Naglalakad noon sa parking lot ng condominium na tinitirhan niya si Mara nang bigla siyang harangin ni Xander. Dalawang linggo na rin mahigit buhat nong magdesisyon siyang iwasan ito. Alam ng Diyos na ilang beses niyang nilabanan ang takot na nanumbalik sa kaniyang puso dahil sa sinapit ng kuya Jed niya. Pero sa tuwing nag-iisa siya ay hindi sinasadyang isipin ni Mara ang kinahantungan ng dating perpektong relasyon ng kapatid at ni Stacey. At dahil don kaya nahirapan na siyang labanan ang takot sa kaniyang puso. Muli siyang naniwala na hindi porke't mahal ka ng isang tao ay hindi ka na niya kayang saktan, that even the things you love the most can hurt you. Dumadagdag pa sa takot niya ang family background ni Xander. Animo'y virus na kumakain sa buo niyang sistema ang sinabi noon