Third Person's POV Naging napakasaya para kay Dani ang mga sumunod na araw na magkasama sila ni Lucas. Magkatulong na inalagaan ng dalawa si Sage. Kung makikita mo sila at hindi mo kilala ay aakalain mong isa silang tunay na pamilya. Nang hapong iyon at papalubog na ang araw ay ipinasyal ng dalawa at pinaglakad si Sage sa park. Lumabas si Paul sa kaniyang bahay para maglakad-lakad at dinala siya ng kaniyang mga paa sa park. Natuwa siya ng matanaw si Dani at Sage doon. Lalapitan na sana niya ang mga ito, hindi niya napansin na naroon din pala si Lucas. Natigilan siya sa sana'y paglapit nang makita niya si Lucas na lumapit sa kinaroroonan ni Dani, niyakap nito ang dalaga at hinalikan pa sa labi. Masayang-masaya ang mukha ni Dani. Nakaramdam siya ng matinding selos, diyata't may relasyon