Pagkakita ni Stanley sa kaibigan ay agad niya nitong hinaklit sa kuwelyo patayo at hinila papunta sa isang sulok ng club, malakas niya itong isinandal sa may pader. Nagsitayuan naman ang limang kaibigan nito, pero agad nitong sinenyasan na huwag makialam. “Who are you?” puno ng diin nang tanong ni Stanley. “Who the hell are you!” he shouted. Natawa naman si Vaun, umarko ang isang kilay at ngumisi ang labi. “Who am I? Who do you think I am?” pabalik nitong sagot. Humigpit ang hawak ni Stanley sa kuwelyo ng kaibigan at tinitigan ito sa mata. “Vaun. You’re Vaun.” “Correct.” Vaun smiled. “And why are you here? Bakit ka lumabas?” “What do you think? Bakit nga ba ako lumabas?” ngisi pa rin nitong sagot na parang nang-aasar pa. “Tell me the reason!” Stanley shouted again. “Para bawiin ’yo