Kanina pa nakatunganga si Mara sa harap ng computer na nasa opisina niya. Dapat kanina pa siya nagtatrabaho dahil sa problemang kinakaharap ng kanilang kumpanya. Pero wala doon ang isip niya dahil excited na siyang umuwi nong araw na iyon at sabihin na kay Xander na handa na siya ulit pumasok sa isang relasyon, na handa na siyang tugunin ang pagmamahal nito. Minsan na siyang nabigo sa pag-ibig, pero dahil sa pagmamahal ni Xander kaya muling nanumbalik ang tiwala niya sa salitang 'forever'. Ngayon lang niya lubos na naintindihan kung bakit ganon niya kadaling nakalimutan si Pete, kung bakit ang bilis niyang isinuko kay Xander ang sarili niya at kung bakit tila sumasayaw ang puso niya sa tuwing magkasama silang dalawa, iyon pala ay dahil mahal na mahal na niya ang binata. Nahinto sa pag