NAGISING si Andy sa loob ng isang bedroom. Napabalikwas siya ng bangon at napatingin sa buong paligid. Hindi pamilyar sa kaniya ang loob. Bigla siyang dinambol ng kaba at napatingin sa sarili niya, kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag nang makitang suot pa rin niya ang dress niya at parang wala naman siyang kakaibang naramdaman sa kaniyang katawan. Nang maalala ang huling pangyayari ay bigla siyang nataranta at dali-dali nang bumaba ng kama para sana lumabas na, pero bago pa niya mahawakan ang doorknob ay bumukas na ang pinto at pumasok ang dalawang nasa mid-20s na babae na nakasuot ng magkaparehong uniform. “Hi, good morning, ma’am!” magkasabay na bati sa kaniya ng mga ito. “Ito po ang breakfast niyo, ma’am. Tumawag lang po kayo kung may kailangan pa kayo,” wika ng isa at nilapa