Chapter Ten "Nana Astrid, bakit po nag-walkout si Boss? Nahiya po ba siya dahil hindi niya alam ang ibang tawag sa p*********i niya?" "Naku! Baka iyon nga ang dahilan, Allegra. Nakakaaliw ka talagang bata ka. Mukhang iyong yelong ibinalot ni Xachary sa sarili niya ay ikaw ang makatutunaw." "Po? Ano pong ibig ninyong sabihin?" "Ang ibig kong sabihin... kumain ka na. Damihan mo ang kain mo." Nagmadali na rin itong umalis kaya naiwan akong mag-isa. Nagpatuloy ako sa pagkain. Si Ester na tapos nang maglinis nang nabasag na vase ay dumating sa dining room. Dinampot nito ang mangkok na may sabaw. Hindi ko alam kung ano iyon. Nakasunod lang ang tingin ko sa mangkok na iniangat nito. Ang sabaw ay isinalin nito sa baso ko na may gatas. "Hala! Bakit mo hinalo?" ako ko sa babae. "Inumin mo. Ga