CHAPTER 19

1538 Words
Habang si Anna Naman ay pangiti- ngiting nakikipag chat Kay Sam. sinabi niya ritong magkikita Sila sa hotel kaya excited namang nagrelpy ng 'okay' sa kanya. At sa Mismong hotel din Sila ni Yassy magkikita ngayon. gusto nitong makipagkita sa kanya dahil sa five million pesos na nagamit nito sa kanya. hindi alam ni Yassy na Siya Pala ang taong tinutukoy ni Eloisa. At sa pagkakataong ito ay paglalaruan niya sina Yassy at Sam ngayon! "Bakit gusto niyang sa hotel kami magkikita Miss Eloisa??" Nagtatakang Tanong ni Yassy. "Ewan ko kung bakit sa hotel ang gusto niya.." Ang Sabi Naman ni Eloisa. 10: 00 am ang napagkasunduan na mgkikita sina Yassy at Anna sa hotel. kaya 9:00 am palang ay pinapunta na niya si Sam sa hotel. kumain muna sina Anna at Sam habang Wala pang go signal si Miss Eloisa Ferrer sa kanya sa text. magtetext ito sa kanya kapag dumating na si Yassy. Timing din na patatapos na silang Kumain ay nagtext na si Miss Eloisa sa kanya na nandito na raw si Yassy. "Mag check - in na tayo ng room Sam.. para sa ating dalawa. Diba nangangako Ako Sayo last time nating pagkikita?" Nagpupungay ang mga matang wika ni Anna sa dating Kasintahan. Nagulat Naman si Sam dahil Hindi ito makapaniwalang si miss Bella ang gagawa ng paraan upang may mangyari sa kanila ngayon. Hindi naging masaya si Sam Kay Yassy kailan man, kaya bakit hindi niya hahayaan ang sarili ngayonng liligaya sa piling ni Miss Bella? Nawala na si Anna sa buhay niya dahil sa mali niyang desisyon noon kaya ngayon Hindi niya hahayaang mauulit iyon Kay Bella,mahal na rin Yata niya si Miss Bella. "Hindi Ako sinungaling para sabihing hindi ko nagustohan Ang sinasabi mo Miss Bella. mahal na rin yata kita.. kaya gusto rin kitang angkinin ngayon.." prangkAng Sabi pa ni Sam. Pgkatapos mag check- in ay inakbayan pa ni Sam si Bella papasok sa Isang malamig na kuwarto ng hotel. Si Yassy Naman ay humihingal na nagmamadaling tumakbo patungo sa kuwartong pinapasukan nina Sam at Bella! Naiwan nito si Eloisa dahil Kitang kita ng dalawang mata nito nang pumasok Sila ni Miss Eloisa sa loob ng room ng hotel, hindi Siya pweding magkakamali, ang kanyang asawang si Sam at si Bella ang kanyang nakikita sa unahan na pumasok sa Isang room ng hotel! " Sam! Bella!" Galit na galit si Yassy na tinawag ang mga ito. Ngunit Hindi na Siya narinig ng DalawA at isinara ka agad ng mga ito Ang pinto. "What happened to you ma'am?" Tanong pa ng roomboy Kay Yassy malapit sa room na pinasukan Nina Sam. "What happened ka diyan! Asawa ko ang Kasama ng babaeng kapapasok lang sa room na iyan!!" Malakas ang boses na Singhal ni Yassy sa roomboy. " Ma'am, bawal po ang mag eskandalo rito, umuwi nalang po kayo.." Anang guard na nilapitan si Yassy. "Asawa ko nga Ang pumapasok dito! Kaya kahit presidente pa ay Hindi makakapigil ngayon sa akin na mag eeskandalo rito!" Na high-blood na sigaw ni Yassy. " Sisirain ko muna Ang pinto ng kuwartong iyan! Dahil nasa loob ang Asawa ko! Sam!! Lumabas ka diyan!! Sam!! Bella!" Pagsisigaw ni Yassy. Natigil si Sam sa Isang mainit na romansang ginagawa nito Kay Bella nang may nag- iingay sa labas ng pintuan ng room na kanilang kinalalagyan. Pagkapasok nila sa malamig na room na iyon ay agad nitong sinunggaban ng mga halik si Bella halos mababaliw na nga Si Sam sa tindi ng sensasyong namagitan sa kanila ni Bella. Si Anna Naman ay pikit matang dinama ang mga ginagawang romansa nito sa kanya ni Sam. Alam Naman niyang Hindi iyon matutuloy dahil set- up lang ang lahat. "Sam!! Bella!! Mga hayop! Buksan niyo ito! mga taksil!!!" Patuloy na pagsisigaw ni Yassy sa labas. "Oh, Damn it! Si Yassy, Bella! Nandito Siya!" Ani Sam at Inis na tumigil sa ginagawa nito Kay Bella. Sobrang nabibitin na naman si Sam ng mga sandaling iyon. Hindi niya parin maangkin si Bella dahil sa biglang pagdating ng kanyang asawang si Yassy! "Oh, si Yassy nga Sam! Bakit ba Siya nandito?" Kunwaring tanong pa ni Bella. Tinadyakan pa ni Yassy Ang pinto ng room kaya nagkagulo sa labas dahil sinaway ito ng guard. "Hello sir, ma'am! Buksan niyo po ito, Asawa mo daw itong nag eeskandalo rito sir kaya paki bukas po ng pinto!" Katok na sunod- sunod ng guard. Hinanda ni Sam ang sarili. alam niyang malaki itong eskandalo ngayon. Si Anna ang bumukas ng pinto. "Mga hayop!! Mga taksil!! Papatayin kita Bella!! Papatayin kita!!!" Sigaw ni Yassy. Susugurin sana ni Yassy agad si Bella ngunit pinigilan ito ng guard. kasabwat rin ni Bella ang guard at binayaran niya ito para ito Ang magpipigil Kay Yassy. "Ma'am, huwag kang mag eskandalo ma'am!" Anang guard at pinigilan si Yassy. "Siraulo kaba!? Bitawan mo Ako! Asawa ko nga Ang Kasama ng babaeng iyan! Sino ba Ang hindi mag- eeskandalo ha!?" Galit na galit si Yassy. "Yassy, Mauna na Ako sa Bahay. doon na tayo mag- uusap.." Kampanteng wika ni Sam sa Asawang si Yassy pero halatang nainis ito sa pagdisturbo ni Yassy sa kanila ni bella. "Miss Bella, kung Hindi ka pa aalis dito, Mauna na Ako Sa'yo.." Ani Sam Kay Anna at tumalikod agad ito. "Sam! Huwag ka munang umalis! Huwag mong tatalikuran itong ginawa niyong ka taksilan ngayon!!" Halos ika baliw ni Yassy ang lahat. "Sorry talaga kung nasasaktan ka namin Yassy. Kung bakit Kasi bigla nalang akong nagkagusto Kay Sam at ganoon din si Sam sa akin.." ani Anna Kay Yassy. " Idedemanda kita Bella, kayo ni Sam! Humanda ka, hayop ka!! Walang hiya!" Ani Yassy at nagpipiglas mula sa pagkahawak ng guard rito. "What?? Hindi pa nga kami nagka anak ni Sam, ededemanda mo na kami? hintayin mo Yassy kapag magkakaanak na kami ng Asawa mo para may matibay ka namang ebidensya laban sa amin yassy,. Tssk, poor wife.." Nang- uuyam na Sabi ni Anna rito. Muli itong nagpupumiglas mula sa guard dahil sa sobrang galit nito. " Bitawan mo Ako guard! Patitikimin ko ang malanding babaeng ito!" Muling sigaw ni Yassy. "Magkasama ba kayo ni Miss Eloisa Hindi ba??" Tanong ni Anna rito. Nagsalubong Ang kilay ni Yassy. " Paano mo nalamang magkasama kami, ha??" " Diba makipagkita ka ngayon sa akin??" Ang Sabi niya rito. Nagulat ito. " What do you mean!??" Manghang tanong ni Yassy. " Ayy, Hindi mo ba alam?? Ako ang taong tinutukoy Sa'yo ni Eloisa na hiniraman mo ng malaking halaga! at sinisingil na kita agad Yassy!" Gigil pang wika ni Anna rito. "No, pinagkaisahan niyo Ako!! Pagbabayaran niyo ito Bella!! hayop ka talaga!!" Malakas na asik ni Yasy. "Good bye Yassy, at maghihintay Ako sa bayad mo sa akin.. sa loob ng dalawang Araw nalang. dahil kung Wala, umalis na kayo sa Bahay niyo. dahil tuloy ang Plano Kong papaalisin ko kayo sa sarili niyong Pamamahay!!" Ani Anna rito at agad na tinalikuran niya si Yassy. Humihingal sa Galit si Yassy at napahawak ito sa dibdib dahil sa sari-:saring emosyong naramdaman ng mga Oras na iyon. Sobrang poot at sakit ang naramdaman nito sa mga Nangyayari. Dahil sa ginawa ni Bella ay nakapag isip ng masamang plano si Yassy rito. Iniwan ni Sam si Yassy at umuwi ito sa probinsya. mas Lalong kinasusuklaman ni Yassy si Bella dahil roon. "Sinira ni Bella ang pagsasama namin ni Sam mommy!! Sinira niya! At dalawang Araw lang ang allowance na Ibinigay niya sa atin para aalis na talaga sa Bahay na ito!!! Sige aalis na talaga Tayo rito mommy, pagbibigyan natin si Bella sa gusto niya. ibebenta ko ang ibang mga properties na natira ni daddy para ihanda ko sa susunod naming labanan ni Bella! Humanda Siya sa akin!" Nagngitngit ang kaloobang wika ni Yassy. Habang nasa kuwarto si Anna ay nag- iisip Siya kung Ano ang isusunod niyang gagawin sa patuloy na paghigiganti niya Kay Yassy Pagkatapos niyang mapalayas ang mga ito sa Pamamahay ng mga ito. At ang mga magulang Naman ni Bella ay Hindi lingid sa mga ito Ang mga ginagawa ng anak nilang si beylla sa pinsan nitong si Yassy. Isang Gabi nag uusap ang mag Asawa. "Frederick.. napapansin ko ang anak nating si Bella parang ibang -iba Siya ngayon kumpara noon.." Ang Sabi ni Mrs.Amanda Gatchalian. " Iyan din ang napapansin ko Amanda.. pero hayaan na natin iyan, huwag na nating bigyang malalim na reason kung bakit Siya naiiba ngayon kesa noon." Ang Sagot Naman ni Frederick. Bigla Naman nagring ang cellphone ni Frederick. At sinagot nito agad iyon. " HELLO.. who's this?" Tanong ni Frederick dahil Hindi naman naka phone book ang number ng tumawag. " Hello sir, magandang gabi, ang mayordoma po ito ni madam ambrosia.." Anang tinig sa kabilang linya. Kinabahan Naman si Frederick kung bakit biglang napatawag ang mayordoma ng inang ambrosia nito. " oh bakit ka napatawag? May problema ba ?" Tanong ni Frederick. "Bigla pong nagkasakit si madam ambrosia sir at hinahanap si ma'am Bella. Oras na daw para isalin ni madam ambrosia ang kanyang kapangyarihan sa nag- iisa niyang Apong si Bella. ibibigay na niya ang bertud ng pagiging mangkukulam sa kanyang apo." Anang mayordoma. Nanlaki ang mga mata ni Mr. Frederick Gatchalian sa narinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD