Third Person's POV Lumabas si Dani para tunguhin ang gate may narinig siyang nagdo-door bell sa labas ng kanilang bahay kaya inalam niya kung sino iyon. "Hi!" nakangiting bati sa kaniya ni Paul, ito ang nabungaran niya sa labas ng kanilang gate. "Oh... Paul, bakit nandito ka, gabi na, ah?" aniya rito. "Have you had your dinner already? I can't eat alone so I thought of bringing the Shrimp Fillet that I cooked here to eat with you," sagot ng binata sa tanong niya. Noon lang napansin ni Dani na may dala itong glass tray nakatakip ng foil ang ibabaw kaya hindi niya alam kung ano ang laman sa loob, sinabi naman nito na Shrimp Fillet kaya inisip niya na hipon nga iyon. "Hmm... tamang-tama wala akong ulam, halika pumasok ka na," aya niya rito at nilakihan ang bukas ng pinto para makapasok s