25

2049 Words

Chapter Twenty-five "Kaus, kung gusto mong mag-cruise ay ikaw na lang. I'm busy. Alam mo namang hindi ako pwedeng umalis ngayon." Seryosong ani ni Boss Xachary sa kaibigan niya. Kumakain ako ng ice cream dito sa balcony habang ito'y busy sa kausap nito. "Malapit na ang birthday ko, Xachary El Richi! Birthday gift mo na lang sa akin iyon." "Pwede kitang regaluhan ng kahit ano pero hindi pwede ang oras ko." Iniumang ko kay boss ang kutsara kong may lamang ice cream. Hindi naman ito tumanggi. Panakanakang sinusubuan ko ito habang busy siya sa pakikipag-usap. "You're busy---" "Yes, I am." "Dahil sa babae, Xachary." Feeling ko'y napapairap pa iyong unggoy na kausap ni boss base na rin sa tono ng salita nito. "No, Kaus. Alam mong pinagkakaabalahan ko iyong beach house na nabili ko---"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD