DALAWANG araw na ang ginagawang paghahanap ni Stanley sa kaibigan, pero hindi pa rin niya ito mahanap, gano’n din kahit ’yong mga inutusan niya, at iba pa ang mga tauhan ni Senyora Felia. Hindi lang sa buong Batangas ang nangyaring paghahanap, kundi pati na sa buong Maynila may pinakalat na ang senyora na maghahanap nang palihim, ngunit ni isa sa mga ito ay bokya, walang mahanap. Hindi mapigilan ni Stanley ang mag-alala para sa kaibigan. Naiwan naman si Andy at Jessica sa kastilyo. “Napakalandi mo talaga! May boyfriend ka na pero sumama ka pa kay Sir Dreco para lang malandi mo!” inis na sabi ni Jessica habang hawak ang tissue at pinupunasan ang pagdugo ng ilong. “Ilang beses ko bang sasabihin sa ’yo na niloko niya ako kaya ako napilitang sumama! At walang nangyari sa amin!” inis naman
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books