Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Mara. Hindi niya maintindihan kung bakit ang sarap-sarap gumising n'ong araw na 'yon. Uunat na sana si Mara nang magtaka siyang hindi niya maitaas ang dalawang kamay. Na tila ba may mabigat na bagay ang nakadagan sa kaniyang mga braso. Awtomatikong bumaba ang kaniyang tingin para alamin kung ano iyon. Ganon na lamang ang kaniyang pagkagulat ng isang braso din ang nakapatong at prenteng nakayakap sa kaniya. Malakas na napatili ang dalaga. Tinabig niya ang brasong iyon at mabilis pa sa alas kuwatrong bumaba ng kama. Marahil nagulat din ang nagmamay-ari ng kamay na iyon kaya nagising at napatalon din sa kama. Napamaang ang dalaga nang makilala ang lalaking hubo't hubad na nakatayo sa harapan niya. "Xander?! Mara?!" Halos sabay pang bulalas ng dalaw