Chapter Sixteen "Good morning, Allegra." Bati ni Boss Xachary sa akin. Nakasabay ko ito sa pagbaba ng hagdan. Hindi ko ito pinansin. Tuloy-tuloy ako sa pagbaba habang si Boss Xachary ay halatang nagtaka sa inasta ko. "Allegra Romaffi." Pero nakaabot na ako sa huling baitang ng hagdan ay hindi ko pa rin ito pinansin. "Magandang umaga, Allegra." Bati ni Nana Astrid. "Magandang umaga rin po sa 'yo, Nana---" "Heay! That's unfair, Allegra. Binati kita kanina tapos hindi mo ako pinansin. Tapos si Nana Astrid ay pinansin mo?" saka lang ako naglakas ng loob na tignan ang lalaki. Kasalanan nito kung bakit masakit ang ulo ko. Dahil sa disappointment ko rito ay hindi agad ako nakatulog. "Hindi mo deserve batiin, Boss Xachary." "What is my fault? Galit ka na?" "You're a criminal, Boss Xach