Mula sa loob ng dining room ay hindi mapakali si Andy habang hinihintay ang pagbabalik ni Vaun. Labis ang kaba niya na baka hindi nito makumbinsi si Jessica at maisumbong sila kahit wala naman talaga silang ginagawang masama, lalo na siya na walang alam, dahil ang akala niya talaga ay si Stanley ang yumayakap at halik sa kaniya kanina. Nagitla siya mula sa malalim na iniisip nang may tumikhim. Paglingon niya ay si Stanley ang pumasok. Bigla siyang napalunok at dinambol muli ng matinding kaba. Pero nawala ang kaba niya nang sumilay ang ngiti sa labi ni Stanley at mabilis na itong lumapit sa kaniya. “Good morning, my sweetheart!” malambing nitong bati sa kaniya at hinalikan siya agad sa pisngi pagkalapit. “G-Good morning din sa ’yo,” pabalik na lang niyang bati at pinilit na lang ngumiti