CHAPTER 2

1774 Words
Pilit na hinarap ni Anna Ang ex- boy friend. "Bakit mo pa ako kakausapin Sam? kahit ano pang sasabihin mo ay kasal kana sa iba at may asawa kana na dapat mong mahalin ng tapat.." Matigas ang salitang sabi ni Anna sa dating kasintahan. "Kahit ilang ulit pa akong ikakasal Anna pero mananatili paring ikaw ang nasa puso ko." "Sam naman! huwag mo na akong lalapitan pang muli at kakausapin! wala na tayong connection pa sa isa't isa! at ayoko ng magulong buhay! bahala na kung hindi mo mahal ngayon ang asawa mo, basta pera ang kailangan, naintindihan mo!? Pera Sam, marami kana ngayong pera! at diyan ako bumilib sa'yo!" Sigaw na wika rito ni Anna. "Hindi ako mukhang pera Anna, kung iyun ang akala mo. Isinasakripisyo ko lang ang sariling kaligayahan para mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga kapatid ko!! K-kung gusto mo Anna, papaaralin din kita. At ang mga kapatid mo. basta tatanggapin mo lang akong muli at lihim nating ipagpatuloy Ang matatamis nating pagmamahalan.." Nagmamakaawang pakiusap ni Sam kay Anna. "Sorry Sam, hindi kita mapagbibigyan sa gusto mo. Pagkatapos mong magpakasal sa iba ay kahit pakikipagkaibigan lang ay hindi ko na iyon maibibigay sa'yo.. At bahala nang wala akong matatapusan kung pera naman ng asawa mo qng gagamitin mo para papaaralin ako.."ariin niyang wika rito. "Nagkamali ka Anna. May magandang trabaho na ako. at hindi pera ni Yassy ang gagamitin ko para tutulongan ka." Giit pa nito. "Tigilan mo na ako Sam!" Ani Anna at nagmamadaling umalis palayo kay Sam. " Anna! kakausapin mo muna ako ! alam kong kahit kailan ay hindi mo rin ako makakalimutan! " Tawag ni Sam kay Anna ngunit di na nakikinig pa si Anna. Kinabahan pa si Anna nang di magtatagal ay dumating ang magarang kotse ni Yassy na asawa ni Sam. Kitang- kita niya dahil kapit bahay nga lang sila ni Sam. Muntik na talagang maabutan nito na nakikipag usap si Sam sa kanya. Sa Lilim ng punong mangga nina Sam kaharap sa kanilang bahay ay may upuang yari sa kawayan. Napaka fresh ng hangin doon. Di nagtagal ay kitang kita ni Anna buhat sa kanila na nandoon sina Sam at Yassy nagpapahangin. Malambing pang kumandong ang mayamang asawa ni Sam rito. Para namang sinaksak ang puso ni Anna sa nakikita. Ginawa ni Anna ang lahat upang maiiwasan si Sam para tuloyan na niya itong makakalimutan. Ngunit kahit anong gagawin niya ay namimiss niya talaga ito. Sa kanyang pag-iisa ay laging bumabalik sa kanyang isipan ang kanilang matatamis na alaala. "Gagawa ako ng isang masayang pamilya balang araw at Kasama ka Anna. dahil ikaw ang magiging ina ng aking mga anak." Ani Sam at niyakap at hinalikan pa siya agad nito. Napayakap din si Anna rito. damang dama niya Ang sobrang pagmamahal ni Sam para sa kanya. " Salamat Sam. Mahal na mahal kita .." Napangiting wika ni Anna. " Syempre, mahal na mahal din kita. At pangako mo sa akin Anna na hindi ka magbabago kahit ano mang pagsubok na pagdadaaanan natin.." Wika pa ni Sam. "Pangako ko yun. Basta ako lang talaga ang pakakasalan mo sa huli." "Salamat." Matipid nitong sagot. "At nangangako din akong ikaw lang ang babaeng mamahalin at wala ng ibang makakapalit sa'yo dito sa puso ko .." Sabi pa nito sa kanya. Iyon ang laging nagpa flash back sa isipan ni Anna. Araw ng sabado. Dala ang mga labahin ni Anna ay nagtungo siya sa maliit at malinis na batis kung saan siya nakasanayang maglaba. Kasama niya ang dalawang kapatid na babae na labin dalawang taon na si Carmen at ang pinakabunso nilang si Lara na mag walong taong gulang na rin. Nagulat sina Anna nang pagdating nila sa batis ay naroon na si Sam At talagang sinadya nitong hintayin siya roon dahil alam nito na kapag araw ng sabado ay naglalaba siya roon. "Ate Anna si kuya Sam.." Wika ni Lara. Si Carmen naman ay tahimik lang na nasa tabi ni Anna. "Sam? Anong ginagawa mo dito?" salubong ang kilay niyang tanong rito. "Carmen, Lara, bumili muna kayo ng gusto niyo, iwan niyo muna kami ng ate niyo." Ang sabi pa ni Sam at inabutan ng tig- iisang two hundred pesos sina Carmen at Lara. Natuwa naman ang dalawang bata. " Yeheey! salamat po kuya Sam.." Ani Lara. At tinanggap ang Iibinigay na pera sa kanila ni Sam at umalis para bibili. Nang sila nalang dalawa ni Sam ay tinitigan siya nito. Ngunit si Anna ay napa atras palayo sa ex- boyfriend. Kung hindi lang sana ka tawa- tawang tingnan ay tumakbo na siya palayo rito. Iniiwasan na kasi niya ito para lang makakalimutan na niya talaga ito ng tuloyan. Pero heto, ito talaga ang lumalapit ngayon sa kanya. "Anna, hindi makakatulong sa'yo wng ginawa mong pag iiwas sa akin para lang makakalimutan ako." Matigas qng anyong wika ni Sam. "Hayaan mo na akong dumistansiya sa'yo Sam! may asawa kana! nagpapakasal kana sa iba. Kaya Ano pa bang kailangan mo sa akin!?" Galit na sabi ni Anna. Ngunit laking gulat ni Anna sa sumunod na ginawa ni sam. Mabilis itong nakalapit sa kanya at bigla siyang hinakus nito at niyakap ng mahigpit. "Nasasaktan ako sa ginawa mong pag- iiwas sa akin Anna. Mahal na mahal kita at hindi kita kayang kalimutan." Naghihirap na wika ni Sam. Nagpupumiglas si Anna mula kay Sam dahil natatakot siyang baka may makakita sa kanila sa ganoong ayos. Ngunit malakas si Sam kaya di niya kayang kumawala rito. Ang buong akala ni Sam na umuwi na nga ang asawang si Yassy sa syudad dahil nagpapaalam ito sa kanyang mauuna na itong umuwi. Pero ang hindi alam ni Sam na sinusubaybayan lang pala siya nito, ang kanyang mga kilos. Dahil may nakakapagbalita rito na lumalapit ito noong isang Araw kay Anna sa palayan. kaya ganoon nalang ang pagkagulat nina Anna at Sam nang biglang dumating si Yassy kasama nina chacha at Marilou, ang mga nagpapapel kay Uassy at nagsumbong na lumalapit si Sam kay Anna. "Sinasabi ko na nga ba! how dare you to do this to me Sam!!" Galit na galit na sigaw ni yassy. " Uassy!?" Si Sam. Agad na binitiwan nito si Anna sa pagkakayakap. " Ma'am yassy! Wala aKong kasalanan nito!" namutlang sabi ni Anna. Ngunit isang malakas na sampal ang Ibinigay ni Yassy kay Anna. "Malanding babae!!" Gigil na muling singhal ni Yassy. At muling sunod-sunod na pinagsasampal si Anna nito. "Yassy! Tama na! walang kasalanan si Anna! Ako Ang may kasalanan at ako Ang unang lumalapit sa kanya! dahil hanggang ngayon ay hindi ko parin siyaya magawang kalimutan! mahal na mahal ko parin si Anna! I'm sorry Uassy!" mahabang Sabi ni Sam. Kaya natigil si Uassy at binalingan nito si Sam at ito naman angng sinampal ng malakas. "Ginalit mo talaga ako Sam! so, panoorin mo ngayon ang ipapagawa ko kina Marilou at chacha sa kabit mo!" Ani yassy. " hindi po ako kabit ni Sam, ma'am! " Umiiyak na wika ni Anna dahil nasasaktan Siya na tinawag siyang kabit sa asawa ni Sam. Napangiti ng demonyang ngiti si Yassy at tinawag nito sina Marilou at chacha para lumapit. " Chacha, Marilou. I will give you a ten thousand pesos para bigyan ng leksyon itong kabit ng asawa ko! kung pwedi kalbuhin niyo Siya ngayon din!" demonyang utos ni yassy. "Anna! tumakbo kana palayo, bilis!" Nanlaki ang mga matang utos ni Sam Kay Anna. Hindi na nakatakbo pa si Anna dahil agad siyang sinugod nina Marilou at chacha at pinagtutulongang sabunutan. "Chacha, Marilou! maawa kayo sa akin! " Nabiiglang wika ni Anna. " pasensya kana Anna, kailangan nami Kasi namin ng pera eh!!" sagot ni Marilou . Kalmot,suntok, at sipa ang inabot ni Anna kina Marilou at chacha. "Yassy! Hindi maganda itong ginagawa mo! patitigilin mo sila! Marilou,chacha! tumigil kayo! kung hindi, ipapa police ko kayo!" pagnabanta ni Sam sa galit. tulongan sana ni Sam si Anna ngunit galit na mahigpit na hinawakan ni Yassy si Sam. "Sige Sam! tulongan mo Ang kabit mo! ipapakulong ko Siya ! kaya huwag kang magmakialam dahil kasalanan niyo ito! Ipagpapatuloy niyo Marilou ang ginagawa niyo! huwag kayong matakot! dahil niloloko nila ako!!" Nakapamaywang na sigaw ni yassy sa galit. Kaya ipinagpatuloy naman Nina Marilou ang pagbubug kayy Anna. puro pasa na ang buong katawan at mukha ni Anna sa ginawa sa kanya ninaina Marilou at chacha. "Anna!!" Napaiyak at naaawang sigaw ni Sam. napahalakhak naman si yassy dahil sobrang natuwa ito sa nakikita. "Tama na!! Tama na!!! Wala aKong kasalanan ma'am yassy!! hindi ako kabit!!!" Umiiyak na wika ni Anna. Umiiyak sa galit any buong pamillya ni Anna dahil sa ginawa ni yassy rito.nilagnat si Anna sa mga bugbug na inabot nito. "Ate. " Umiiyak na sambit ng batang si Lara na niyakap si Anna.bganoon din si Carmen. "Napakasama ng ginawa ni yassy sa'yo anak, Porke' t mayanan siya at wala tayong kalaban laban sa kanya. Ito ang ginagawa niiya sa'yo!!" galit na wika ni aling Wella habang Umiiyak. "Magdemanda tayo!!" Galit na galit ring wika ng amang inotel ni Anna. " H-huwag na ta, wala rin kasi tayong magagawa ehh. Lalo na't pinagbintangan akong kabit ni Sam." Humihikbing sabi ni Anna. "Napaka demonya ng asawa ni Sam!!" Nagngalit ang bagang na wika rin ng nakakatandang lalaking kapatid ni Anna na Edmund. Akala nila ay tapos na ang galit ni Yassy. Ngunit Isang hapon ay nagulat na lamang ang buong pamilya ni Anna nang naging bisita nila ito Kasama ang isang attorney ng mga Gatchalian. "Good afternoon Mr. and Mrs. Sebastian.." Anang attorney ng mga Gatchalian. "Anong sadya niyo po rito?" kunot noong tanong ni ling Wella nang makita wng bruhang asawa ni Sam na Kasama rito. Saglit na ngumiti ng matamis si Yassy bago nagsalita. "Attorney Fidel Rusco, ikaw na ang mag e- explain sa kanila.." Ani yassy. Naroon din ang ama ni Anna sa may pintuan at nakikinig. Pati sina Anna at ang kanyang mga kapatid. " Ahhm..Mr.and Mrs. Sebastian.ang lupaing hinawakan niyo Kasama na itong kinatirikan ng Inyong bahay ay wala kayong titulong hinahawakan nito dahil Right lang Ang pagpoposition niyo rito at ang talagang totoong nagmamay-ari nito ay ang mga Dela vega. So, that' s why we are here to inform you all na ibeninta na ito ng mga Dela vega sa mga Gatchalian. At heto qng mga documents na naging evidence na nabili na nga ito ng pamilya ni Ma'am yassy Gatchalia." Ani attorney Rusco at inilahad qng mga papeles. "And we are here to give you all a five days allowance para lumayas na kayo dito Anna!" Malakas na Singhal ni Yassy. "Ano!? hindi totoo yan! " react ng Lumpong na Ama ni Anna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD