Dani's POV Hindi ko kinaya ang eksena na aking nasaksihan, sa dinami-rami ng tao sa mundo sino ba'ng makakapagsabi na si Aling Dhalia pala ang hinahanap na ina ni Paul? Kapag ang nasa itaas na talaga ang kumilos ay walang imposible para sa kaniya. Narinig siguro ng Panginoon ang dalangin ng mag-ina at naramdaman nito ang hangarin ng mga puso nila. Pinahid ko ang mga luha na hindi ko namalayang kusa na lang dumaloy sa aking mga pisngi. Masaya ako para kay Paul, tuwing gabi bago ako matulog ay lagi kong ipinapanalangin na makita na niya ang kaniyang ina. Natupad na ang aking panalangin at natupad na rin ang kahilingan ni Paul. Nang araw ring iyon ay hindi pumayag si Paul na hindi sumama sa amin sa pag-uwi si Aling Dhalia. Napag-alaman namin na mag-isa lang pala itong namumuhay sa baron