Third Person's POV Natigilan si Lucas sa mga sinabing iyon ni Dani. Hindi siya nakaimik kaagad, nakita niya sa mga mata nito ang pagkalito. Itinanong niya sa kaniyang sarili kung ano nga ba ang totoong nararamdaman niya para sa dalaga. "I'm so sorry kung hinayaan kitang mag-isip ng gan'yan!" Ginagap niya ang kamay ni Dani na nakapatong sa lamesa at pinakatitigan ito nang husto. "Hindi ko rin maipaliwanag kung ano itong nararamdaman ko para sa 'yo, katulad mo ay naguguluhan din ako, basta ang alam ko lang ay lagi kitang naiisip at gustong-gusto kong makita ka. Just give me enough time to find out what I truly feels towards you. Sa ngayon ay nangangako akong pipigilan ko na ang aking sarili na mapalapit sa 'yo hangga't hindi pa ako nakakasiguro sa tunay na damdamin ko. Forgive me for bein