Tamang singhak-singhak lang si Andy, umiiyak habang nakaupo sa kaniyang kama. Hindi niya mapigilan ang maiyak dahil siya pa ang pinagalitan kahit wala naman siyang kasalanan sa nangyari, at hindi naman talaga siya ang mga nakabasag ng mga gamit sa kusina kundi si Jessica. Pero sa kaniya pa rin nabuntong ang sisi at mapaparusahan pa siya. “Andy? Are you there?” Mabilis siyang napapunas ng luha nang marinig ang pagtawag ng boses ni Stanley na kumatok sa pinto mula sa labas. Dali-dali na niyang inayos muna ang sarili bago lumapit sa pinto at pinihit na ang doorknob. “B-bakit po, doc?” Parang nabigla naman si Stanley pagkakita nito sa kaniya at agad na lumapit. “Hey.” Hinawakan nito ang kaniyang mukha at tiningnan siya na may pag-aalala. “Are you crying?” “H-hindi po, doc.” Iniwas naman n