyari dahil sa kanyang kalagayang ngayon.." Paunang Sabi ni Mr. Frederick Gatchalian. "Alam ko Frederick, kaya huwag mo aKong pangunahan.." Galit Ang himig na wika ng matandang mangkukulam atatslim Siya nitong tiningnan. "Iha, kumain ka muna.." Ang Sabi naman ni Mrs. Amanda Gatchalian Kay Bella. Kumain nga Si Anna. pero Panay ang sulyap niya Kay madam ambrosia na kanina pa matalim na nakatingin sa kanya. At pagkatapos niyang Kumain ay gusto ng matandang mangkukulam na makikipag-usap sa kanya kaya lumabas muna saglit ang mag-asawang Frederick at Amanda. "Kung Wala lang nangyari Sayo ngayon Anna, sinakal na kita dahil ginalit mo Ako ng husto!" Mulagat ang mga matang wika ng matandang mangkukulam. "L-lola, sorry. sorry po talaga.." Hinging paumanhin niya rito ngunit Puno ng kaba Ang kanyang dibdib ng mga sandaling iyon. "Magpasensyahan nalang tayo Anna bella dahil babawiin ko na talaga ang katawan ni Bella. At paglabas mo rito ay dadalhin na kita sa aKing mansion para isagawa ang aKing ritwal bahala na Ang kaluluwa mo Anna! Sinuway mo Ako!." Galit na Galit na wika ng matandang mangkukulam. Umiyak si Anna dahil sa tako. Biglang nanginig Ang buong katawan niya Ng mga Oras na iyon dahil sa sinabi ng matandang Mangkukulam sa kanya ngayon. "Please.. Lola, huwag niyo pong Gawin Yan.. maawa Naman po kayo sa akin. Sige po, pumapayag na Ako!" Iyak ni Anna. Ngunit di kumbinsido ang matandang mangkukulam sa kanyang sinasabi. "Papatunayan mo iyan Anna bella.. dahil kung Hindi, magpapaalam kana sa mundong ito. hahahaha!" Halakhak pa ng matandang mangkukulam. "Sa ginawa mong pagtakas at pagtatago, parang mahirap na kitang paniwalaan!" Dagdag na wika ng matandang mangkukulam. "Parang awa niyo na Lola Ambrosia. Wala na a h katawan ko, nabubulok na ito. Pwde Naman naying pag- usapan ito ng maayos Lola, Hindi mo Naman sinabi sa' akin noon na pati pagiging Mangkukulam ay ipapamana niyo sa akin. Pumayag Ako para mabuhay Ang apo niyo sa pamamagitan sa akin, at upang makakapaghiganti din Ako sa mga taong nanakit sa akin ." Sabi niya rito. "Tumahimik ka! Ang Sabi ko ay lahat ng nasa sa akin ay Ikaw Ang magmamana at isa na roon ang pagiging Isang Mangkukulam!" Galit na wika ng mAtanda na halos lumuwa Ang mga mata nito. Si Yassy Naman ay nangggil ito na Hindi pa namatay si Bella sa pagpapabaril niya rito.at ang kanyang inutusan ay ito pa ang namatay. Pero mas mabuti nalang ding namatay ang taong iyon para Hindi ma ito maimbistigahan pa ng mga police. Nakatanggap Naman ng report si Yassy Mula sa mga nagtatrabaho sa AYF Gatchalian's Trading na may mga amomalyang nangyari sa kompanya. Galit na Galit si Yassy nang malamang malaking halaga Ang nawala sa kompanya dahil sa nangyaring anomaloya sa AYF Gatchalian's Trading Company. At si Marvin Ang pinagduduahan niya. pinapaimbistigahan niya ito at cheneck ang mga CCTV sa loob ngunit walang nakikita sa CCTV. alam niyang may Kasama itong gumawa ng anomalya sa kompanya. Siguro ay ini- off ang mga CCTV sa Oras na gumawa na ng Anomalya ang kung sino mang hinayupak na gumawa niyon. Inis na inis si Yassy, gusto niya Ng ebidensya pero Wala siyang makuha. Hangga't sa dumating Ang Araw na tuloyang bumagsak ang Business Nina yassy. "Mommy ayokong maghihirap! ! H-hindi ko napaghandaan ang pangyayaring ito! Paano na Tayo,Anong gagawin natin mommy!?" Umiiyak na tanong ni Yassy. Malungkot Ang mukhang tiningnan ni Mrs. Faye Gatchalian si Yassy. "Paano pa natin ma solve ang anomalyang nangyari sa AYF Gatchalian's Trading gayung Wala na Tayong Pera ngayon anak..?" Maluha- luhang wika ni Mrs. Faye Gatchalian. Samantalang si Anna ay tuwang tuwa sa pagbagsak ng AYF Gatchalian's Trading. "Dinagdagan mo pa ang mga kasalanan o atraso mo sa akin Yassy. Mananahimik Muna Ako saglit bago kita muling sisingilin sa huli at pinaka malaking kasalanang ginawa mo sa akin, yun ay ang pagpapagahasa mo sa akin.!" Gigil na wika ni Anna . At sa Araw na iyon ay paiiyakin niya at paluluhurin si Yassy sa kanyang harapan! Dumating na nga Ang Araw na isasalin na ng matandang mangkukulam ang bertud ng pagiging mangkukulam Kay Anna. Pero may balak si Anna, Hindi niya pangangalagaan ang bertud na ito at kanya itong ililibing dahil ayaw niya talagang maging Isang mangkukulam. Tuloyan na niyang itinigil ang pagmomodelo dahil bawal iyon sa pagiging mangkukulam niya. Napangiwi si Anna nang iisiping isinalin na sa kanya ang bertud. nasa lumang mansion Siya ng mga sandaling iyon at matapos na isinalin sa kanya ng matandang mangkukulam ay bigla na lamang itong nanghihina. "Anna Bella.. pangalagaan mo ang bertud dahil nagmumula pa ito sa aking mga ninuno. naramdaman kong hindi na Ako M-magtatagal. Nasa saiyo na Ang lahat na kayamanan ko at ang kapangyarihan.. kaya dapat makinig ka ngayon sa akin, may mission kapa bago magiging ganap at maging Isang malakas kang mangkukulam, kailangan mo itong Gawin.. sa paparating na kabilogan ng buwan ay kailangang Kukunin mo ang bunso mong kapatid at iaalay sa ating pAnginoong kadiliman.." Ang Sabi ng mangkukulam. Nanlaki ang mga mata ni Anna sa narinig. "Ho!?? Pero bakit? Hindi ko Yan magagawa!" Gulantang niyang sambit. " Huwag magmatigas ng ulo Anna bella, isa iyan sa pinaka malaking requirements para lumakas ka pa dahil isa kang baguhang mangkukulam at mas Lalo kapang yumayaman, hehehe!! iyon ang ginawa ko noon Anna .. ang bunso Kong kapatid na si Rodolfo ang aKing ini- alay sa aming PANGINOON, dalawa sana kaming magkapatid pero napagdesisyunan naming lahat na pamilya na iaalay namin Siya para sa pagiging ganap Kong mangkukulam dahil kailangan kong Gawin iyon. Kahit masakit sa akin bilang Isang kapatid ay inalay ko ang aKing bunsong kapatid sa aming PANGINOON- kapalit ng Isang malakas na kapangyarihan at pagiging Isang bilyonarya. Kaya Gawin mo ang gusto ko. ang bunsong kapatid mo ay siyang dapat na ialay mo sa ating pAnginoon!!" Nanindig ang mga balahibo ni Anna sa mga narinig. Sabi na nga ba niya, kaya ayaw niyang tanggapin ang bertud na ito ay dahil iba talaga ang kanyang kutob! Hinding - hindi niya magagawa na iaalay at papatayin ang kanyang bunsong kapatid! Susuwayin niya ang gusto ng matandang mangkukulam na ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD